CHAPTER FOUR

1 0 0
                                    


Raileigh.

NAKANGITI ako habang nakatingin sa soccer field na nasa labas ng room namin, humming a song while playing with my pen in my hand.

"How long before we fall in love?" I sang the chorus of the song I was humming to.

"Miss Alcantara!"

Napabalikwas ako sa aking upuan sa gulat, agad akong tumayo at humarap sa guro naming nagtuturo sa harapan, napakamot na lang ako sa aking ulo nang mapansin silang lahat na nakatingin sa akin.

"Care to explain the sequence on the board?" Nakataas ang kilay nito habang nakatingin nang mariin sa akin.

Napangiti na lang ako nang kaunti at sumagot sa kaniya, buti na lang nag-advance reading ako sa topic namin ngayon dahil kung hindi ay lagot ako dito kay Ma'am Castro.

Matapos kong sumagot ay pinaupo niya ko kaagad kasabay ng pag-irap nito sa akin. The whole class knows that Miss Castro despises me, a lot. Inis siya sa akin dahil siya ang homeroom teacher ng Star Section and being the crazy girl loitering around her precious classroom, ilang beses na niya kong pinagagalitan because of it. It was during my Mark Javier era.

Graduate na ko 'dun, Ma'am. Move on, move on din.

Ilang pang minutong pagtuturo niya sa harap ay tapos na ang oras para sa kaniyang klase, bago siya lumabas ng room ay nilapitan ako nito at pinagsabihan na h'wag kung saan-saan lumilipad ang isip kapag nagtuturo siya, h'wag na rin daw akong magpupupunta sa room niya which I just agreed to.

Ilang buwan na nga kong 'di nagpupupunta 'don eh.

Pagkalabas niya ay tumayo ako sa aking upuan at lumapit sa upuan ni Ali, nagbeautiful eyes ako sa katabi nitong si Jillian.

"Ito nagpapacute pa eh, tatayo na rin naman ako para lumabas, kalma." Naiiling pa siya habang inaayos ang bag nito. Pagkaalis niya ay tinabihan ko kaagad si Ali na nakafocus sa notebook nito, "Gawa mo? Tara cafeteria," aya ko sa kaniya.

Tumango ito, "Wait," sagot niya.

Ngumuso ako, tinignan ko ang papel na hawak niya, it was from Ma'am Castro's worksheet for tomorrow, "Mali 'yung lagay mo sa x," I pointed out to her at tinuro ko ang position kung saan dapat ito nakalagay.

"Ah, kaya pala 'di ko makuha 'yung sagot, thanks!" sagot niya and immediately scribbled on her paper.

Well, it's me. I'm me. Charot.

Nilabas ko na lang muna ang earphones at phone ko mula sa bulsa at sinalpak ito sa tenga ko while waiting for Ali to finish up. I clicked on to the song I was humming awhile ago on my Spotify playlist.

Now playing: Sticky by Kiss Of Life

Dahil sa hindi mo marinig ang nangyayari sa paligid dahil sa earphones ko, hindi ko na rin napansin ang tilian ng mga nasa classroom at kaguluhan nila. Saka na lang ako natigil sa pagkanta ng may kumalabit sa akin mula sa likod, tumingala ako and I was taken aback when I saw Javier.

Agad akong tumayo at humarap sa kaniya, "Anong ginagawa mo dito?"

"I was wondering if we can go grab something to eat sa cafeteria?" nakangiti nitong tanong sa akin habang nakatingin sa phone ko where the song is still on.

"Didn't know you sing," dagdag pa nito.

Agad kong kinalabit sa Ali na katulad ko eh nakatulala rin sa kay Javier, "A-Ano kasi, kasama ko s-si Ali–" bago ko pa matapos ang sasabihin ay tinakpan na ni Ali ang bibig ko.

"Of course, please. Pwede mo ba siyang samahan sa cafeteria? Hindi pa kasi ako tapos sa ginagawa ko," aniya at agad akong tinulak palapit sa binata.

Agad ko siyang pinanlakihan ng mata and she did the same thing, oh no, alam ko ang tingin niyang 'yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost A Love StoryWhere stories live. Discover now