CHAPTER 1

726 39 5
                                    

Araw ng Linggo at tulad ng nakagawian ay maaga akong gumising. Itinupi ko kaagad ang aking kumot saka punasok sa aming banyo para maligo. Nang makapagbihis ay muli akong lumabas. Naabutan kong gising na si ate Tessa na nakaupo sa kan'yang maliit na kama.





"Magandang umaga, ate." Bati ko rito.





"Good morning din sa 'yo, Tahlia. Ang aga mo talagang magising." Inaantok niya pang sabi sabay humikab.





"Linggo kasi at alam mo namang tuwing weekends lang talaga ako nakakatulong sa mga gawain dito." Sagot ko rito habang hinahanda ang mga damit ko na lalabhan ko mamaya.






"Hindi mo naman kailangang kwentahin 'yon, Lia. Hindi ka naman talaga katulong dito tulad namin."





Ngumiti lang ako sa sinabi niya. I am Tahlia Ruez, 19 years old, and I am staying here at the Creed residence. I was orphaned, but they took me in as their adopted daughter when I was just eight years old. However, due to unforeseen circumstances, the adoption wasn't finalised. Despite that, they still welcomed me into their home. Sila rin ang nagpapa-aral sa 'kin at nagbibigay ng lahat ng mga pangangailangan ko. Kung iisipin ay parang anak na nga talaga ang turing ng mag asawang Creed sa 'kin, hindi ko lang talaga dala ang apilyedo nila, not that it bothered me.






"Mauna na ako sa labas, ate Tessa."





"Sige. Susunod din ako agad, mag-aayos lang ako saglit." Sagot niya habang nagtutupi ng kumot.






Lumabas ako sa maid's room at diretso kusina na agad. Naabutan ko ro'n ang mayordomang si Nanay Rose na nagluluto kasama si ate Jona na naghihiwa ng mga sangkap.





"Magandang umaga po, nay Rose, ate Jona."





"Magandang umaga rin sa 'yo, hija. Linggo ngayon at walang pasok kaya hindi mo kailangang bumangon ng maaga, 'nak."





Tumawa si ate Jona sa sinabi ng nanay.





"Hay naku, nay. Hindi ka na nasanay diyan kay Tahlia. Alam mo namang sobrang sipag niyan."





Ngumuso lang ako saka nag init ng tubig sa heater. Habang naghihintay kumulo ang tubig ay tinulungan ko na rin si ate Jona sa paghihimay ng mga sangkap.






"Ay narinig ko kay sir Baste kagabi na tuloy daw 'yong paglipat mo ng school."





Tumango ako.





"Ay bakit ka nga raw ililipat, hija? May naging problema ba sa school mo?" Tanong ni nanay Rose na sinilip pa ako sa taas ng kan'yang salamin sa mata.





"Ay nay hindi po gano'n. Request daw ho iyon ng señorito."





It was true. The young master requested for me to transfer to his school. As I've said, I wasn't legally adopted, but they still took me in, and in return, I am working as the young master's personal servant. It's not a particularly difficult job, so I don't have any complaints. Hindi rin ang mag asawang Creed ang mismong nag desisyon na maging personal alalay ako ng kanilang nag iisang anak, it was the young master's request at bilang kabayaran sa kabutihan ng kan'yang mga magulang sa 'kin ay walang pagdadalawang isip ko 'yong tinanggap.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Personal SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon