Chapter 2

511 44 2
                                    

Maloi Ricalde's Point of View

"Yes, stationery store. Pauwi na din ako." Isang familiar na boses ang narinig ko sa kabilang aisle which I think is the pencil's section, habang naniningin ako ng acrylic paints.

Nagtip-toe ako para matiyak kung kaninong boses yung nagsasalita. Nakatalikod siya sa'kin habang naniningin ng mga graphite pencils. Nakapasak ang phone sa kanang tenga na tila may kausap. "Fine, i'm planning to dine out anyway. Saan mo gustong kumain?" tanong nito sa kausap.

Likod palang eh nasiguro ko na na si Chase nga 'yon. She's completely different sa Chase na na-meet namin last week sa condo niya. She's wearing a classy outfit na parang pang-rich tita ang datingan with her eyeglasses on. Kung hindi ko lang nakita yung IG story niya na nagpakulay siya ng buhok eh hindi ko siya makikilala.

"Aww, okay. Medyo nagiging grabe na rin ang pagiging thick-skinned mo 'no? Bye na. Just a planner, nothing more?"

Napangiti ako unknowingly. She sounds exactly like Mikha, lalo na yung conyo accent nila. No wonder they're best friends. They're probably sharing the same brain cells.

"Alright, bye." sabi nito at inalis na ang phone sa tenga niya. Nagsimula na itong maglakad papalayo, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Hindi niya ako napansin.

I looked at my reflection through my phone's camera to check myself kung haggard na ba ako o ano. Kanina ko pa inuuli 'tong buong store para lang makabili ng new set of art materials dahil nauubos na din ang mga paint ko.

Nang masiguro kong kumpleto na ang nasa cart ko ay pumila na ako sa counter. Masyadong marami ang pila na sa palagay ko ay mga architecture students dahil magkakasama sila at ang ingay nila sa pila. Ang iba pa ay nakilala ako at nagpapicture sa'kin.

"Ate Maloi?"

Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa pangalan ko.

"Uy Chase, hi!" bati ko sa kanya at tiningnan ang laman ng cart niya. Sari sari ang laman nito at mga typical na school supplies na ginagamit ng mga estudyante.

Nagwave siya sa'kin at excited na lumapit sa likod ko bilang kasunod sa pila.

Nagtanungan kami about sa mga binili namin, hindi siya nagulat sa mga pinamili ko dahil alam niya palang nagpe-paint ako. Sinabi siguro sa kanya ni Mikha. Na-mention din sa amin ni Mikha na mahilig din sa drawing itong si Chase pero more on sketches ang ginagawa niya.

"May pupuntahan ka pa ba after nito?" Tanong niya sa'kin after seconds of silence.

"Wala na, pumunta lang talaga ako ng mall para lang dito." sagot ko. Usually pag nagsha-shopping ako ay kasama ko ang bini. At tsaka bihira lang mangyari 'yon dito dahil masyado na kaming nagiging busy. Nagkataon lang na may two days break kami ngayon pero papunta kaming Olongapo next week para magfilm ng music video.

"Ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Oorder lang ako ng take-out dinner tapos idadaan ko kay Mikha 'tong pinabibili niyang planner." sagot niya habang tinuturo yung black na planner na nakalagay sa cart niya.

Ahh so si Mikha pala yung kausap niya kanina.

"What if ibigay mo nalang sa'kin? Para hindi ka na dadaan sa condo. Lalayo ka pa eh." suggest ko. Magkasama naman kami ni Mikha sa bahay.

"Kukunin ko din kasi sa kanya yung spare phone ko eh." sabi nito. "Sumabay ka nalang sa'kin Ate Maloi. I'll give you a ride home."

"Huy hindi na." Pagtanggi ko. Nakakahiya at tsaka baka kung anong gawin ko sa kanya sa sasakyan eh. Eme.

CHASING HER | Maloi RicaldeWhere stories live. Discover now