Third Person's POV
Nalani East watched as the rain poured down the academy grounds. She had a lot of trouble keeping her mind cleaning around the academy together with the other staffs and students. Then it suddenly began to rain. Everyone run inside to avoid getting soaked to much. Alam nilang lumulubog na ang araw kahit hindi nila yun nakikita.
Matapos ang pagpupulong sa opisina ay nagkanya-kanya na sila ng gawa. Para mawala sandali ang problema niy ay naisip niyang maglinis. Baka malinis rin kasi nito ang kaniyang isip. Subalit, bumuhos ang malakas na ulan.
Dahil duon ay bahagyang humina ang kaniyang pandinig habang nakatitig sa mabilis na pagbagsak ng mga ito. Nakatitig lamang siya mula sa bintana sa pinakababang palapag. Walang pumapasok sa kaniyang isipan at pinapanood na sabayan ng makapal na kulay abong mga ulap ang pagdilim ng paligid.
Subalit sa kung anong dahilan, may isang tinig siyang naririnig, kumakanta. Tila ba ay para sa kaniya lamang iyon. Nanghehele ang boses nito, malamyos. Hindi niya maunawaan ang mga ito subalit nararamdaman niya ang dalang ibat-ibang emosyon duon.
Hanggang sa namalayan na lamang niyang tumatakbo na ang kaniyang mga paa patungo sa pamilyar na direksyon, ang dormitoryo. Nang makarating sa silid na nakalaan para sa grupo nila ay kaagad siyang nagtungo sa dulong kwarto.
Hinihingal na huminto siya sa tapat ng silid ni Norn. Huminga siya ng malalim at nakagat ang ibabang labi niya. Nang magkaruon na siya ng sapat na lakas ng loob ay duon na siya kumatok sa nakasaradong pinto.
“Norn?...” may kaba niyang tawag, walang tumugon. Muli siyang kumatok at tumawag muli sa pangalan nito subalit, wala pa ring sagot. Dito niya huling nakita ang dalaga kaya sa isip niya ay narito ito.
“Norn, alam kong hindi naging maganda ang pakiramdam natin sa isat-isa. Gusto kong mag-sorry kasi, hindi ako nagisip ng tama ng mga panahon na iyon. Ipinapangako ko na mas magiging wais ako at gagawin ang lahat para maprotektahan si captain. Kaya sana.... sana bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon?” aniya at walang natanggap na tugon.
Ilang segundo pa siyang naghintay ngunit wala siyang nakukuhang kahit na ano mula sa kabila ng pinto. Nakaramdam siya ng malamig na bagay sa paanan niya kahit siya ay nakasapatos, kaya tiningnan niya ito.
Bahagya siyang nagulat at nagtaka sa nakitang tubig na lumalabas mula sa siwang ng pinto sa baba. Kumabog ang kaniyang dibdib at iniisip na baka may nangyaring hindi maganda kay Norn sa loob.
Hinawakan niya ang busol ng pinto at pinihit iyon, umaasang ito ay bukas. Hindi naman siya nabigo at halos matumba siya dahil marahas niya itong bunuksan. Habang nakakapit sa pinto ay nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig sa nabungaran.
“Norn? Are you here? Norn!” paulit-ulit niyang tawag sa pangalan habang inililibot ang tingin sa paligid. Wala siyang natanggap na tugon.
Ang tanging nasa loob lamang ng kwarto ay tubig at mga basang gamit. Tila ay binuhusan ang buong paligid. Mula sa kama, kabinet, mga libro, kurtina, kisame, ilaw, lamesa, at sahig ay basang-basa. Napalunok na lamang si Nalani at hindi magawang maisip ang nangyari sa kwarto. Para bang.... sumisigaw ang mundo sa galit at lungkot.
WALANG kailaw-ilaw sa kwarto na kinalalagyan ni Eos. Tanging kandila lamang na nasa isang tila mangkok ang ang bibigay liwanag dito. Nakapatong ito sa lamesa kung saan may nakalagay na isang kwadernong may kakapalan at panulat.
Dahil maliit na ang kandila ay lumubog na ito sa tunaw na parte at namatay ang apoy. Nakasarado ang bintana pero maririnig ang malakas na ulan at may kalakasang hangin sa labas.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasiaNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...