16 - Nandito na si Dos...

441 15 5
                                    

AVEN MIKO POV

Nandito kami sa labas ng headquatters ng makakalaban namin.

Nakaupo kami sa kanya-kanya naming motor habang ang iba ay naninigarilyo.

"Nagreply na ba si Dos? Anong oras na kasi baka maunahan pa siya ni Pinuno makarating dito," nag-aalalang tanong ni Levi.

"Wala pa, hindi pa nga nagseseen sa GC natin eh!" angil ni Atlas.

Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang match pero wala pa din si Dos.


Nasaan ba s'ya?

"Ang layo pa naman ng Quezon City, tss. Tawagan niyo nang tawagan si Dos. " sambit ni Echo na agad naming ginagawa.

Nilabas ko ang phone ko at agad na dinial ang number ni Dos para tawagan siya.

"Cannot be reached." sambit ko habang nagd-dial pa ulit baka sakaling sagutin na ni Dos, pero wala pa din. "Baka nasa biyahe pa ito." inis na sambit ko at agad na binaba ang cellphone ko.

Napatayo kaming lahat mula sa pag-upo nang may nagsalita sa likuran namin.

"Are you guys ready?!"

Gulat kaming napalingon sa likuran at bumungad sa amin si Pinuno.

Shit. Nandito na si boss, nasaan kana ba Dos?

Sabay-sabay kaming tumungo sa kanya as sign of respect.


"Goodevening Pinuno!" sabay-sabay namin bati habang nakayuko. Pigil hininga lang kami ng maramdaman namin ang paglapit niya pa sa amin.

Napaangat kami ng ulo sa kanya nang hinanap niya na si Dos.


Tangina, ito na!


"Bakit hindi niyo kasama si Dos? Nasaan siya?!" tanong niya habang nililibot ang tingin sa amin.

Nagkatinginan kaming anim, nagsesenyasan kung sino sasagot sa tanong na 'yun.


"N-Nasa biyahe pa po, boss." kinakabahang sagot ni Kalix kaya sabay-sabay kaming lumingon sa kanya.


"Tawagan ko lang po uli-" naputol ang sasabihin ni Levi nang biglaang sumigaw si Boss.

Sumama ang timpla ng mukha ni Pinuno, kitang-kita ang galit sa kanya kaya mas lumalala yung kaba na nararamdaman namin.


"Anong nasa biyahe pa?! Anong oras na, oh!" turo niya sa relo niya.


LUNOK*


"Tang ina Sinusubukan ba talaga ako ni Dos, ah?! sigaw niya ulit kaya napatungo kaming lahat.


Tangina naman Dos!


"All of you after this match, go to my office! Sinasagad niyo talaga ako!" ani niya at agad na pinagsasampal kami sa mukha. "Mga bullshit!"


"Shit!" rinig kong daing ni Atlas.


Nakayuko lang kami hanggang sa makaalis na sila Pinuno. Iniangat ko ang ulo at nilingon ang mga kasamahan ko, matalim silang nakatingin kay Pinuno habang sumasakay sa kotse.


"Tara na." yaya ko sa kanila at agad na pinunasan ang dugong namumuo sa labi ko.

Pumasok na kami sa loob ng headquatters ng kalaban.



Wala pang senyales na mag-uumpisa na ang match, sumugod na si Maximo sa kanila "Tangina!" rinig kong sigaw niya at agad na pinagsusuntok yung lalaking nasa harapan niya.


"Let end this shit!" bulong ni Atlas habang hawak yung bakal na nakita niya.


They are mad, very mad.

Pinagmasdan ko ang pagsunod ng ibang kagrupo namin.Kitang-kita sa mga mukha nila ang galit.

BREAKING THE  RULESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon