Chapter 6: Ang Paglapit

0 0 0
                                    

"Hindi lang ako interesado na makilala ka nang mas mabuti bilang kaibigan."

***

Matapos ang successful na fundraising event, tila ba mas lumapit ang loob nina Mia at Jay sa isa't isa sa mga sumunod pang mga araw. Ang bawat pag-uusap nila ay puno ng kasiyahan, hindi lang tungkol sa mga gawain sa school kundi pati na rin sa kanilang mga pangarap at plano sa buhay pagkatapos ng kanilang graduation. Ang pag-aasikaso ni Jay sa banda at ang dedication naman ni Mia sa kanyang mga responsibilidad bilang SSG president ay nagbigay daan sa mas malalim na pag-uusap at pagkakaintindihan.Mas naramdaman nila Mia at Jay kung gaano na nila kakilala nang husto ang isa't-isa.

Isang Biyernes ng gabi, matapos ang isang successful na performance ng banda ni Jay, niyaya niya si Mia na maglakad-lakad sa park. Nais niya itong makasama na naman at makausap ng masinsinan.

"Ang galing ng performance mo kanina," sabi ni Mia habang naglalakad sila sa ilalim ng mga nagliliwanag na street lamps ng park. Ang malamig na hangin ay nagbibigay ng ginhawa pagkatapos ng init ng bar na punong-puno kanina.

"Salamat. Masaya ako na nandun ka," sagot ni Jay na may kasamang ngiti. "It’s always nice to see a familiar face in the crowd, especially that it's you," dagdag pa nito na tila may kislap sa mga mata at ngiti sa mga labi.

Hindi na kayang pigilan ni Mia ang kilig na nararamdaman kung kaya't napatitig na lamang siya sa kasama at napatawa ng bahagya pagkatapos.

Habang nagpatuloy sila na naglalakad sa parke, ang mga bituin sa langit ay tila naglalaro ng kanilang sariling sayaw, at ang mga tunog ng kalikasan ay tila bumabalot sa kanilang pag-uusap. Tila mas pinaparamdam kung gaano na sila kakomportable sa presensya ng bawa't isa.

"Alam mo, matagal na kitang gusto makilala nang mas mabuti," biglang saad ni Jay habang sinusuklay ang buhok. Tila ito'y nahihiyang magopen-up ng ganoong topic.

"Ganun din ako," pag-amin ni Mia na may halong kilig. "Tuwing nagkikita tayo sa school, parang laging may isang bahagi sa akin na gustong makilala ka nang mas mabuti."

"Ang saya naman. Hindi ko talaga inaasahan na ganito tayo magiging close," sabi ni Jay habang pinipilit na hindi mapansin ang pagtibok ng kanyang puso. "Sa totoo lang, noong una kitang nakita, hindi lang bilang SSG president, alam kong may espesyal na bagay sa iyo. Ang determination mo rin sa lahat ng ginagawa mo ay talagang kahanga-hanga."

"Salamat, Jay. Pero hindi ko alam kung paano mo napansin iyon," sagot ni Mia, na tila nagtataka. "Minsan nga, pakiramdam ko hindi sapat yung efforts ko. Nakakagaan sa pakiramdam na may ibang tao na mas nakakaintindi sa'yo, lalo na yung may ibang perspective sa mga bagay."

"Hindi ka nag-iisa, Mia. You should always remember that," sabi ni Jay, habang tinitingnan siya sa mga mata. "Kahit na hindi tayo palaging nagkikita, palagi kong sinisikap na suportahan ka. At ang pagkapansin sa mga efforts mo ay isa sa mga bagay na nagpapalakas sa akin."

"Maraming salamat, Jay," maemosyong ani ni Mia. Tumitig naman ang binata sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Dahil sa magandang ambiance habang naglalakad sila, napansin ni Mia ang mga simpleng detalye ng parke—ang mga bulaklak na naglalabas ng mabangong amoy, ang mga puno, at ang mga taong nakakasalubong nila. Ang mga simpleng bagay na ito ay nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng kapayapaan, at ang presensya ni Jay ay nagdagdag ng saya sa kanyang gabi.

"Jay, nagpasya ka na ba kung anong course ang gusto mong kunin sa college?" biglang pagoopen-up ni Mia, na nais malaman pa ang higit pang detalye tungkol sa mga plano ni Jay sa hinaharap. Humarap naman si Jay sa kaniya.

"Gusto kong mag-aral ng music production," sagot ni Jay na may kasamang sigla. "Gusto kong matutunan pa ang tungkol sa paggawa ng musika, at sana magkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa industriya."

"Ang ganda ng plano mo," sagot ni Mia na may kasamang paghanga. "Sigurado akong magiging successful ka sa kahit anong piliin mo. Ang passion mo sa music ay talagang nakakahawa." Napatawa naman si Jay dahil dito. He agrees with what Mia said.

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap, mula sa mga pangarap sa hinaharap hanggang sa mga simpleng bagay na nagagawa nila sa araw-araw. Sa bawat sagot ni Jay, sa bawat tanong ni Mia, ang kanilang pagkakaintindihan ay lalong lumalalim.

Nang dumating naman sila sa isang tahimik na bahagi ng parke, nagpasya silang umupo sa isang bench.

"Mia," sabi ni Jay na tila nahihirapan, "may gusto akong sabihin sa iyo."

"Ano yun?" tanong ni Mia na tila nag-aalala. Naramdaman niya kasi ang medyo alinlangan ng kasama.

"Ang totoo, hindi lang ako interesado na makilala ka nang mas mabuti bilang kaibigan," sabi ni Jay, na tila kinakabahan. "Kasi sa bawat pagkakataon na magkasama tayo, alam ko na may higit pang nararamdaman ako para sa iyo. Siguro, ang nararamdaman kong ito ay higit pa sa pagkakaibigan."

Natahimik si Mia, habang ang kanyang puso ay tumibok ng mas mabilis. Kinakabahan siya na baka marinig ng kaharap ang dagundong nito.

"Jay," sabi niya, "hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ito, pero parang may nararamdaman din ako na iba kapag kasama kita. Parang may espesyal na koneksyon sa pagitan natin." Hindi na nga mapigilan ni Mia ang umamin.

Ngumiti si Jay, at sa gabing iyon, habang ang buwan ay nagbibigay ng liwanag sa kanilang paligid, napagtanto nilang ang kanilang relasyon ay nagsimula nang magbago. Hindi lang sila basta magkaibigan na nagtutulungan, kundi dalawa na ring nag-iisip kung ano ang maaaring mangyari sa kanilang hinaharap.

Sa ilalim ng mga bituin, nagpasya silang maghintay sa mga susunod na yugto ng kanilang buhay, ngunit sa mga sandaling iyon, alam nilang ang kanilang koneksyon ay nagiging mas malalim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Melodic LoveWhere stories live. Discover now