Chapter 4: Ang Paghahanda

3 1 0
                                    

"And I'm really glad to be part of this project with you."

***

Habang papalapit ang event, mas naging madalas ang interactions nina Mia at Jay. Sa araw-araw na paghahanda, magkasama nilang inaayos ang bawat detalye ng fundraising event. Mula sa pag-ayos ng stage setup hanggang sa paglalagay ng decorations, sila ang nangunguna.

"Salamat talaga, Jay, for agreeing to perform," sabi ni Mia habang nag-aayos ng mga ilaw sa stage.

"Walang anuman. As what I've told you, masaya ako na makatulong," sagot ni Jay na may kasamang ngiti. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang excitement sa nalalapit na event. "Besides, it's a great opportunity for us to showcase our music."

Habang nag-aayos sila, napansin ni Jay ang seryoso mukha at bahagyang nakakunot-noo na si Mia. Halatang stress ito sa dami ng mga kailangang asikasuhin bilang SSG president.

"Huwag ka masyadong ma-stress. Kaya natin 'to," sabi ni Jay na may kasamang ngiti, umaasang maibsan ang pag-aalala ni Mia. Parang nakaramdam naman ng kaunting ginhawa si Mia sa mga salita ni Jay.

"Salamat, Jay. Napaka-supportive mo," sagot niya. Sa mga oras na iyon, naramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa lahat ng ito. May kasama siyang handang tumulong at magbigay ng lakas ng loob.

Habang naglalagay sila ng mga posters at flyers, nagkaroon ng pagkakataon na magkwentuhan pa sila.

"Paano mo nga pala naisipang sumali sa banda?" tanong ni Mia habang idinidikit ang isang poster sa dingding.

"Simula bata pa lang ako, mahilig na ako sa music," kwento ni Jay. "Nagsimula ako sa pagkanta, tapos natuto na rin akong maggitara. Natuwa ang mga kaibigan ko kaya naisipan naming bumuo ng banda."

"Ang galing naman," sabi ni Mia, humahanga sa dedikasyon ni Jay. "Sana nga makapag-perform ako kasama kayo kahit isang beses," pabirong dagdag ni Mia.

"Marunong ka bang kumanta or mag-play ng instrument?" medyo may gulat na tanong ni Jay.

"Both. I mean kumakanta naman ako at medyo marunong ding maggitara," saad ni Mia na nakangiti.

"If you want, pwede ka naming turuan para mas gumaling ka pa," sagot ni Jay na may kasamang tawa. "Pero seryoso, Mia. If gusto mo talaga, pwede ka naming isama sa isang practice session."

Nagkatinginan sila at nagkatawanan. Sa bawat sandali, nararamdaman ni Mia na nagiging mas magaan ang kanyang pakiramdam. Parang hindi na ganoon kabigat ang mga responsibilidad dahil sa presensya ni Jay.

Dumating ang hapon kung kailan kailangan nilang ayusin ang finak stage setup. Habang nag-aayos sila ng mga speakers at mikropono, nagkaroon ng pagkakataon si Jay na biglang mag-open up kay Mia kung ano ang tingin niya rito.

"Alam mo, Mia, noong una kitang nakita bilang SSG president, sobrang hanga na ako sa'yo," sabi ni Jay habang tinutulungan siyang mag-ayos ng mga kable.

"Talaga?" tanong ni Mia na tila ba hindi makapaniwala. "Akala ko nga hindi mo ako napapansin. I mean magkaiba tayo ng partido nung campaign."

"Napapansin? Siyempre naman," sagot ni Jay. "Paano ba naman hindi kita mapapansin? Kahit na you were from a different party nung campaign nakikita ko na na you're always so dedicated and hardworking. Hindi lang sa studies, kundi pati na rin sa mga extracurricular activities."

Napangiti si Mia sa mga sinabi ni Jay. Tila mas gumaan ang pakiramdam para rito.

"Salamat, Jay. Hindi ko talaga inaasahan na ganito kalaki ang impact ko sa iba," sagot ni Mia na may halong hiya.

"Well, you do," sagot ni Jay. "And I'm really glad to be part of this project with you."

Habang papalapit ang araw ng event, lalong naging mas malapit sina Mia at Jay. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo nilang nakikilala ang isa't isa. Hindi lang bilang mga estudyante, kundi bilang dalawang taong may parehong pangarap at layunin na magtagumpay sa kani-kaniyang craft. Sa bawat usapan nila, nararamdaman nila ang lumalalim na koneksyon sa pagitan nila.

Isang gabi, matapos ang buong araw na paghahanda, naupo silang dalawa sa gilid ng stage, pagod pero masaya.

"Mia, alam kong malapit na ang event at marami pa tayong kailangang gawin," sabi ni Jay habang iniinom ang kanyang tubig. "Pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako para suportahan ka."

"Salamat, Jay. Malaking bagay ang tulong mo," sagot ni Mia na may kasamang ngiti. "Hindi ko magagawa lahat ng ito without your all-out support."

"You're welcome, Mia," sagot ni Jay na may matamis na ngiti sa labi habang nakatitig ng malalim kay Mia. "And I'm really looking forward to our performance. Gusto kong ipakita sa lahat kung gaano kagaling ang banda namin, at kung gaano kahalaga ang event na ito para sa ating lahat."

Sa gabing iyon, habang magkasama silang nakaupo sa ilalim ng mga bituin, naramdaman nilang ang kanilang relasyon ay hindi na lamang basta pagkakaibigan. Ito ay nagiging mas espesyal, puno ng pag-asa at pagmamahal. At sa bawat sandaling lumilipas, mas lalong tumitibay ang kanilang koneksyon, handa sa anumang hamon na darating.

Melodic LoveWhere stories live. Discover now