Sabay kami ni mariel nag highschool ngunit mag kaiba kami nang section, medyo na sad ako pero nag pasya nalang kami na mag kikita kami after breakfast at sabay mag lunch.
Unti-unti hindi kona namamalayan na nag kakaroon nako ng feelings sakanya, dahil makita ko lang s'ya kasama ang mga friends niya lalo kapag may lalaki nag tatampo agad ako kasi napapaisip ako na baka iwan n'ya ko at lumayo loob niya tapos maiinlove s'ya sa guy tapos magiging sila tapos ako sapaw nalang sakanya hmp (paka OA).
Kaya gumawa ako ng paraan, niyaya ko s'ya mag cine para naman masolo ko s'ya at dagdag pogi points na rin.
masaya kami noong mga araw na yun kumakain kami nag kwekwentuhan bago mag cine at ng kinagabihan ay hinatid ko na si mariel sa bahay nila at nag paalam na rin ako kila tita at tito.Simula noon hindi nako nakakapasok ng skwelahan kapag hindi ko nakikita si mariel, hindi na rin ako nakakakain ng lunch kapag hindi ko s'ya kasabay, hanggang hindi ko na namalayan na nahuhulog nako kay mariel.
Hanggang sa maka graduate kami ng highschool sabay parin kami nag college ni mariel pero sabi ko this time hindi ko papalagpasin yung opportunity nato, kukuhain kong course ay yung course rin ni mariel.
Nakapasa kami ni mariel sa entrance exam, at ang swerte ay nasa kamay ko, kaya sobrang saya ko dahil classmate ko si mariel.
