PROLOGUE
Sabi nila choose the career that you really want in your future. Pero bakit kailangan magkaroon ng parents na prinepressure kang kunin ang kursong hindi mo naman gusto. I know I'm good at writing pero ayokong maging journalism in the future, ewan ko ba kung bakit gustong gusto ni mama na itong journalism ang kunin ko sa college.
Nandito ako ngayon sa registrar para magpasa ng enrollment form ko, nakapasa ako sa entrance exam kaya wala akong choice kundi ang ipasa ang enrollment form ko. Sinadya ko pa naman na maliin ang mga sagot ko pero ang ending tama pa rin at pasado pa! Nakakainis tuloy, hindi naman 'to ang gusto ko eh. I hate this kind of course, hindi para sa akin ang pagsusulat.
Weeks had been passed, pinost na din ng school na pinag enrollan ko 'yong mga qualified student na officially enrolled na roon. Kaya tinignan ko ang fb page nila at hinanap ang pangalan ko, sana talaga hindi ako enrolled.
Nathalie Diane Ruiz
Nathasha Dean Ruiz
Nathaniel Dome RuizWtf?! Talagang magkasunod pa kami ng mga kakambal ko, tangina talaga! Padabog kong pinatay ang laptop ko. Inis akong napahiga sa kama ng biglang pumasok si Natasha sa kwarto ko.
"Enrolled na tayo, Dia!" Masayang anunsyo niya. Nagtatatalon pa talaga sa kama ko!
"Get out of my sight nga, ang ingay mo! Oo na, studyante ka nang kumukuha ng Bachelor in Arts of Journalism, tsk." I rolled my eyes on her.
Sa aming tatlo, si Natasha Dean lang ang may gusto ng kursong kinuha namin para sa college. I badly want to enroll and take Bachelor of Science in Psychologist, while Nathaniel Dome wants to take Bachelor of Sciene in Civil Engineering. Pero dahil hawak kami sa leeg nitong si mama ay wala kaming nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Siguro ay mag aaral na lang ulit ako pag graduate na ako at nakapag ipon na ng sariling pera.
Today is our first day at class, same section, same building, same course na kinuha. Mapagkakamalan tuloy kaming tatlo na hindi mapaghiwalay, kainis. I am wearing our school uniform, nakasimangot at tahimik lang sa upuan. Habang si Natasha ay sobrang saya at nag eenjoy na makipag usap sa mga blockmates namin, ayoko ng masyadong interaction this year. Ang gusto ko lang ay mag aral at makapagtapos, ayaw ko ng patagalin pa to.
"Ang tagal naman ni prof!" Rinig kong bulong ng kakambal kong si Dome.
"What?"
"Kanina pa tayo rito, wala pa rin ba 'yong prof natin. Naiinis na ako sobrang ingay, bakit ba kasi same building pa tayong tatlo. Ang ingay ni Natasha!" Reklamo niya sa akin.
"Edi pagsabihan mo 'yong bunso sa atin. Tsk, gusto ko na ngang magshift ng course kahit hindi pa nagsisimula 'yong klase natin rito." Sagot ko.
Wala naman kaming masyadong klase kaya nakauwi agad kami ng maaga ni Nathaniel Dome, si Natasha naman ay sumama sa mga blockmates namin mag iinom raw sila sa BGC. Pagod akong pumasok sa kwarto ko, our condo was near at our school. Nagbihis lang ako at nagmukmok sa kwarto. Bagong start pa lang 'yong class namin pero may output agad 'yong prof namin. Gusto niyang gumawa kami ng simple article about our choosen course. Tsk, ano namang ilalagay ko sa article ko eh hindi ko naman gusto 'tong kursong 'to.
"Dia? Gising ka pa ba?" Rinig kong katok ni Dome sa pintuan ng kwarto ko.
"Bukas yan!"
"Tapos muna ba 'yong output natin?" Tanong niya sa akin. Hawak niya rin 'yong laptop niya at mukhang kanina pa sumasakit ang ulo niya sa kakaisip.
"Hindi, wala akong masulat." Tipid na sagot ko.
"Ako rin, may nasusulat ako pero ilang paragraph lang tapos mukhang kailangan ko pang e revise ng kaunti kasi parang mali naman pagkakasulat ko eh. Ewan, hindi ko maintindihan!" Kamot batok na sagot niya. I smiled at him, kinuha ko 'yong laptop niya at tinignan ang sinulat niya roon.
YOU ARE READING
An Montero's: Game Of A Beast
Romance"You can express your emotions through WRITING, but you can't dictate anyone to let go using WRITING." - NesteaKrab