Seven's POV
"Late na naman ako!"
Elementary pa lang madalas na talaga akong late. Siguro 'pag dumating yung panahon na magtatrabaho na ako, late pa rin. Haaaynaku.
"Ma? Tapos na lunchbox ko? Anong ulam?"
"Ulam?! Kanin lang 'yan, Nak. Akala ko ba ikaw ang magluluto? Sabi mo kagabi." bungad ni Mama na ikinalaglag nang panga ko.
"Naku! Bibili na lang ako sa carinderia ni Aling Yani, Ma. Salamat sa kanin." Dali-dali na akong lumabas ng bahay. Kay Aling Yen na lang ako bibili ng ulam. Ang sikat na carinderia sa labas ng paaralan.
Nang makarating na ako sa labas ng paaralan. May nakita akong cute na cute na pusa sa tapat ng carinderia ni Aling Yen. Mukhang galing sa mayaman na may-ari at mukhang naliligaw. Hindi ko na nilapitan dahil late na ako nang isang oras. First week pa lang ng klase pakiramdam ko isang taon na yung pasan-pasan ko na school works dahil graduating student ako.
"Lunch time na!" Sigaw nitong kaklase ko, si Neo. Ang monggoloid na matalino. Biro! Nakasalamin kasi ito dahil sa labo na ng mata pero kapag wala itong suot, abaaay! May dating din ito tulad ko, aheeem!
"Tara, Monggo! Mauna na tayo sa carinderia at baka maunahan tayo ni Moon sa special dish." Agad ko siyang inakbayan palabas ng classroom. Paunahan na rin kami ng takbo papunta roon. At hindi nga kami nagkakamali na nauna si Moon sa paboritong pwesto namin sa Carinderia ni Alin Yen.
"Aba'y, ang galiiiing!" Bungad ni Neo kay Moon.
"Ohh ayan, marami 'yan. Sabi ni Aling Yen huling serve na 'yan sa dami ba naman bumili niyan." saad ni Moon.
"Kuya Jon, 1.5Liters ng Coke nga!" Sigaw kong order.
"Huuuuy! Tatlo lang tayo." Taka ni Neo. "Kuya Jon, 12oz lang ha tatlo!" dugtong niya.
"Kuyaaaa Jon, 1.5Liters last bottle na 'yan kaya akin na." Nagtalo pa kami ni Neo sa Coke. Masarap kasi ipares sa Coke ang Special Dish nila.
"Ohh, tama na 'yan. Kumain na nga kayo. Puro kayo Coke, 'di pa kayo nakakasubo ng isang kanin dyan." Pagaalala ni Moon sa amin. "Libre ko na ang ulam." masayang saad niya.
"Huuuy! nanlibre ang ugok." Patawang biro ni Neo. Si neo talaga matalinong mahilig mambadtrip at mamutol ng seryosong usapan. Masayang kasama si Neo kaya isa siya naging close kong kaibigan at kaklase sa buong high school years ko.
"Kuya Jon, bagong pusa niyo?" tanong ni Neo.
"Saan? Pusang gala?" Pagtataka nito. Kasi nga Carinderia kaya bawal ang pusang gala.
"Pusang gala ba 'yan tignan? Eh kulang ata sa dalawang aircon ang kailangan niyo para mag-alaga niyan. Eh may nametag pa. Hindi ko makita, mukhang nasa Letrang "L" nag-uumpisa" Birong sagot ni Neo.
"Ah! Nung nakaraang araw lang 'yan dito. Naligaw ata pero wala kaming oras para maasikaso ito kung sinong may-ari. Kaya hinayaan nalang muna namin 'yan dito mukhang hindi naman matakaw naghihintay lang na bigyan." Kwento ni Kuya Jon.
Mukhang naliligaw nga. "Mukhang mabait lang tignan pero maldita ang ganitong klasing pusa tapos babae pa." Sagot ko. "Kuya Jon, okay lang ba ako na magaasikaso sa nawawalang alagang pusa." Volunteer ko. Oo, mahilig ako sa mga pusa pero sa ngayon wala akong alaga sa bahay.
"Okay. Balitaan mo nalang ako sinong may-ari." Sagot ni Kuya Jon sa 'kin.
Matapos namin kumain ay agad ko itong kinuha at dinala sa loob ng paaralan. Buong maghapon ay dala-dala ko ang Pusa.
"Ang cute mo. Ikaw nga yung pusa na nakita ko kaninang umaga." Habang kinakausap ko siya, kinakapa ko ang nametag niya para basahin ito ng dahan-dahan. "L-luuucky."
"Ang haba ng ngiti ah." Boses babae. Gulat ako biglang nasa tabi ko na. Si Lyka.
Bigla kong napansin na nakangiti nga ako.
Si Lyka Cerezo. Ang babaeng madalas magselos kapag may nagugustuhan akong iba. Kaibigan ko siya since elementary. Hindi umaamin pero halatang may gusto 'to sa 'kin.
"Riiiing! Riiiing! Riiiing!" Class Done! Uwian na rin sa wakas!
Agad akong pumunta sa Police Station para i-report ang nawawalang pusa. Ginabi na ako kakahintay ng report na makarating ang may-ari pero alas dyes na nang gabi pero wala pa rin. Umuwi na ako ng 10:30PM.
"Oh, Nak ginabi ka ata at may dala ka pa pusa? Bumili ka na naman." Bungad ni Mama sa sala.
"Ma, missing po ito pero walang umangkin. Ginabi na ako kakahintay sa Police Station pero wala eh. Kaya inuwi ko nalang muna." Sagot ko sa antok na boses ko. Night Owl person ako pero inaantok ako ngayon dahil sa pagod.
Inayos ko ang kwarto ko para makatulog na rin nang mahimbing.
"zzZ..."
"Boooggg!" Tunog na nahulog na gamit sa sala. Nagising ako bigla baka may magnanakaw na nakapasok pero ang bungad ko ay nahulog nga na gamit. Bass Speaker ko na galing sa taas ng aparador. Dahan-dahan kong tiningala ang ulo ko para makita ang nasa taas ng aparador. Si LUCKY. Yung teary eye niya na parang nagpapa-amo sa kin. Dahan-dahan ko siyang kinuha.
"Gutom ka ba? Wala sa speaker ang pagkain ha. Papakainin kita kahit umaapoy ako sa inis dahil hinulog mo bass speaker ko." Palambing kong sabi na halong inis. "Hindi ka pa nag-isang araw dito may kasalanan ka na ha."
Pagkatapos niyang kumain ay agad ko siyang kinuha at itatabi kong matulog.
- - -
Author's Note — sa first page palang natatawa na ako habang sinusulat 'to. Wala akong plot or kind of a story na nabuo sa isip ko. Just go with the flow sa mga scenes. Hahahahaha. Even sa names ng mga cast is on the spot maliban sa protagonist Lucky/Kie and Seven.
Seven: My number, birthday.
Lucky: Name of someone I like. Currently. And this book is for her.
Si Lucky/Kie makikilala niyo sa susunod na pasukan! Abang muna saglit. Si Lucky ang next POV ko.
BINABASA MO ANG
My Cat Named Lucky (The Orange Cat)
Teen FictionA Romantasy Fiction Book Dedicated to someone I like named Lucky. The protagonist: Lucky/Kie and Seven Lucky and Kie is a one person. Si Lucky ay Tao na sinumpa maging Pusa dahil sa maldita ito. Si Kie ay isang bagong transferee sa school kung saan...