TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER VII
“Ligayaaa!” tili ni Nathaniel nang muntik na siyang madulas sa daan papunta sa bahay nila Ligaya. May dala siyang box ng chocolates at sa kabila niyag kamay ay isang box ng cake. May tig-iisang ecobag siyang dala sa magkabila niyang kamay at laman niyon ay mga pagkain.
Naisipan niyang bisitahin si Ligaya sa kanilang bahay. Hindi niya ito sinabihan dahil gusto niyang i-surpresa ito, pero siya yata ang na-surpresa sa daan.
Mabuti na lang at nakapagtanong-tanong siya roon sa bayan kung saan banda ang tirahan ng kaibigan niya.
Huminto muna saglit si Nathaniel at pinunasan ang pawis niya. Huminga siya ng malalim dahil nahihingal na siya kalalakad. Hindi naman kasi p'wedeng pasukin ng sasakyan ang daan nila maliban sa motorsiklo. Hindi marunong mag-motor si Nathaniel.
"Diyos ko, patawarin po ninyo ako pero jusmeyo naman. Hindi na ako makahinga." Sabi niya sa kaniyang sarili.
"Nasaan na ba ang bahay nila Ligaya?" Tanong niya sa sarili. Kaya siya nakarating dito dahil sa mga tao na pinagtanung-tanungan niya rin.
Pero dahil ngayon ay hindi na niya makita-kita na may mga bahay pa na nandirito ay hindi na niya alam kung tama ba ang pinatutunguhan niya.
Na-f'frustrate na si Nathaniel pero kailangan niyang magpatuloy dahil magmumukha na siyang tanga kung ititigil pa niya ito. Sinuri niya ang paligid at naglakad-lakad siya ng mga ilan pang hakbang. Tirik ang araw pero mabuti na lang at mayroon din namang hangin, at nakararaan din siya ng mga mababangong wildflowers sa paligid.
Ilang hakbang pa ay nakarinig siya ng isang pamilyar na boses ng babae na tumatawa. Para itong may kausap pero hindi niya makita kung saan ito banda. In-obserba-han niya ang paligid, at nakita niya ang isang puno. Tantsa niya'y doon nagmumula ang boses.
Nagmadali si Nathaniel at sinundan ang mga tawa na iyon hanggang sa unti-unti niya na ring naririnig ang usapan nila.
"Oh, ikaw naman..." sabi pa ng boses ni Ligaya.
"Ayoko na Ate..." tugon naman ng isang batang babae, si Sinta.
Nasa may puno sila ngayon na dati'y tinatambayan nila kasama ang kanilang mga magulang. Mayroon na rin itong upuan na kawayan, ginawa ng kaniyang ama para doon sila magpahinga kung mapagod man at magandang lugar din iyon sa pagmumuni-muni.
"Pagod ka na?"
"Opo."
"O sige pahinga na tayo. Panoorin na lang natin ang langit..."
"Tingnan mo Ate, ang ganda!" Turo ni Sinta sa eroplanong dumaan.
Ngumiti naman si Ligaya.
"Oo nga. Gusto mo sumakay diyan?"
"Oo naman Ate. Kapag p'wede na. Hehe."
"Siyempre. Mangyayari talaga 'yon. Dadalhin ko kayo ni Papa diyan.. Kaya dapat, alagaan mo ang sarili mo, Sinta."
Hindi nila alam na nasa likuran pala nila si Nathaniel at nakikinig lang sa kanila. Hindi maiwasan ni Nathaniel na mapangiti sa nakikita niya. Talagang mabait na tao si Ligaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/373306639-288-k933476.jpg)
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...