PROLOGUE

5 0 0
                                    


Prologue

"Okay, class. This time we will be arranging your seats by surnames, starting with you Miss Alcantara."

Nginitian ko si Ma'am Costa sa pagtawag niya sa apelyido ko at tumayo na para lumipat sa unang upuan na malapit sa pinto ng classroom, perks talaga ng mga nasa A ang simula ng surnames, 'di na ko mahihirapan pang maglakad paalis ng room kasi nga, katabi ko na 'yung pinto oh, dali na rin makita kung sino-sino 'yung mga dumadaan sa hallway kasi wala namang salamin 'yung room, bakal lang na parang window.

"Next, Miss Alonzo."

Humagikhik ako nang mahina nang makitang palapit na siya sa pwesto ko, katabing upuan actually, kinindatan pa niya ko nang umupo na siya sa tabi ko.

"Sabi ko sa'yo by surnames eh," natatawang sabi nito sa akin habang nilalabas ang kaniyang notebook.

"Aba'y malay ko ba diyan kay Ma'am Costa, sa kabilang section daw by group eh," sagot ko sa kaniya habang nagsusulat sa notebook ko ng mga kakailanganin sa subject ni Ma'am.

"Di ka pa ba sanay diyan kay Ma'am? Lagi naman niyang paiba-iba ng ideas 'no."

Habang nagsusulat ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil magkatabi na naman kami ng upuan ng bestfriend kong si Aliah, Ali for short daw. Bestfriend ko na siya since Grade 7 pa lang hanggang ngayong senior high. Hindi naman kami friends simula't simula, we started as competitors during those times kasi nga parehas kaming academic achievers. Nagsimula lang kaming maging friends noong first time namin maging magkagrupo sa isang subject, marami pala kaming similarities lalo na sa music at ibang bagay, simula noon, lagi na kaming magkasama. Magkasama mag-aral, kumain, umuwi at kung ano-ano pa.

"Ay nga pala, mamaya punta ka raw sa bahay sabi ni Mama," nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya, usually kasi iniimbitahan ako personally ni Tita kapag may occasion sa bahay nila pero most of the time, pumupunta lang ako para tumambay.

"Bakit daw? Birthday ba ni ate Marie?" tanong ko sa kaniya.

"Luh, siya? Kakacelebrate lang natin ng birthday ni ate nung nakaraan no," sabi niya sabay titig sa akin na para bang nagjojoke ako sa tanong ko.

"Eh, bakit nga?"

"Graduate na kasi si kuya Rafael ng Grade 12, academic achiever kaya ayun maghahanda sila Mama," sagot niya sa akin at tinuon na ang pansin sa pagsusulat.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Huh? May kuya ka pa bukod kay kuya Mikael?" tanong ko sa kaniya na takang-taka.

Sa ilang taon naming magkaibigan at sa tagal na labas masok ako sa bahay nila, ngayon ko lang nalaman na may isa pa pala siyang kuya. Si Ali kasi ang bunso sa kanilang magkakapatid and as far as I know, tatlo lang sila. Hindi naman nila nababanggit masyado pero madalas ko kasi makita sila ate Marie at kuya Mikael sa bahay nila kaya inassume ko na lang na tatlo lang sila.

"Shuta ka 'te, hindi mo alam?" bulalas nito sa akin at binigyan ako ng tingin na para bang sinasabi niyang ang tanga tanga ko.

"Bakla ka, wala ka namang sinasabi kung ilan kayong magkakapatid kaya hindi ko alam," sagot ko sa kaniya sabay hila ng buhok niya.

"Aray! Makahila naman 'to," simangot niya sa akin.

Inirapan ko na lang siya, bago pa ko makapagtanong ay nagsalita na ulit si Ma'am Costa, tapos na pala siya mag-ayos ng upuan.

                                  *****

"Hi, tita kong maganda!" bati ko kay tita Mae nang makapasok ako sa bahay nila, nilagay ko naman ang hinubad kong sapatos sa shoe rack nila at binaba ang bag sa sofa nila at umupo na doon.

Almost A Love StoryWhere stories live. Discover now