Prologue

4 1 0
                                    

Prologue.

"Hindi ko na kaya, Heaven!" nagpumiglas ako nang tangkain ako muling hawakan ng lalake.

"But Faith..."

"No buts, bastard! Nakita na kita. Nakapatong sa 'yo 'yong ahas na 'yon. How can you defend yourself?" tila nawalan siya ng mga sasabihin.

"Let me explain..." i cut him off.

"What for? Alam mo, Heaven? Pagod na ako. I've been hearing a lot of rumors for the past 2 months about you and that Angelica." i took a deep breath. "Hindi ako naniwala kasi tiwalang-tiwala ako sa 'yo na hindi mo kayang gawin 'yon."

Nabalot kami ng katahimikan. Hindi na nakapagsalita si Heaven. Alas diyes na ng gabi at madilim na ang paligid pero naaninag ko pa ang pagtulo ng luha niya dahil sa mga posteng nasa paligid.

Nasa kalagitnaan kami ng kalsada malapit sa condo niya. Ngayon ang birthday niya, i was about to surprise him, but i wasn't expecting this; ako pala ang masosorpresa.

"F-Faith, i'm sorry." he mouthed, "Let me explain." his voice broke.

I slowly shook my head out of disappointment. "You have nothing to explain about. Nakita ko, narinig ko, nandun ako. Ang sakit, Heaven!"

Umalis na ako kaagad sa kinatatayuan naming dalawa. Mabilis akong tumungo sa parking lot ng condo building niya.

He seems to be happy while doing that thing with Angelica, my childhood friend. It feels like they stabbed me 10-inches deep at my back. Ang sakit, masakit.

Nag-ring ang phone ko sa kalagitnaan ng byahe. Hindi ko na pinansin 'yon, ayokong may kausap. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa nakita ko kanina.

Dumako ang tingin ko sa tiyan ko. "Baby..." pilit akong ngumiti.

Sasabihin ko na sana kay Heaven ang tungkol sa pagbubuntis ko pero mukhang mas nanaisin niya pang bumuo ng pamilya kasama si Angelica.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako sa bahay. Bumungad sa akin sila mama at papa na abalang naghahain ng dinner namin.

“Oh! Parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa ah.” tanong ni papa sa akin nang makita niya ako.

Hinayaan kong mahulog mula sa balikat ko ang sling bag na dala. I immediately approached my dad and hug him. Doon ko na mas nailabas pa ang sakit na dala ko mula pa kanina.

Lumapit naman kaagad si mama at agad na hinimas ang likod ko upang mapatahan ako.

Rinig sa buong kusina ang paghagulgol ko.

“Anong nangyari? How’s your surprise?” nagtatakhang tanong ni papa. Bumitaw ako sa mula sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.

His eyes softened when he saw me crying, “Anong nangyari?” bakas ang pag-aalala sa tono ng kanyang boses.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni mama mula sa aking likod.

“He cheated on me.”

Nabalot kami ng katahimikan dahil sa sinabi ko. Hindi maipinta ang mukha ni papa at ni mama. Mukhang hindi sila makapaniwala kaya mas dinetalye ko pa ang pagkuwento.

Hindi na napigilan ni papa ang galit niya. “Tangina! Pinalampas namin ang pagbuntis niya sa ‘yo, pero ang lolokohin ka? Mukhang hindi na niya masisilayan ang anak niya!” sigaw ni papa.

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Alam kong kaya niyang gawin ang sinasabi niya dahil maraming tauhan si papa tsaka kaya niya ring linisin ang pangalan niya kung sakali.

“Huwag, pa!” pigil ni mama sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni papa at pilit itong pinakalma.

May nangyari sa amin ni Heaven at hindi ko alam na magbubunga pala ‘yon kaya nagalit ang mga magulang ko noong una pero tinanggap niya pa rin at napilit kong isikreto nalang muna kay Heaven.

Kaya hindi ko masisisi si papa kung bakit siya nagagalit ngayon.

However, i don’t wanna let him commit crime because of me. Hindi ko maitatangging mayaman kami pero hindi kailanman mababayaran ng pera ang buhay ng tao.

Umupo muna ako sa upuan. Tulala at hindi ko alam ang mga sasabihin ko kay papa. Ayokong ipagtanggol si Heaven because i did it a lot of times and yet he failed me.

Masakit pa rin ang puso ko at hindi ko pa rin tanggap ang mga pangyayari.

Nag-ring ulit ang phone ko. Hindi ko iyon sinagot nang makita ang pangalan ni Heaven. Ayoko siyang makausap. Why is he trying to defend himself?

I can’t forgive him. Sorry?, No! He's not sorry while doing that, he’s not thinking about me while enjoying that woman. He never feel guilty, until i caught him.

Heaven Knows [ Cinco Series 1 ]Where stories live. Discover now