25 - Dito ka lang sa tabi ko...

214 15 10
                                    

AEROS DOS CORTEZ POV

Gustohin ko man na laging nasa tabi mo, pero hindi pwede dahil mapapahamak ka lang

"Tell me, patatahimikin ko para hindi ka nagkakaganyan."

Sumagi ulit sa isip ko yung huling linyang binitawan ni Boss.  

Hindi pwede...
Ayoko. 

Napalingon ako kay Altas nang sumigaw siya. "Ayaw mo 'di ba na may nasasaktan ng dahil sa'yo?" turo niya kay Seah. "P-Paano kung may isang taong kayang hamakin ang lahat para sa'yo kahit kapalit nito, walang katapusang parusa?" lumingon sa akin si Altas. "Anong gagawin mo?" umiiyak na sigaw ni Atlas. 

"Atlas ano ba?!" sigaw ko para pigilan siya sa mga pwede niya pang masabi. 

Umiiyak siyang tumitig sa akin. "Hindi eh, kailangan niyang maintindihan na hindi simpleng buhay lang ang meron tayo." Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "Kailangan niyang malaman na may taong nasasaktan ng dahil sa kanya" pagpapatuloy ni Atlas. 

Tinikom ko ang kamao ko. 

"Dos? Anong ibig sabihin nila?" rinig kong tanong ni Seah. 

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. 

"Wala naman sa'yo ang problema, Seah, eh." sabat ni Levi. "Na kay Dos, pero mas kilala na kasi namin siya kaysa sa'yo." dagdag niya habang nakaturo sa akin. 

Tangina, bakit kami umabot sa ganito? 
Hindi ko din alam kung paano at kailan. 

"Alam na namin kung ano'ng tumatakbo sa isip niya. Alam namin lahat ng pinagdaanan niya, lahat ng sakit, luha, at pagod niya, alam namin." pagpapatuloy ni Levi. 

"Kaya sa'yo kami nakikiusap, lumayo ka sa'min, layuan mo si Dos." prangkang dagdag ni Kalix. "Dahil habang nandyan ka, nagiging komplikado lang ang lahat." 

Bakit pakiramdam ko nagiging makasarili na ako? 

"Dos, alam kong alam mo kung para kanino tayo nagpapatuloy, nangako tayo sa kanya, 'wag mo naman kalimutan, oh." madiing bulong ni Maximo sa likod ko. 

Sa lahat ng narinig kong sinabi nila para akong binuhusan ng malamig na tubig para gisingin sa katotohanan na may kailangan pa kaming tuparin.
 

Kailangan ko pa siyang hanapin.
Kailangan ko pang tuparin ang pangako ko. 

Binalik ko ang tingin ko kay Seah, tahimik lang siya habang dahan-dahang tumatayo at humarap sa gawi namin. 

Natigilan ako nang ngumiti siya sa amin. 

"If that's make you all safe then I'll stay away!" deretsyong sambit ni Seah habang tinitignan kami isa-isa. 

Tingin na walang panghuhusga.
Tingin na walang takot o anoman. 

"And if..." natigilan siya sa pagsalita nang mag-umpisa siyang umiyak. 

Hindi ko alam kung bakit parang dinudurog ako sa tuwing nakikita siyang umiiyak. 

Mabuti siyang tao kaya hindi niya deserve lahat ng ito. 

"A-And if everyone failes to understand you, please always remember that I would." umiiyak na dagdag niya 

Nanghina ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang lapitan, gusto kong bawiin lahat ng sinabi namin sa kanya. Gusto kong sabihin na wala siyang kasalanan. 

BREAKING THE  RULESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon