CHAPTER TWO

0 0 0
                                    

Raileigh.

BUMUNTONG hininga ako habang nakatingin sa labas ng room, sa malawak na soccer field. Papalubog na ang araw, hudyat na patapos na ang klase.

"Alright, bring your paper next week, ha? Don't forget," paalala ng teacher namin sa English. Nagsitayuan naman kami at sabay-sabay na nagpaalam sa maestra pagkatapos 'non ay kaniya-kaniya na silang punta sa mga kaibigan nila sa loob ng room.

"Tara na?" Hindi ko napansin ang paglapit ni Ali sa akin kaya napaigtad ako sa gulat, "Ano ka ba naman, girl! Aatakihin ako sa puso ko eh!"

Natawa naman ito at umupo sa tabi ko, umalis na pala 'yung katabi ko, 'di ko napansin.

"May problema ka ba? Nung isang araw ka pang wala sa sarili ah?" Bakas sa tinig niya ang pag-aalala.

Napakagat naman ako sa labi sa naging tanong niya, alam ko iniyak ko na 'to eh pero 'di ko pa rin kayang 'di maging emosyonal kapag may nagtatanong.

A lot of my friends tell me I'm super sensitive, mababaw daw ang luha ko, ani nila. Hindi ko naman napapansin dahil lagi naman akong maingay but Ali knows me best, I guess?

"Ano ka ba, I'm okay 'no. Kailan ba naging hindi?" Kinibit ko ang balikat ko at nagsimula nang iligpit ang aking gamit.

"Hmm, you seem down lately eh. Did something happen ba? Sa house niyo? Or is this about kuya?"

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya, nagkunwari akong nag-aayos ng bag kaya tumungo ako at kinagat ang aking labi para 'di maiyak.

"Ano naman meron sa kuya mo? 'Di ba nga hindi ako pinapansin 'non?" tanong ko sa kaniya, trying my best not to cry.

"Oo nga pero naging ganiyan ka lang after nung sa bahay eh, I mean, umuwi ka namang cheerful pero kinabukasan ganiyan ka na. Tell me, may ginawa ba siya? Binully ka ba niya?" tanong nito sa akin habang hinahagod ang buhok ko.

That was my last straw, kusa na lang tumulo ang mga luha ko na parang switch button ang paghagod ni Ali sa buhok ko. Mabilis ko siyang niyakap at humikbi-hikbi nang marahan.

"A-Ali kasi, nung d-dumaan ako sa h-harap ng kuya mo...sinabihan niya kong peste raw ako," sumbong ko sa kaniya habang pinipigilan ang pag-iyak ko nang malakas.

Buti na lamang at kami na lang ang natitira ni Ali sa classroom dahil kung hindi, pagchichismisan na naman ako nito.

"Ha? Kailan niya sinabi 'yun?" 'di makapaniwala niyang tanong, ramdam ko ang paghigpit nito sa yakap naming dalawa.

"P-Parang bulong lang kasi 'yun, h-hindi ko nga sure kung peste b-ba talaga 'yung s-sinabi niya eh."

"Sabi ko naman kasi sa'yo, h'wag ka na sa halimaw na 'yun, kutong lupa 'yun na tinubuan ng mukha," pag-aalo nito sa akin.

Sumimangot naman ako at kumalas sa yakap namin, "Don't be mean to your brother. Ang cute, cute niya kaya!"

"Cute? Ano siya aso?"

"Ali naman eh!"

Napapadyak ako sa inis dahil sa sinabi niya, ang pogi kaya ng kuya niya. Matangkad siya, tumitingala na nga kami 'pag nakikita siya eh. Maputi rin, 'yung puting parang 'di nasisinagan ng araw. Hindi rin naman gaano kapayat, sakto lang para sa height niya. May laman nga ng onti eh, parang may abs– I mean, may muscles na hindi mo mahahalata talaga. Mapula tsaka manipis 'yung labi, ang ganda ng hugis ng panga, magulo ang itim na buhok, matangos ang ilong, singkit ng onti 'yung mga mata niya at may nunal pa under the corner of his right eye.

Papasa na 'yun siyang model eh pero nerdy lang kasi gumalaw.

"Pogi 'yung kuya mo, aminin mo man o hindi," I corrected her habang pinupunasan ang mga luha ko.

Almost A Love StoryWhere stories live. Discover now