Mabuhay, Pilipinas!

11 1 0
                                    

"Bayang magiliw,
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay—", pag-kanta ng labintatlong gulang na batang si Liwayway habang nakalagay ang kanang kamay sa bandang dibdib. Ang mga mata niya'y puno ng pag-hanga at kislap habang taas-noong tanaw ang bandera ng Pilipinas.

"Mag-bigay ng mga bagay na nakakapagdulot ng corruption!", malakas ang tinig ng guro habang isa-isang tinignan ang mga estudyante sa kanyang klase. Nang walang nag-kusang mag-salita ay tumawag ito ng mga pangalan.

"Miss Hernandez! Tayo!" , dinuro ng guro ng kanyang meter stick ang babaeng nanginginig ang mga kamay.

Dahan-dahan itong tumayo, "M-ma'am...sakim sa pera at kapangyarihan."

"Mahusay!", nag-libot pa ulit ito ng tingin hanggang sa mapunta ang atensyon niya sa batang si Liwayway. "Ikaw. Bakit patuloy na natatapak-tapakan ang tindig ng ating bansang Pilipinas?!"

Tumayo ito at tumingin ng deretso sa mga mata ng guro, "Dahil sa kawalan ng disiplina at kaalaman ng ibang mga Pilipino. Gaya din ng sinabi niya,", itinuro niya ang batang nag-bigkas kanina lang, "Puno ng mga hipokrito at mapang-abuso ang mga namamahala sa ating bansa."

Gulat at hindi makapaniwalang napatitig ang guro kay Liwayway.

Paanong edukado ito pag-dating sa mga ganitong bagay sa murang edad pa lamang? Ito ang nasa isip ng guro habang nag-iisip ng iba pang maitatanong sa bata.

Totoo naman, ah? Gustong-gustong umunlad ng mga Pilipino ang bansang Pilipinas ngunit sila mismo ang gumagawa ng paraan upang mas lalong dumanak ang hirap at hindi ito umunlad.

Kung sabagay, ang gusto nila ay agad-agad na nakukuha at nakakamtan ang isang bagay na kailangan ng sapat na oras upang maisagawa.

Bakit? Kapag ba hiniling mo sa gobyerno na gawin nilang mas maganda ang isang bansa ay agad-agad na lamang itong mangyayari sa isang pitik lang?

Paanong uunlad ang Pilipinas kung ang mga tao mismo nito ang humihila dito pababa? Saka magre-reklamo kung bakit walang kabutihan ang nangyayari sa ating bansa.

Ngunit kung sabagay, ang govyerno na din mismo ang pangunahing dahilan kung bakit nasa ganito paring estado ang Pilipinas.

Darating ang araw kung saan kakailanganin ang mga mahuhusay na Pilipino sa ating bansa. At sa araw na 'yon mapapagtanto nila na ang mga mahuhusay na tao na 'yon ay nasa ibang bansa na dahil sa kawalan ng pagpapahalaga.

Mga nurse, domestic workers, guro, at mga magsasaka. Sila ang mga panauhing nakakapagdala ng kapalaluan.

"Sa anong paraan sila nagiging hipokrito at masakim ang mga nakakataas?", tanong ng guro kay Liwayway.

Inosente itong tumingin sakanya, "Punong Guro, pag-masdan mo ang iyong paligid, tignan mo ang Pilipinas, ano ang iyong nakikita? Sa tingin mo ba'y patas ang pamumuhay ng mga tao sa kabila ng pantay-pantay nilang paghihirap upang makaraos sa buhay? Bakit sa tingin mo, sa kabila ng mga rally at pananawagan ng mga Pilipino sa gobyerna ilan lamang ang napakikinggan?"

Tuluyan nang nawalan ng boses ang guro at nanatili na lamang na nakatutig sa bata hanggang sa tumunog ang bell hudyat na oras na para sa break.

Nanumbalik ito sa katinuan at inayos ang mga gamit sa lamesa, "Paalam, class."

"Paalam at maraming salamat po, Ginang Filipia hanggang sa muli nating pagkikita.", mabagal na saad ng mga estudyante.

Nilapitan ng guro ang batang si Liwayway at hinawakan ito sa braso, "Sana ay mas rumami pa ang mga batang tulad mo. Nawa'y magiging parte ka ng panibagong pagbabago ng bansang Pilipinas. Naniniwala ako sa talino at kakayahan mo."

~

"President Liwayway! Simula nung ikaw ay umupo bilang Presidente ng Pilipinas ay tumaas na ang employment rate ng bansa gayon din ang pagiging matagumpay ng proyekto mong, "Panunumbalik ng mga OFW sa bansang Pilipinas". Dahil dito lubusan na nagpapasalamat ang mga tao dahil sa wakas ay tumataas na din ang tindig ng ating bansa."

Ngumiti ang Presidente sa reporter. Sunod-sunod ang litratong kumukuha sa kanya, "Ikinagagalak kong marinig na positibo ang kalalabasan ng aking mga paghihirap upang maitaguyod muli ang ating bansa."

"Ano-ano ang mga hirap na dinanas mo bago marating ang posisyon mo?", pilit isinisiksim ng reporter ang sarili habang naka-angat ang kamay upang makuha ang tinig ng Presidente.

"Marami akong natanggap na diskriminasyon sa mga tao dahil sa aking kasarian ngunit hindi ito naging hadlang upang ako'y sumuko. Marami din ang umangal sa aking pag-takbo sapagkat galing ako sa isang hindi mayaman na pamilya. Wala akong naging matunog na titulo sa bawat hakbang na aking tinahak kaya't naging mahirap para sa akin na matungtong kung nasaan man ako ngayon. Ngunit laking pasasalamat ko sa inyo dahil sa lubos niyong pagsusuporta sa akin."

Isang luha ang pumatak sa kulubot na balat ng matandang si Filipia, ang guro ni Liwayway noong siya'y bata pa. Hindi maipagkaila ang ngiti nito habang nakatitig sa telebisyon kung saan nandoon ang estudyante niya noon.

Tama nga ako...magiging parte ka ng pag-yabong ng bansang ito.

Ito ang nasa isip ng matanda habang unti-unting isinara ang mga talukap ng kanyang mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vanity of LifeWhere stories live. Discover now