Hello everyone, my name is grey Limares, Sinulat kotong kwentong to para sa babaeng masasabi kong lost of my life.
Ako si grey, ako ay mula sa probinsya ng cavite, mula noong bata pako mahilig nako mag sulat at mag basa ng mga libro, minsan napapaisip ako kelan ko kaya mararanasan yung tinatawag nilang romantic, kasi feeling ko masarap maranasan yung ganung mga bagay, tulad ng pag mamahal.
Ngunit simula tumungtong ako ng elementarya, lahat ng pangarap ko nawala, kasi biktima ako ng bullying dahil wala naman talaga akong mga magulang, lumaki lang ako sa lolo't lola ko simula nung sinilang ako. Pero sa kabila nang lahat ng yun unti-unti na rin akong nasasanay sa pang tutukso nila sakin, akala ko nga wala akong magiging kaibigan dahil isa lang naman akong d' hamak na mahirap, ngunit naging matatag lalo ako at tila sinipag lalo mag aral simula nung makilala ko si mariel, si mariel ay ang naging sandalan ko, naging kaibigan ko, at higit sa lahat s'ya rin ang dahilan kung bakit ako sinipag mag aral at makapag tapos bilang isang valedictorian year 1980-1986. Tingin ko kay mariel dati ay karibal ko dahil kami lang naman dalawa ang nag papaligsahan sa skwelahan, medyo nalungkot rin ako sapagkat si mariel ay salutatorian lang ang nakuha at kita ko naman disappoinment niya sa sarili, pero hindi dun nag tapos ang aming pag kakaibigan dahil sabay kaming nag highschool at mas tumibay pa yung aming pag kakaibigan.