PROLOGUE

4 0 0
                                    

Masama bang mangarap ng mataas? Oh, baka naman ambisosya lang ako at hindi talaga para sa'kin ang bagay na hinihiling ko. Sabi ko kuntento na ako pero hanggang salita lang pala ako. Dahil hindi ito ang nararamdaman ko. Bakit parang laging may kulang? Ako ba ang nagkulang o sila? 'Yan ang lagi kong tanong sa'king sarili.

Pero sino nga ba ako para magreklamo. Ito ang buhay na ibinigay sa'kin pero masama bang humiling nang mas higit pa rito? Bakit sa bawat bukas ko ng pahina laging may salitang AKO. Hindi ko maintindihan ang parteng ito, ang kinatatayuan ko. Pero ito ang lagi kong tanong sa'king sarili. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Hindi naman dahil malungkot ka ngayon, malungkot kana rin bukas, huwag ka kasing tatambay sa isang puwesto, make a move. Hindi araw-araw pangit ang nangyayari sa buhay. You just have to make a little changes. Maging marahan ka rin sa sarili mo, huwag puro mundo ang hilingin mong maging mahinahon, kung hindi ikaw mismo."

Ah! I remember that sa isang page na nag post and it was Jade. She was the Admin there at masasabi kong magaling siya when it comes to this. Kaloka! Kanina pa pala ako nagsusulat dito sa note app ko sa PC! Ayan tuloy binigyan ako ng blurry vision. Sabi ko blessings hindi blurry vision! Ayaw ko pang mag mukhang may apo sa edad na disi ocho anyos, noh!

Tambay na naman pala ako sa note app ko. Wala eh, ito lang naman ang nakakatulong sa'kin para pagaangin ang loob ko. I love expressing my feelings, whenever I am happy, excited, sad, mad, or even whenever I feel disgusted. Gustokng-gusto ko na nilalabas ko lahat. Kase feeling ko pinakikinggan niya ako nang walang kahit na anong panghuhusga. I found peace every time na nagsusulat ako at naglalabas nang hinanakit sa kanya.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong tumunog ang cellphone ko sa kabilang gilid ng aking mesa. It was a small table made of wood.

"Oh, Napatawag ka, Jade?" Sagot ko rito.

"Gaga! Anong oras na at wala ka parin Aiola Kole?! Talagang may gana ka pang sumagot diyan!" Napangiwi kong inilayo kaagad ang aking cellphone sa tenga. Damn this woman! Napakaingay!

"Ha? Anong ibig sabihin mong anong oras—oh shit!" Kaagad kong ibinaba ang tawag at dali-daling nag bihis. Ngayon ko lang pala naalala na may pasok ako. Kung hindi pa ako tinawagan hindi ko pa malalaman! Giatay talaga!

Paano ba naman kase mukhang nawili yata ako kakasulat sa note app ng talambuhay ko.

Binilisan ko na kaagad ang aking kilos upang makapasok na nga. I still have my afternoon class. I can't missed my class dahil tiyak na magtatanong si Sir Cedric.

Pagkatapos kong mag bihis ay kaagad akong lumabas nang walang pasabi. Ataya! Aba, nagmamadali ako noh!

"Bye, Pa! Uuwi ho ako ng alas sais mamayang gabi" Sigaw ko kay Mama nang walang pasabi.

Pagkarating sa School ay kaagad akong bumaba sa sinakyan kong trycicle. Wala ng intro 'to dahil nag shortcut na ako.

Dali-dali akong tumakbo at binilisan ko ang lakad ko papasok sa loob ng silid.

"Sandali! Hep! Hinihingal pa ako, ataya!" Halos hindi na ako makahinga dahil tinakbo ko ang papasok sa loob ng paaralang ito.

"Chill! Hindi naman papasok si Sir M eh" Saad ng impaktita na walang iba kundi si Jade.

"Ataya jud ka!" Muntik ko pa itong mabatukan dahil sa inis ko.

"Hoy! Kakarating mo lang tapos ganyan ka kaagad! Pambihira ka rin eh." Nakapameywang na saad nito.

"Alam mo naman na nakakabobo 'tong major subject na 'to eh. Tapos kakarating ko lang hinihingian mo kaagad ako."

"Gusto ko ng rest in peace, Jade." Dagdag ko pa at pagpipigil ko rito dahil alam kong hindi siya matatapos sa kakakulit sa'kin.

"Edi sana sa sementeryo ka pumunta!"

Hindi ko na ito pinansin at nagmukmok na lamang sa'king upuan. Wala ako sa mood makipagtalo ngayon.

"Psst! Overnight raw kila Ahrl!" Nilingon ko si Jade nang mag salita ito.

"Anong meron?"

"Gaga ka talaga! May thesis tayo, continue natin yun sa Chapter 1."

"Ha? Hoy, January na! Ibig sabihin bagong taon na. Pa'nong nasa Chapter 1 parin tayo?"

"Hilom! Mura rabag nag tabang!" Sulpot naman ni Ahrl. Uh, here we go again.

"Busy ako."

"Ayan! Diyan ka magaling. Magrereklamo ka kung bakit nasa Chapter 1 parin tayo hanggang ngayon. Eh hindi naman kayo kumikilos!"

"Wow! Nagsalita ang kumikilos." Sabat ni Glaidelle rito.

Oh, the Leader of the group.

"Pwede ba! Kung mag-aaway lang kayo diyan, lubayan niyo ang upuan ko!" Inis kong saad sa kanila.

"Oy! Broken ka? Para kang tanga diyan." Saad ni Kacy.

I almost forgot. Ahrl was the only guy in our group. Simula nong nag Senior High School kami eh kami na talaga ang magkakasama. Ang totoo niyan lima kaming magkakaibigan at kabilang na roon si Jade. Wala kaming favoritsms sa grupo pero hindi kami dumedepende sa isa't-isa. Lahat sila matatalino, 'yang si Jade lang ang mukhang may kalog pero kahit ganyan 'yan eh may ambag naman ang utak kahit papaano.

Glaidelle, she was the leader of our group. Also, the president of the class. She's also a consistent Honor Student. Masasabi kong siya ang pinakamatalino sa aming lahat. Kung paano kami naging grupong magkakaibigan? Simple lang. Kinausap lang naman namin ang Instructor namin sa Research/Thesis na si Sir Dennis. Syempre, hindi sila papayag na mapunta kami sa iba't-ibang grupo.

Si Kacy naman ganoon rin. Matalino rin ito pero dipende sa subjects kung kailan siya tatalino, ewan ko sa babaeng 'yan.

Last but not the least, ako syempre! No other than Aiola Kole! Ang walang ambag sa grupo. Hindi ko na isisingit na matalino ako dahil hindi ko matagpuan ang parteng 'yan. Basta ang alam ko tao ako na may complete body parts.

Lahat kami may kaya lang sa buhay dahil parehong kumakayod ang mga magulang namin, pero hindi ibig sabihin ay hindi na kami naghihirap.

"Shh! Hayaan niyo na, gusto raw ng rest in peace eh. Pagbigyan niyo na tutal doon rin naman ang punta nating lahat kapag hindi natin napasa ang Thesis before the deadline." Jade convinced us.

"Basta kita-kita na lang tayo sa overnight natin. Don't forget, sa Saturday na 'yun!" Arhl said before he leaves at dumeretcho na ito sa upuan niya.

"Oh, ambagan 'to ah! Hindi naman pwedeng ako lang ang lalamon—"

Hindi ko na pinatapos ang usapan nila at kaagad nang umalis. Tutal wala namang pasok kaya mas mabuti pang umuwi. Wala nang intro dahil shortcut ito.

Un Moviento En Falzo (One Wrong Move)Where stories live. Discover now