CHAPTER XXXI

4 0 0
                                        

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XXXI

Nanonood ng balita si Nathaniel at bumungad sa kaniya ang tungkol kay Ligaya. Dala-dala pa niya ang baso ng tubig niya at nang makaupo siya ay doon na napantig ang kaniyang tainga.

"Kasalukuyang hinihingan nang panig ng mga pulis ang dise-nuebe anyos na si Ligaya Villareal na nag-aaral sa prestihiyosong unibersidad na Emington University. Ito'y matapos kumalat ang video ng dalaga na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Matatandaan na ang mga kaso ng mga estudyanteng..."

Hindi na narinig pa ni Nathaniel ang buong sinabi ng reporter. Parang may kung anong humaharang sa kaniyang tainga nang marinig niya ang bagay na iyon.

Ipinakita sa telebisyon ang kumakalat na video ni Ligaya. Napakunot ang noo niya. Kaagad siyang nagbukas sa kaniyang Facebook account at tiningnan ang sinasabing video.

Kumakabog ang dibdib ni Nathaniel. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ngunit nangingibabaw ang takot at pag-aalala niya.

Hindi na siya nakakapag-check ng cellphone niya. Hindi na rin sila nakakapag-usap ni Ligaya dahil pareho silang naging busy.

Nang pindutin ni Nathan ang video ay bumungad sa kaniya ang paghithit ni Ligaya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Sinuri niya itong mabuti. Halata na umiiyak si Ligaya pero siya lang ang makapagsasabi na parang pinilit lang ito. Alam ni Nathaniel ang mga non-verbal cues ni Ligaya kung gusto ba niya ang kaniyang ginagawa.

Para siyang humahangos, napapalunok siya. May mga naririnig siyang boses ng babae na parang pamilyar sa kaniya. Nanlaki muli ang mga mata ni Nathaniel. Napailing siya. Hindi ito magagawa ni Ligaya. Hindi ito magagawa ng kaibigan niya!

Pumunta siya sa messages niya at pinindot doon ang pag-uusap nila ni Ligaya. Kumunot ang noo niya. Hindi pa siya na-rereplyan ni Ligaya pero nang i-scroll niya ito ay may video na naka-send sa kaniya.

"Ano 'to...?" halos pabulong niyang sabi. Nasa kuwarto niya lang siya. Lumalatay na ang pagkabahala sa kaniya. May nag-uudyok sa kaniya na tawagan si Ligaya at kumustahin ito pero may bumubulong naman sa kaniya na panoorin ang video.

Sa huli, pinindot ni Nathaniel ang video na naka-send at ipinakita nito ang mukha ni Ligaya.

"Hi Nathan..." Nakasuot si Ligaya ng puting polo. Nakalugay ang kaniyang buhok. Wala rin siyang ayos. Halata ang pamumutla niya at ang mugto niyang mga mata."Kumusta ka diyan...?"

Parang alam na ni Nathan kung saan patutungo ito ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang panonood sa video. Hindi siya p'wedeng mag-isip ng masasama at ayaw niya rin magwagi ang sinasabi ng utak niya.

"Sana masaya ka diyan... Na-miss kita." Makikita ang paglunok ni Ligaya. Sa personal ay hindi niya alam kung dapat ba niya itong sabihin kay Nathaniel gayong nalaman niya na ito ang ama ng kaniyang dinadala at ito rin ang maysala sa nangyari sa kaniya.

Para pang nawala si Ligaya. Napayuko siya na parang hindi alam ang sasabihin. Ang totoo kasi ay gusto niyang isama si Nathaniel sa gagawin niya. Gusto niyang maghiganti at kitilin isa-isa ang buhay ng mga taong tinarantado siya.

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon