CHAPTER ONE

2 0 0
                                    

"Beshy, mauna na ako, may report pa ako na gagawin," sigaw ko.

"Cge, beshy, ingat ka," sagot ni Tasya, at umalis na ako.

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang pinalayas ako sa bahay. Hindi naging madali ang buhay ko noon, pero dahil sa lakas ng loob ko at sa tulong ng Diyos, nandito pa rin ako ngayon.

Ako ay isang working student—nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi sa McDonald's. Mabuti na lang at okay sa kanila ang mga working students.

Pagkatapos kong mapalayas, nag-quit ako sa Dela Salle at lumipat sa PNU sa Manila. Buti na lang at sinagip ako ni Aling Marites, nanay ni Tasya, kaya ako nandito ngayon.

Habang naglalakad ako pauwi, narinig ko ang mga tindera sa kalye na nag-uusap.

"Alam mo, mayaman daw yan dati, pinalayas ng pamilya," sabi ng isang tindera.

"Bakit naman?" tanong ng isa pa.

"Iwan ko, baka malandi," sagot ng isa pang tindera.

Sabi ko na nga ba, tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila. Nakatingin sila sa akin habang nag-uusap, at walang ibang tao sa paligid.

"Hoy, kayo mga chismosa! Gusto niyo bang tahiin ko ang mga bibig ninyo? Ang dami ninyo, wala kayong alam sa pinagdadaanan ng batang ito," sigaw ng isang pamilyar na boses.

Si Aling Marites!

"Ano ba ang pinagdadaanan ng batang yan? Alam naman natin na kapag pinapalayas ng magulang, hindi magandang anak 'yan," sabi ng isang chismosa na mukhang wala pang puwet.

"Malandi naman siguro yang batang 'yan. Makikita naman sa itsura," singit ng isang maliit na chismosa, na mukhang gasol.

"Aling Marites, tara na po," sabi ko kay Aling Marites, baka magulo pa.

"Huy, kayo ha, hindi malandi ang batang ito," sagot ni Aling Marites. "Nagagandahan lang kayo sa kanya kasi ang papangit ninyo, mukha kayong kanal," dagdag niya.

"Ate naman, tara na," pagpupumilit ko sa kanya.

Marami nang tao ang nakatingin, nakakahiya na.

"Huy kayo, bago kayo mang-chismis," nilapitan ni Aling Marites ang tatlong babae. "Siguraduhin ninyo na perpekto kayo. Diba ang anak mo, Susan, maagang nabuntis?" Hindi na nakapagsalita ang isang chismosa, at naghiwahiwalay ang mga tao sa paligid. "At ikaw, Duri, diba may anak kang babae? Hindi mo ba alam na buntis siya ng tatlong buwan na at alam mo kung sino ang ama, ang anak ni Anding?" sabay turo sa isa pang chismosa, si Duri na mataba at walang puwet, at si Anding na parang gasol.

"Huy, Marites, ang bata pa ng anak ko, 15 pa yun. Wag kang gumagawa ng kwento. Hindi malandi ang anak ko katulad ng alaga mong yan," sabi ni Duri.

"Ba't hindi mo tanungin si Anding? Diba ikaw pa ang nagturo paano ipalaglag ang bata?" sabi ni Aling Marites sa dalawa.

"Grabe naman yung revelations mo, Aling Marites, parang teleserye," sabi ko sa sarili ko. Ang lahat ng mga tao sa paligid ay nagulat at hindi makapaniwala.

"Anding, sumagot ka!" sigaw ni Aling Marites.

"Oo, totoo, pero hindi pa sila—" sagot ni Anding.

"Tingnan mo kung sino ang malandi ngayon, Duri," sabi ni Aling Marites habang nagtatawan siya.

Galit na galit si Duri na umuwi sa bahay, sigaw ng sigaw sa pangalan ng anak niyang si Mary Rose. Si Aling Susan at Aling Anding ay nanatiling nakatayo sa kanilang lugar.

"Aling Marites, tara na," sabi ko.

Umalis na kami sa lugar at umuwi sa bahay. Nakatira kami sa isang squatter area, magkadikit ang mga bubong kaya't maingay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WEB OF SECRETSWhere stories live. Discover now