Chapter 1

4 0 0
                                    

Kiara's POV

I'm now starting to pack my things, kailangan ko na kasi bumalik ulit sa manila. Start na kasi ng classes namin next monday, and need ko pa tulungan magayos si papa ng bahay sa manila. Plus, I still need to pass some documents sa university.

Pinagbaon din pala ako ng mga tita ko ng mangilan ngilan na isda at mga gulay. Sagana kasi kami sa mga pananim at isda rito sa isla ng Romblon. Malaking tulong na rin ito para makapag tipid kami nila papa kahit papaano.

"Ate kailan ka po uli babalik?", biglang nagsalita ang nakakabata kong kapatid na si Elijah. Kita ko na agad nanaman namuo sa mga mata n'ya ang mga luhang kanina pa n'yang pinipigil.

Si Elijah ang pangalawa sa'ming magkakapatid, dito s'ya piniling lumaki ni papa sa romblon. Dahil hindi namin kaya buhay si Eli noon, habang ang isang kapatid naman ni papa ay walang anak. Kaya minabuti ni papa na sa poder ng aming tiya na muna palakihin si Elijah. Mabuti nga at naabutan ko pa ang 8th birthday n'ya. Ngayon nalang din kasi ako nakaluwas dito simula nung nagpamaynila kami nila papa para do'n mag aral at mag trabaho. Buti naman at naalagaan si Eli ng mga tita ko rito sa Romblon.

"Baka sa susunod na birthday mo na ulit Eli", kahit kailan hindi ako nag sinungaling para paasahin ang aking mga kapatid. Alam ni Eli ang sitwasyon ng pamilya namin at kung bakit kailangan namin mahiwalay sakan'ya.

kumuha naman si Eli ng mangilan-ngilan kong gamit at bahagya itong nilalagay sa maleta ko.

"Ate 'pag po ba bumalik ka sa birthday ko, kasama mo na ang mama at papa?", tinanong ako nito habang inaayos pa rin ang mga gamit ko sa maleta. Hindi na s'ya tumingin sa'kin, kaya't pinagmasdan ko nalang s'ya habang sinusubukan pigilan ang aking mga luha.

Paano ko ba sasabihin sa kapatid ko na iniwan na kami ng nanay namin? Na pinagpalit na kami nito para sa mas marangyang buhay. Na kahit ang bunsong kapatid namin na si Matthew ay nagawa n'yang talikuran. Kinailangan mag double kayod ni papa para lang matustusan ang pagaaral at pamumuhay namin sa manila, ni hindi n'ya na magawang umuwi, pinang birthday nalang ni Eli ang dapat na pamasahe n'ya.

"Sa susunod na birthday mo, ikaw naman ang dadalhin ko sa maynila!! Isasakay kita sa maraming rides", pagiiba ko nalamang ng topic at agad naman lumiwanag ang kanyang mukha, at agad akong niyakap ng mahigpit.

Sana huwag masyadong mabilis ang pag tanda mo Eli, dahil hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan sabihin sa'yo ang lahat. Kaya pinapangako ng ate, gagawin ko ang lahat 'wag lang kayo mapunta sa pinanggalingan ko.

Nang matapos na ako sa pagiimpake, agad na akong humiga sa aking kama. Mahaba pa ang biyahe ko bukas pa maynila. Nasa 16 hours kasi mula sa bayan namin sa Romblon hanggang sa Maynila.

Nagising ako sa tunog ng ringtone ng aking cellphone, kaya kinuha ko 'to agad. Nakita ko rin na tumatawag si papa.

"good morning anak, papasok na ako sa trabaho.", bati naman ni papa sa'kin sa kabilang linya

"good morning po pa, ang aga n'yo naman pumasok. overtime na kayo kagabi ah." medyo nagaalalang sabi ko

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, nakita kong alas kuwatro palang ng umaga. Wala nanaman pahinga ang tatay. Alam ko ay 11 na s'ya nakauwi kagabi, at kung paalis na nga s'ya at sigurado na kanina pa ito gising.

"hayaan mo na anak. mahalaga may pang bili kana ng bagong pares ng uniform bago ang pasukan.", natutuwa naman itong sabi sa'kin. Agad lumambot ang aking puso sa narinig.

"Salamat po papa ha. I love you pa", masinsin kong saad sakaniya

"Love you anak, osya, kumilos kana at papasok na rin ako, ingat ka sa byahe anak", 'yan lamang ang sabi ni papa bago ibaba ang aming tawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined to BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon