Chapter 16 - Killer in the House!

13 1 0
                                    

Two months ago...

You need to face them to get over it...

Her mom was referring to her fear. Kailangang harapin ni Ash ang mga multo para mawala ang takot niya. And she should do it!

Magtatagal sila sa hospital. Umakyat na sa stage 3 ang karamdaman ni Daphne; naging malala na ang mga symptoms. Gusto ng doktor nito na i-confine ang ina para ma-monitor nang mabuti.

Surprisingly, ang biyolenteng multo ang pinakamabait sa tatlo.

"Kamukha mo ang anak ko," anito na nagpakilalang si Dodi. "Pero alam ko na hindi ikaw siya. Wala ka kasing buhok."

Muntik na siyang mapatawa. Kung gaano kabangis ang malaking aparisyon sa sinasaktan nitong payat na multo ay siyang hinahon nito sa kanya. Hinarap ito ni Ash matapos manggaling sa chapel ng ospital isang gabi.

Nasa karaniwang scenario ang mga ito na sinasaktan ni Dodi ang payat na aparisyon nang pumagitna siya.

Noong una ay tiningnan siya nang masama ng mukhang hoodlum na multo pero pagkuwa'y pinawalan nito ang ginugulpi.

"Sinungaling ang Anghelo na 'yan," paliwanag nito. "Mas matagal na siya dito sa ospital. Imposibleng hindi niya alam kung saang lugar pa rito pwedeng pumunta ang anak ko."

At nalaman ni Ash ang nangyari kay Dodi. Pinaslang pala ito sa ospital na iyon habang nakatakas naman ang anak nitong dalaga at nagtatago sa kung saan sa lugar na iyon.

Nakausap din niya si Anghelo, ang payat na multo. Ayon naman dito, matagal na itong naka-confine sa ospital at tila nagsawa na itong dalawin ng sariling pamilya hanggang sa namatay na lang ito.

May mga kakulangan sa mga istorya ng dalawang aparisyon. Pero sa tingin ni Ash, nakalimutan na lang ng mga ito ang mga detalye ukol sa mga sariling naging buhay.

Sinubukan ni Ash na mag-usisa sa isang may edad na maintenance staff - si Mang Carlo. Matagal na ito sa ospital at nakabatian na nila ito ng ina sa pabalik-balik na pagtira nila sa ospital.

Pabiro siyang nagtanong sa matanda kung may multo sa ospital; madali siyang nakakuha ng mga sagot. Ang sabi ni Mang Carlo, wala pang nakakakita sa mga multo pero may mga nakakaramdam sa presensya ng mga ito.

Hindi si Ash umamin na nakita na niya ang mga aparisyon. Tumugma naman kasi ang mga pangalan ng mga ito sa nga kuwento. Ang ipinagtaka lang niya: Bakit hindi kilala ni Mang Carlo ang tungkol sa batang multo?

~oOo~

Now...

Huli na para kay Jas. Sa paglingon nito ay tumusok na ang patalim sa leeg nito. Kaagad na humiwa ang sandata sa lalamunan ng nursing student at bumulwak ang masaganang dugo.

"Tulungan -" Dilat ang mga mata ni Jas nang bumagsak sa lapag. Wala na ito.

Pinanlambutan ng mga tuhod si Ash. Nakilala niya ang patalim ng killer. Ito ang kitchen knife na nasa kusina!

Si Trixie ang kaagad na nakabawi sa sindak. Hawak pa nito ang cellphone. Ibinulsa nito ang phone at kinuha kay Ashley ang frying pan. Ibinato nito ang pan sa pigura sabay hinatak na siya patakbo. Pero madilim sa hallway patungo sa isa pang may ilaw na silid. May mga nakalinya palang mga jar na nasa isang ruler ang taas sa magkabilang bahagi nito. Natapid si Trixie sa isa sa mga jar.

Kaagad na nasunggaban ang influencer ng naka-hood na pigura. Nanlaban ito. Nagawa pang tabigin ang kutsilyo ng killer kaya napatapon sa kung saan.

"Tumakbo ka na, Ashley! Help will come soon -"

Nakita ni Ash na tadyakan ito ng kalaban. Ayaw niyang iwan ang kaibigan pero namayani ang takot. Tumakbo na siya.

Humantong sa pinakang-living room si Ash. Katulad ng kusina, mga LED bulb ang nagdudulot ng liwanag dito. Sa silid ay namataan niya ang isang basag na vase sa sahig. May mga pulang patak sa sahig at naalaala niya ang sinabi ni Jas na hinampas nito ng vase si Ernest.

Sa puntong iyon, pumihit ang seradura ng main door. Magtatago pa sana sa likod ng sofa si Ash; huli na. Nakita na siya ng kanyang kidnapper sa pagpasok nito.

May putok sa noo at may bahid pa rito ng dugo si Ernest. Doon marahil napuruhan ang lalaking influencer.

Naningkit ang mga mata nito at humakbang para sa kanya. "Nasaan siya?"

Si Jas ang automatikong pumasok sa isipan ni Ash. Muli siyang pinangatugan ng mga tuhod. May halimaw pa rin pala siyang tinatakasan. At iniwan niya si Trixie -!

Isang tili ang yumanig sa konsensya niya. Ang influencer.

No, she couldn't do it! Babalikan niya si Trixie.

"What the f*uck!" Si Ernest. "Si Trixie ba 'yun?"

Namataan ni Ash ang jar na nakabungad sa pinto ng living room. Mukhang mabigat ito. Puwede niya iyong gamiting sandata.

Hinarangan siya ni Ernest. "Where do you think you're going -?"

Itinulak niya ito at sandali siyang nayanig matapos niya itong madampian. Nakita niya ang imahe ng naka-hood na killer.

Noon sumulpot mula sa kadiliman ng hallway ang pigura ng nasa vision niya. Tumaas ang hawak nitong kitchen knife at makailang beses iyong bumaon sa likod ni Ernest.

Bumulwak ang dugo mula sa bibig ng lalaki; nagpatuloy pa rin ang killer sa pagsaksak dito.

Tumakbo na si Ash palabras ng bahay. Sumisigaw ng tulong. Tila nag-e-echo lang ang boses niya. Walang kalapit na gusali ang vacation house. Ito lang ang may ilaw. Sa dako pa ay ang kadiliman ng gabi. Walang buwan o mga bituin sa langit.

Kinagat ng malamig na simoy ang balat ni Ash at napahalukipkip siya; kumilos para makaalis sa lugar na iyon.

Matataas na pader at steel fence na nasa ten feet ang nakapalibot sa vacation house. Sa harap ng main door ay naaninag niya, sa liwang ng lamppost ang isang payat na gate na de railings. Sa kabilang bahagi nito ay isang makipot na hagdan patungo sa isang ilog, sa ibaba. Sa kasamaang palad, naka-pad lock ang de railings na gate.

Dumiretso si Ash sa main entrance - sa gate nabakal na tila kulay silver dahil sa pangingintab nito sa ilaw ng lamppost.Nakakandado rin ang malaking tarangkahan. May makitid itong pinto sapinakanggilid nito sa kaliwa pero kailangan ng susi para nabuksan ito.

Kinalma niya ang sarili at binaybay ang compound. Nakita niyang nakaangat ang pinto ng garahe.

Hindi ni Ash gustong bumalik sa loob pero narinig niyang sumara ang main door at sumunod ay ang mga nagmamadaling yabag papalabas. Wala siyang ibang pwedeng takasan. Tahimik na pumasok siya sa pinto ng garahe at dahan-dahang hinila pababa ang roll-up.

Sumagi sa kanya ang sinabi ni Trixie. Help is on the way!

OMG! Buhay pa kaya siya sakaling dumating ang mga pulis. At si Trixie? Buhay pa kaya ang kaibigan?

Dumako ang mga mata ni Ash sa trunk ng grey na kotse ni Ernest. Nakaawang ang lid nito.


Ang Stalker ni Baby (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon