Communicate

1.5K 62 11
                                    

I drove my car to the studio where Jhoanna and her members are currently in kasi busy sila sa pagrerehearse para sa upcoming concert nila dito sa Baguio. I was planning to surprise her kasi ang pagkakaalam nya, hindi ako makakasama sa kanya due to my work. But in reality, I asked my boss for 2 weeks vacation leave para masamahan sila sa Baguio until their last stop for their regional tour which will be held in Gensan and luckily, I was allowed by my boss.

Me and Jho have been dating for almost 3 years with the approval of my uncle, the one and only Direk Lauren. Alam din ni tito ang about sa plano kong isurprise si Jho.

I bought her fave flowers when I passed by a nearby flower shop. I'm planning to take her out for a nice dinner before their big day tomorrow.

When I reached the gates of the studio, the guards immediately recognized me since I was one of the architects that planned out the structure of Camp John Hay a couple of years ago.

"Uy! Ikaw pala yan, Ms. Y/n! Long time no see po, ma'am." naka ngiti na bati ng isa sa mga guard.

"Si kuya talaga, ilang beses na sinabihang Y/n nalang po eh. Nga pala, andyan pa ba sa loob ang Bini?" tanong ko at tumango naman si kuya.

"Ah, opo. Kakatapos lang nga ata nila mag rehearse ulit. Nakita ko po kasing lumabas saglit yung mga manager nila para bumili ng mga inumin para sa members. May bakanteng spot po doon malapit sa pinto ng building. Pwede po kayong mag park dun." itinuro naman ni manong yung spot na tinutukoy nya.

"Salamat po!" sabi ko before tuluyang nag drive papunta sa spot malapit sa entrance.

Nang nakababa na ako, pina alam ko kay Tito na nakarating ako sa Baguio nang safe. Nag reply naman sya agad agad na dumiretso nalang ako sa dance studio ng building kasi andoon ang girls.

Bumaba ako sa sasakyan at kinuha yung flowers sa backseat bago siniguradong secured ang sasakyan bago tumungo sa studio.

Di naman mahirap hanapin ang studio kasi rinig na rinig sa hallway yung music ng girls na pinapatugtog nila. Kumatok muna ako bago pumasok sa pinto at nakita ko namang naka upo ang mga girls sa sahig habang si Jho naman ay nasa isang sulok, mukhang badtrip.

"Hi, girls!" bati ko nang nakapasok na ako. Lumingon naman agad silang pito at tumakbo papunta sa akin para yumakap.

"Y/n!!" sabay sabay nilang sabi at natawa ako kasi kahit sa pag tawag sa pangalan ko synchronized parin tong mga to.

"Akala ko ba di ka makakapunta dito, architect? Sabi kasi ni Jhoanna di ka makakanood ng show bukas kasi busy ka sa isang big project." tanong ni Staku. She made it her habit to call me 'architect' instead of my name and hinayaan ko nalang.

"Plano ko kasi kayong isurprise lalo na si Jho."

"Medyo bad mood yan, ate. Goodluck." bulong ni Shee bago nila ako ipagtabuyan papunta sa girlfriend ko.

"Halata nga. Oh sya, jan muna kayo. Magpahinga muna kayo. Asikasuhin ko lang leader nyo." bumalik naman sila sa sarili nilang mundo saka ako lumapit kay Jho.

"Hi, mahal~" bati ko dito at tiningnan nya lang ako at tumango.

"Bad mood ang mahal ko ngayon ah. Oh eto, I bought your favorite flowers para ma lighten up yang mood mo." inabot ko sa kanya ang bulaklak at tiningnan nya lang to.

"Thanks. Pakilagay nalang jan sa gilid." sabi nya saka binalik yung atensyon nya sa phone nya.

"Kumain ka na ba? Kayo?" hinawi ko yung buhok na nakaharang sa magandang mukha nya and God knows how she can effortlessly take my breath away every single time. Umiling lang sya bilang sagot sa tanong ko.

BINI OneshotsWhere stories live. Discover now