"Calynn, paalisin mo ang batang 'yan. I don't want that child here in my house." Rinig kong sigaw mula sa sala.
"Pa, anak ko siya. Hindi ko siya kayang paalisin." Rinig kong boses ni Mama. Sino ang kausap niya?
"Kong aalis si Aea, aalis rin ako." Rinig ko ulit na sabi ni Mama.
Bumaba na ako sa sala para tingnan kung ano ang nangyayari, kasi parang umiyak na si Mama. I saw Mama talking to Lolo, Papa ni Tito, my mother’s husband. Oo, ang asawa ng Mama ko, at Tito ang tawag ko kasi hindi siya ang biological father ko. Anak ako sa labas, at hindi ko alam kung sino ang tunay kong ama. Lahat sila dito gusto akong paalisin kasi sinasabi nilang killer at criminal ang tatay ko, at iyon ang nagpapalagay sa kanila na malas ako sa pamilya nila. Ayoko itong paniwalaan kasi ayokong sirain sa utak ko ang tunay kong ama. Kung sino man siya, sana makilala ko siya balang araw.
"You!"
Ramdam kong may humila sa buhok ko at nadapa ako sa sahig.
"You bitch, look at what happened to Grandpa and Mom. They're fighting because of you." Sabi ng kapatid ko. Galit na galit siya sa akin.
Obvious naman na nag-aaway sila, at dahil sa akin kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapaalis ni Mama.
"Why don't you just leave? We don't need you here, Aea. Don't you realize that you're trash and nobody here needs you? You are a piece of shit and bad luck to this family." Sabi niya at sinampal ako.
Yan, ganyan nila ako tratuhin. Minsan iniisip ko kung kaya ko pa to. Bakit ganito? What did I do to deserve this? Bakit ako pa sa dami-dami ng tao sa mundo? Mga tanong na gusto kong magkaroon ng sagot. Sobrang nakakapagod malagay sa ganitong sitwasyon.
Kung aalis ba ako, magiging maganda ba ang buhay ko? Kung aalis ba ako, magiging tahimik at masaya ba ang bahay na ito?
Umakyat ako sa kwarto at narinig ko ang phone ko na tumutunog.
Isang unfamiliar number ang tumawag sa akin.
"Umalis ka na diyan."
YOU ARE READING
WEB OF SECRETS
RomanceDevon, the son of a powerful CEO, Damian, lives a life of privilege and responsibility. His personal secretary, Aea, catches his eye, and they soon fall deeply in love. However, their world shatters when the company discovers that Aea's stepfather i...