CHAPTER XVIII

2 1 0
                                        

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XVIII

Nakauwi na si Sinta at ang kaniyang ama mula sa ospital, sa wakas ay nabayaran na rin nila ang kanilang bills doon kaya discharged na si Sinta. Ipinaalam na rin ni Ligaya ang tungkol kay Aling Tasha at gumagawa na ng paraan ang kaniyang ama. Hindi na sinabi ni Ligaya na naging paunang bayad ang relong binigay ng kaniyang ina.

Madalas ang pagiging balisa ni Ligaya at hindi na rin siya lumalabas ng bahay tuwing walang pasok. Habang may klase naman ay iniiwasan niyang makita o makasalubong si Chloe at Liam at ang grupo ng mga ito.

Tinitingnan siya nito na para bang ang dumi-dumi niya habang ang mga kalalakihan naman ay parang ipinagmamalaki pa nilang nagawa nila ang bagay na iyon. May pagnanasa at pambabastos ang tingin nila kay Ligaya. Habang si Ligaya ay manginginig na iiwas sa kanila dahil sa takot na maulit ang nangyari sa kaniya at hindi na naman siya makapalag.

"Anak, hindi ka pa kumakain..." Nagbalik si Ligaya sa kaniyang ulirat nang sawayin siya ng kaniyang ama. "Mag-a-alas diyes na, baka malipasan ka na ng gutom niyan. Kumain ka na rito at bantayan mo si Sinta dahil aalis muna ako... Pupunta ako sa bayan at mamili ako ng mga kakainin natin..."

Hindi katulad ng dating sagot ni Ligaya, ay nawala na ang kaniyang sigla. Pasimple lamang siyang tumango sa ama at tiningnan ang paglayo nito paalis.

Habang natutulog si Sinta ay hindi mapakali si Ligaya. Dati ay naaawa siya kay Sinta dahil hindi man lang nito naranasan ang sayang tinamasa niya no'ng siya'y nag-aaral pa, pero ngayon ay ipinagpapasalamay niyang hindi na nakita ni Sinta ang kalupitan ng mundo.

Nakasandal ang likod ni Ligaya sa pader ng kanilang bahay at tahimik siyang humihikbi para hindi magising ang kaniyang kapatid. Mula pagkabata, ay wala naman siyang ibang hiniling sa poong Maykapal kundi ang maayos, payapa, at masayang buhay. Ni hindi siya nagloko, naging mabuti siyang anak, pero kinuha sa kaniya ang kanilang inay. Sa halip na magalit siya noon ay lalo pa niyang inigtingan ang kaniyang pananampalataya, nagsilbi siya sa Simbahan at nakahanap doon ng mga mabubuting kaibigan, tumutulong siya sa kahit ano'ng mabuting paraan ng pagtulong sa mga taong nangangailangan at lumapit sa kaniya. Naging mabait siya at wala siyang sinuway na utos ng Diyos, pero sa lahat ng pinagdaanan niya, na halos kunin na rin si Sinta sa kanila, at hinayaan pa ng pagkakataon, ng tadhana, na mahalay siya na hindi man lang niya nagawang depensahan ang kaniyang sarili ay hindi niya na alam. Hindi niya ginusto iyon, hindi niya pinangarap iyon! Pero bakit nangyari pa? Bakit sa kaniya pa?

Isang chime mula sa bagong cellphone ang pumukaw ng atensyon niya. Naglalawa muli ang kaniyang mga mata. Naalala niya ang pagbibigay nito ng kaniyang ama sa kaniya.

"Anak, para sa'yo... Nakaipon kasi ulit ang Papa. Gagamitin mo 'yan para sa pag-aaral mo ha. At kung may emergency, tatawagan mo lang ako..."

"Papa naman... Gumastos pa po tuloy kayo... Sana po, sa utang na lang po natin ito ipinambayad..."

"Ligaya anak, hayaan mong gawin ko ito dahil para rin naman ito sa atin. Saka 'yong mga utang natin, uunti-untiin kong babayaran 'yon... Sayang nga eh, laptop sana ang bibilhin ko pero hindi pa kasya sa budget kaya 'yan na lang muna ha..."

"Salamat po Pa..."

Niyakap siya ng ama. Kahit ayaw niyang hawakan siya nito ay tiniis niya dahil ayaw niya itong maghinala. Hangga't kaya niyang itago ang nangyari sa kaniya ay gagawin niya.

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon