Chapter 8

1 0 0
                                    

LITWP 8

Tapos na itong mag salita pero nakatitig pa rin ito sakin kaya inismiran ko ito atsaka tinalikuran. Sino ba siya sa akala niya? Ni hindi nga kami magkakilala e. Bakit ba siya nakikiala? Nawala lang lalo ako sa mood, dahil na rin siguro tinamaan ako sa mga sinabi niya.
Swerte ako dahil may Tyla ako na palaging nasa tabi ko at handang tumulong sakin.

"Umayos ka bes, aalisin ko muna foundation mo saka ko lalagyan ng bago, buti nalang talaga dinala ko make up kit ko" sabi nito habang hawak ang baba ko.
Pumikit nalang ako at hinayaan siya na gawin ang gusto niya. Sana lang ay hindi niya mapansin ang kokonting galos ko sa mukha.

Natapos na itong magpunas ng tissue sa mukha ko kaya napahinga ako ng malalim dahil nahawakan niya ang sa may parteng bibig ko, more on dinutdot niya ito.

"Bes napano to? Bat ka may pasa? Nung maghiwalay tayo ay wala ka niyan ah? Ankng nangyari?" tanong nito.
Tamad kong minulat ang isa kong maya at tumingin sa kanya at tama nga ako, nag aalala na naman siya sakin.

"Nukaba bes, nauntog lang yan sa lamesa no" tatawa tawa kong sagot rito kahit kinakabahan dahil naningkit ang kaniyang mga mata, halatang hindi naniniwala sa palusot ko.
"Sinong tangang maniniwala sayo bes, ano yon, sinadya mo na iunyog ang gilid ng labi mo sa kanto ng lamesa ganon" gigil na sabi nito saka mas lalong diniin sa mukha ko ang brush.
Hindi ko nalang ito pinansin dahil hindi ito titigil lalo sa pagtatanong.

Ilang minuto lang ay tapos na ito sa pag aayos ng mukha ko. At ng dumilat ako ay bumungad pa rin sakin ang kanyang nanghuhusgang mata.

"Ano ka ba, ok na ok lang ako. Tara na kaya? Pede na daw pumasok e" yakag ko rito.
"Teka bibili lang akong tubig natin" sagot nito bago tumalikod sakin at pumunta sa tindero ng siomai.

"Kuyang pogi may tubig ka? Pabili naman akong dalawa oh"
"Meron teka... Heto oh, eto candy para kahit papaano tumamis ang ngiti niyo, lalo na ng kasama mo parang hindi ga grafuate with honors e" naningkit ang mata ko sa tindero.
"Oo nga kuya e, daig pa binagsakan ng langit at lupa" gatong pa rito ni Tyla.
"Ay siya kuya, salamat dito ha. Una na ako" paalam dito ni Tyla, buti naman, akala ko e aabuyin pa hanggang mamaya ang pakikipag usap niya don.

"Tubig bes oh, atsaka candy. Para kahit papaano e ngumiti ngiti ka rin" wika nito habang inaabot sakin ang pinamili.

Tinanggap ko ang inabot niya atsaka naunang maglakad papasok ng school. Ngunit bago pa man ako makapasok ay tinapunan ko muna SIYA ng tingin at nagulat ako ng ngumiti ito sakin, ngiting naging simula ng pagbabago sa walang direksyon kong buhay.

Love In The Wrong PathWhere stories live. Discover now