Chapter 25 - Lover's Spot

4 1 0
                                    

Trixie is in danger. Si Ipe ang primary suspect. Ito ang sinasabing stalker ng influencer. Pero puwedeng may iba pang stalker. At sa kakaibang natuklasan niya kay Ethan ay posibleng ito ang umatake sa kanila sa vacation house at hindi si Ipe.

Paano bang hindi niya nahalata? His obsession?  Ang pagdikit ni Ethan kay Trixie... ang mga pabor at atensyon na ibinibigay nito sa influencer -

"Where are you?" Tinawagan niya kaagad ang kaibigan via Messenger nang makabalik sa San Luis nang gabing iyon. "Makikipag-meet ka kay Ethan ngayon?"

"Sa Garden de Flor," sagot ni Trixie. "Paalis na ako.'Dun ko na siya i-me-meet. May mga imo-model kasi akong mga bagong RTW ni Mommy. Maganda raw ang ilaw doon sa gabi."

Nakangiting inilayo pa nito ang sarili para ipakita sa kanya ang suot na velvet red cocktail dress. Sunod ay itinaas ng kaibigan sa screen ng phone ang tatlo pang mga naka-hanger na evening dress.

Simple lang mag-ayos si Trixie pero dahil gabi na, mas naging heavy ang make up nito na lalong nagpatingkad sa ganda nito. Isang rose silver clip ang nasa gilid ng pixie cut nito.

Where is your butterfly clip?

Sumagi sa alaala ni Ash ang scenario ng mga butterfly clips na nahulog mula sa backpack ni Ethan.

Nag-panic siya sa naging kompirmasyon pero nagawa niyang kalmahin ang sarili at maibalik ang mga gamit ng geek sa bag nito bago ito makalabas ng C.R.

"What are you doing outside?" Nakangisi pa si Ethan, painosente nang matagpuan siya sa isang ligtas na lugar - sa labas ng gate ng bahay nila.

"You... you should go." Ewan ni Ash kung halata ang takot niya sa boses. Mabuti na lang nagpaalam na rin ito.

Ini-lock niya kaagad ang gate at ang pinto ng bahay nila. Pero hindi na rin siya nakapag-ensayo sa paglangoy. Bukod sa napraning siya kay Ethan na pwede siyang balikan siya nito, wala ring tubig ang pool nila.

"Nag-o-operate pa rin sila kahit gabi na?" Pagbabalik ni Ash sa kasalukuyan.

"May restaurant 'dun di ba? They accept guest till eight in the evening."

Naalarma si Ash. Masama ang kutob niya. Ang Garden de Flor ay isang pasyalan sa pagitan ng San Luis at Lucena kung saan ay maraming variety ng mga halaman, partikular ang mga bulaklak na panama sa mga picture na pang-IG. Pinakapamoso rito ang hardin ng mga naglalakihang mga sunflower.

Nakapasyal na sila ng mommy niya sa lugar dati. May malawak itong ektarya na sa tingin niya ay hindi ligtas lalo na kung gabi at may killer.

"You shouldn't -"

Hindi napansin ni Ash na nag-low batt na siya at tuluyan na naubos ang juice nito. Bigla na lang nawala si Trixie.

Kumilos na siya paalis. Baka mapigilan pa niya ang influencer na huwag makipagkita kay Ethan. Pero kung pupuntahan niya ito sa bahay nito, tiyak na nakaalis na ito.

"Gabi na, Hija. Saan ang lakad mo?" Saktong labas niya para mag-trysikel patungong Garden de Flor ay nakasalubong niya ang abuelo na bubuksan sana ang gate para naman ipasok ang sasakyan.

Kararating lang ni Lolo Abner mula sa San Gregorio.

~oOo~

Late si Ethan.

Ang usapan nila ay ikawalo ng gabi sila magme-meet sa Garden de Flor; mag-e-eight thirty na.

Sa restaurant ng lugar siya dumiretso dala ang mga malalaking shopping bag. May ilang customer sa loob. Pinili niya ang mesa malapit sa entrance. Mula rito ay natanaw niya ang bagong dibisyon ng Garden de Flor - ang Lover's Spot kung saan ay may mga heart shaped topiary o mga halamang ini-sculpt para maghugis na mga puso.

"Ready to order, Ma'am?" Isang waitress na tila kasing edad lang niya ang nakangiting nag-abot sa kanya ng menu.

"Wait lang po. Wala pa po kasi ang kasama ko -"

"Miss Baby?" Nagliwanag ang mukha nito, nakilala siya. "Wow, follower n'yo po ako. Gagawa po ba kayo ng video rito?"

"Actually, may imo-model lang akong mga bagong pieces ng mommy ko. From Taytay?"

Sinipat ng waitress ang suot niya. "Taytay po talaga? Hindi po halata. Napaka-class po kasi ng pagdadala n'yo po. Kaya nga po pina-follow ko po kayo. Ang galing n'yo rin po kasing magbigay ng tips sa pagme-make up."

Kumilos ito paalis. "Sige po, Miss Baby. Ikuha po muna kita ng lemon juice. Treat ko po."

Iiling pa sana si Trixie pero nakaalis na ang waitress. Medyo tumaba din ang puso niya sa sinabi nito. May na-inspire na naman pala siya.

Isa si Trixie sa mga kabataang naging libangan ang pagma-My Day ng mga OTD niya noong pandemic. Pa-model-model ng mga blouse at dress na pino-produce ng kumpanya ng mommy niya. Habang na-stranded ang daddy niya na isang architect sa UAE, nagpaka-busy ang mommy niya sa pagde-design at paglalabas ng mga clothing line na pambabae sa mga platform online.

Malaki ang naging tulong ni Trixie sa family business. Dahil sa pagpo-promote niya ng mga abot kaya at magagandang produkto nila, isa sila sa mga negosyong nag-boom noong pandemic.

Naging inspirasyon siya sa maraming kabataan dahil sa mga Taytay wardrobe niya. Lalo pang dumami ang followers niya nang magsimula siyang mag-share ng mga beauty at skin care videos. Taong 2023, sa paglaya ng Pilipinas sa COVID-19 ay tuluyan na siyang naging influencer sa milyon niyang followers.

Tumunog ang cellphone ni Trixie mula sa kanyang shoulder bag. Si Ethan ang nag-text. Nag-park na raw ito ng motorsiklo nito at paparating na. Maghintay na lang daw siya sa Lover's Spot.

Nag-text back siya rito: No, I'll wait for you in the restaurant.

Hindi na ito nag-respond kaya napakibit-balikat na lang siya at sumunod sa gusto ni Ethan; nakalimutan na may manlilibre pa sa kanya ng inumin.

Sa pagpasok ni Trixie sa Lover's Spot ay may ilang nagde-date siyang naabutan. Magpa-partner na nakaupo sa mga bench na pinaghihiwalay ng mga heart shaped topiaries na nasa tatlong talampakan ang taas. Nakadagdag sa romantic atmospere ang mga lamppost sa paligid na nagdudulot ng dilaw na liwanag.

Na-concious si Trixie dahil wala siyang kasama. Dumulo siya hanggang sa makarating siya sa pinakamagandang attraction ng dibisyon - ang heart shaped topiary na mas mataas pa sa kanya ng twelve inches. May apat pa nito. Nagtatayugan sa pagkakapalibot sa isang fountain na may hugis pusong bato sa gitna. Mabilis na nakapag-selfie siya kaagad, sa gawing likod niya ang fountain at ang isang dambuhalang heart shaped topiary.

Noon niya na-realize na solo na pala siya sa lugar. Biglang naglaho ang pares ng mga nagde-date sa bungad.

Awtomatikong sinipat niya ang wrist watch: 9:30 pm.

Where are you Ethan? Half an hour na lang ay magsasara na ang garden -

Nakita ang isang naka-hood na pigura. Sumulpot ito mula sa likuran ng isa pang malaking halamang may hugis pusong sculpture. Hindi siya kumilos nang iamba nito ang hawak na patalim sa kanya.

At huli na nang rumihistro sa kanya na dapat siyang tumakbo.

Ang Stalker ni Baby (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon