28 - HELLGURD

150 6 0
                                    

HYX’S POV

“Hindi ko alam kung kanino ako maaawa.” Napalingon ako sa nagsalita. Tumingin siya sa akin at saka tumingin sa gawi kung nasaan si Myxsica at Vox. “Sa iyo ba o sa Prinsipe,” dugtong nito.

Hindi ki siya sinagot at nakatingin lang kay Myxsica. “Walang masama kung magmamahal ka. Ang masama ay kung ang iyong mahal mo ay may mahal nang iba.” -Kelson.

Unti-unti ko s’yang nilingon at masama ko s’yang tinignan. Agad naman na dumistansya siya sa akin at saka itinaas ang parehong kamay. Napasinghap ako sa paghawak ni Abriya sa balikat ko at saka ako napalingon sa kaniya. Tinuloy na lang namin ang paglalakad at hindi na lang din ako kumibo pa. Sa totoo lang ay nagseselos ako dahil sa dalawang taon na kasama ko si Myxsica ‘ni minsan hindi ko siya nakitang nakipag-usap sa ibang lalaki. Pero iba ang sa ngayon.

“Bakit kaya sa dalawang taon n’yong magkaibigan hindi man lang kayo nagkaibigan?” basag ni Fracia sa katahimikan namin.

Nauna kasing maglakad si Myxsica at Vox at kung ano man ang pinag-uusapan nila ay mukhang seryoso. Nakikita ko sa mukha ni Myxsica na may gusto s’yang malaman pa at sa kung ano man iyon ay hindi ko na alam pa. Nakikita ko ang paninindigan sa mga mata niya pero iba rin ang sinasabi ng puso at isip niya. Kung totoong ginagabayan nga siya ng mga dyos at dyosa malamang ay maski sila nagugulat sa kilos at galaw ni Myxsica.

Inabot na kami ng dilim sa kakalakad namin at kailangan naming gumamit ng kapangyarihan para mayroon kaming makita sa dinadaanan namin. Pero mas ginamit ni Myxsica ang kapangyarihan niya dahilan para mas malawak na liwanag ang bumalot sa akin. Sabay-sabay kaming napahinto nang mapagtanto naming nasa dulo na kami ng gubat. Napatingin kami sa buong paligid at namangha sa nasisilayan namin.

“Waw,” hindi makapaniwalang usal ni Hexon.

“Grabe ang galing mo, Myxsica,” sabi ni Fracia at saka kami napatingin sa kaniya. “Nandito na tayo sa Devunieke,” ani nito at saka namin tinignan ang buong paligid.

“Ang ganda ng pagkapula nitong apoy,” puna ni Myxsica at napanganga kami sa paghawak niya sa apoy na tubig.

“N-Nahahawakan mo? Hindi ba mainit? Hindi masakit?” tanong ni Hexon.

Tumingin si Myxsica kay Hexon at saka bumuntong hininga at pagkatapos ay tumayo siya. “Siguro dahil dito ako pinanganak kaya parang normal na lang sa akin ang tubig na apoy,” sagot nito at nagkatinginan naman kami at tumango na tila sumang-ayon sa kung ano ang nangyayari.

Tumingin ako kay Vox na no’n ay nakatingin lang kay Myxsica. “Para sa mga ipinanganak dito sa Devunieke, hindi mainit ‘yan. Pangkaraniwan na lang ‘yan sa amin at isa pa ay hindi magandang makitang ganito kapula ang apoy na tubig dito,” seryosong sabi nito at saka siya tumingin sa buong paligid.

Sa totoo lang ay sobrang pula nga nito at pakiramdam namin ay parang sasabog ito kahit na ano mang oras. Tila ba may lalabas sa ilalim nito na pakiramdam ko ay isang malaki at malakas na nilalang.

“Sundan niyo ako,” sabi ni Myxsica at sumunod naman kami sa kaniya.

Nasa may pangpang lang kami at nakasunod kay Myxsica. Seryoso lang ang mukha nito at wala siyang ibang tinitignan. Maski ang lumingon sa paligid ay hindi niya ginawa. Habang naglalakad ay nakatingin lang kami sa buong paligid dahil totoong nakakamangha ang buong paligid. Hindi ko nga maiwasan ang hindi mapaisip sa kung bakit magkaaway ang Ethrejal at Devunieke.

Nang mapahinto si Myxsica dahilan para mapahinto rin kami. Sa pagkakataon na ‘yon ay hindi namin mabasa ang kung ano ang iniisip niya at sa kung bakit siya biglang huminto. Lalapitan ko sana siya pero bigla na lang may kung ano’ng matalim na bagay ang sumulpot sa harapan ko at saka ako napalingon sa gawi kung saan ito nanggaling.

“Hindi ko inaasahan na bigla kang magpapakita,” sabi ni Myxsica sa malamig na boses.

Sa totoo lang hindi naman iyon ang unang beses na narinig ko ang malamig niyang boses pero ngayon lang ako natakot sa kaniya. Ang tinig niya ay malamig pa sa bloke ng yelo. Pakiramdam ko ay maninigas ako sa kinatatayuan ko, e. Bumaba sa harapan ni Myxsica si Hellgurd. Seryoso ang mukha nito at nakatuon lamang ang tingin niya kay Myxsica.

Agad na pumagitan si Vox sa pagitan ni Myxsica at Hellgurd. “Hindi lang kasi ako makapaniwala na matalino ka pala,” sabi nito at saka ngumisi. “Isa pa ay…” Tumingin siya kay Vox at saka binalik ang tingin kay Myxsica. “Bakit ba may palaging isang malaking garapata ang nakasunod sa iyo?” sabi nito at pinapatungkulan si Vox.

Nakita ko naman kung paanong magalit ang mukha ni Vox at akmang susugurin nito si Hellgurd nang pigilan siya ni Myxsica. “Pagbigyan mo ako. Isa lang!” galit at nanggigigil na sabi nito.

“Magkasing g’wapo lang naman sila pero bakit ang hirap pumili sa kung sino ang kakampihan ko?” kumento ni Fracia at napalingon kami sa kaniya.

“Talaga ba, Fracia? Sa ganitong sitwasyon nakukuha mo pang lumandi?” inis na sabi naman ni Abriya.

“Bakit ka pa pipili sa dalawa nandito naman ako,” singit ni Kelson.

“Mandiri ka nga sa sarili mo,” iritadong sabi naman ni Fracia.

Napapailing na lang ako sa mga ginagawa nila at pakiramdam ko ay hindi talaga sila seseryoso. Kalmado lang akong nakamasid sa kanila at hindi ko balak mag-aksaya ng laway. Humakbang si Myxsica patungo kay Hellgurd at saka siya ngumisi dito.

“Bilib rin naman ako sa pagiging tuso mo ano?” sabi nito at saka nilabas ang espada niya.

“Oh~ ayan ang gusto ko sa babae. Palaban at walang inaantrasan na laban,” sabi naman ni Hellgurd at saka naman siya sinugod ni Myxsica.

Nakita namin kung gaanong naging mabilis ang kilos nilang dalawa at halos hindi na rin namin masundan ang kanilang bilis. Napanganga ako sa nakita ko at sa totoo lang hindi ko pa nakitang gano’n makipaglaban si Myxsica.

“Ahh… panonoorin lang ba natin sila?” tanong ni Abriya.

“Iisa lang naman ang kalaban at tingin ko naman ay oo,” sagot naman ni Hexon.

Napasipat ako ng tingin kay Vox na nakatingala lang din at pinapanood ang laban ng dalawa. Bakas sa mukha niya na naiinis siya pero kailangan niyang maging kalmado. Gano’n pa man ay napababa ang tingin ko at doon ko napagtanto kung bakit tila hindi ito gumagalaw sa kinalalagyan niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matawa dahil sa nangyari at sa hindi ko man lang napansin na gano’n pala ang ginawa ni Myxsica sa kaniya.

“Bakit naman natatawa ka diyan?” puna ni Kelson.

Tinuro ko si Vox at mas lalo akong natawa nang tumawa rin ito. Napalingon naman ang iba pa at natawa sa nakita nila. Mayroon kasing kung ano’ng nakakapit sa paa ni Vox dahilan para hindi siya makagalaw. Dagdagan pa ang busal sa bibig nito at mas lalo pa kaming natawa.

“Grabe. Ngayon ko lang aaminin na naaawa ako sa iyo Prinsipe Vox,” kumento ni Abriya at saka mas lalong lumakas ang pagtawa niya.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon