Chapter One

1 1 0
                                    

Chapter One

Second year college na kaming tatlo pero itong si Natasha ay wala pa ring pinagbago, nakakainis. Palagi siyang pagala gala sa labas with her friends tapos pag wala siyang maisubmit na projects ay magagalit siya sa amin. Gusto ko na tuloy bumukod dahil parang wala naman akong freedom kasama ang kakambal ko.

"Dia? Isend mo sa email ko 'yong draft mo para sa portfolio natin ah." Nakangiting sabi sa akin ni Faye. My blockmate and also groupmate ko din.

"Sige. Send ko pag uwi ko mamaya." Sagot ko.

Narito ako sa garden at kumukuha ng pictures para sa portfolio namin. Next week ay ipapasa na 'yon kaya kailangan kong tapusin 'yong naisulat kong drafts at para masend ko na din kay Faye. Baka kasi ako na lang 'yong hinihintay niya na hindi pa nakapasa sa kaniya.

"Tapos ka na ba rito?" Bungad na tanong sa akin ng papalapit na si Dome, hawak hawak niya 'yong camera niya at bitbit rin 'yong laptop niya.

"Patapos na, teka." Sabi ko bago niligpit 'yong mga gamit ko. "Saan si Tashang?"

"Saan pa nga ba edi sa barkada niya. Hayaan mo 'yon pag siya bumagsak lagot kay mom 'yon." Nakangiting saad niya, kinuha niya 'yong bag ko at siya ang nagdala nito.

Nang makauwi sa condo ay laptop agad ang kaharap ko, sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa sobrang daming kailangan tapusin. Deadline na kasi para grade namin this first semester at pressured na din kami sa mga portfolio ng mga profs namin.

"What will be the impact of a Politician Father to his childrens?" Basa ni Dome sa sinusulat ko. "Hindi kaya mas masyadong convincing kung ang ilalagay mo sa draft mo ay 'A Politician Family influenced their children to enters law school' tapos 'yong mga involve sa portfolio niyo is 'yong mga law student na anak ng mga Politicians mas magandang study 'yon."

"Parang ang conflict naman yata non, Dome." Kunot noong sagot ko.

"Ano? Hindi 'yan. Try mo 'to." Nagtype siya sa laptop ko. "Is it Possible that Politicians can influenced their childrens belief in choosing course. Or Is it Possible that Politicians influenced their children to enter law school."

"Ewan, ang sakit ng ulo ko. Bakit ba kasi kailangang about mga Politicians pa 'yong portfolio na 'yan!" Inis na sagot ko.

"Try mo na lang kasi tapos 'yong mga involve diyan mga law student, pwede ka namang pumasok doon sa law building ng Ateneo sasabihin mo lang naman na Journalism student ka at kailangan mo lang mag documentary." Saad niya. "Gusto mo bang samahan pa kita? Next week pa naman isusubmit 'yan eh, makakahabol ka pa sa pagsend ng mga photos kay Faye. Isend mo na lang 'yang drafts mo."

Tumango ako bago sinend sa email ni Faye 'yong sinulat niya. Ang sakit na talaga ng ulo ko, kanina pa 'to pitik ng pitik eh. Napamulat ako ng tumunog 'yong laptop ko, nagreply si Faye.

fayerosesfontanilla@gmail.com

Omg, you got it right babe. Thankusomuch! You hit the right spot for our portfolio, ihabol mo na lang 'yong documentary natin. See you tom!

"Nagustuhan ni Faye 'yong sinulat mo." Sabi ko ng mabasa 'yong email ni Faye.

"That's good. Samahan kita bukas sa vacant natin." Sabi niya bago kumindat. "Matutulog na ako, pagod ako eh, goodnight sis."

Maaga akong nakarating sa school namin, nauna na akong umalis dahil nalate ng gising si Dome. Nakakapagod naman pumasok araw araw tapos ang daming dala lagi, kakainis. Paano kailangan dala mo lagi 'yong laptop mo tapos 'yong camera. Pagkapasok ko ng building ay si Faye agad ang sumalubong sa akin, kinuha niya 'yong bitbit kong laptop at nilapag sa table ko.

An Montero's: Game Of A BeastWhere stories live. Discover now