Chapter 21

0 0 0
                                    

LITWP  21

Halos dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Ryke. Hindi ko alam kung bakit hindi siya pumupunta ng mall.

"Bes yung totoo, sino bang inaabangan mo jan?" napansin na marahil nito ang kanina ko pang pag silip sa entrance.

Umiling lamang ako atsaka nagpatas nalang ng kape.

"Miss mo na no? Halata naman e, sa araw araw na walang dumadaan dito na bumabati ng good morning lagi kang naka abang jan" ganoon na ba ako kahalata?
"Ano ka ba, hindi naman kaya" pagtanggi ko rito.
"Paano pala bes kung may jowa na yon sa Manila? What if nagbakasyon lang siya rito? Nakakapagtaka naman kasi bes ha, wag kang magagalit bes, alam mo ako di kita pinaplastic pero what if lang naman"
"Per-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko
"Good morning" napatitig ako sa kaniya, damn! i miss that face.
"Teka wait!" sigaw ko rito ng akmang aalis na.
"Yes? My time is running Miss" tangina! Gusto ko siyang yakapin.
"Miss if you dont mind, pumunta ka nalang sa office kapag breaktime mo, may importante akong meeting ngayong umaga so if you excuse me" tumalikod na ito sakin.

"Bes malay mo nagmamadali lang talaga siya, puntahan mo nalang mamaya tutal siya naman nagsabi na puntahan siya mamaya sa breaktime natin" pag aalo ng kaibigan ko.

Hindi ko alam pero unti unting may nabubuong galit sa sistema ko. Ganon? Ganon nalang kadali sa kanya na talikuran ako? Baka gumaganti talaga siya sakin. Pero wala siyang alam sa pinag daanan ko, wala siyang ideya.
Lumipas ang mga oras ay wala ako sa sarili ko, namalayan ko nalang ng tawagin ako ni Tyla.

"Ano bes? Pupuntahan mo ba?" napaisip ako, pupuntahan ko nga ba?
Napatitig lang ako sa kaniya, nagtatalo pa din ang aking isip.
"Mag lunch na muna ako, sige na puntahan mo na" no choice ako ng iwan niya ako mag isa don.

Nakita ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa elevator at maya maya pa ay nasa harap na ako ng pinto ng opisina ni Ryke. Huminga muna ako ng malalim bago napag pasyahan ko ng kumatok.

Nakakatatlong katok palang ako ng marinig ko ang kaniyang boses mula sa loob.

"Pasok, bukas yan" dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Tumambad sa akin ang napaka gandang interior design ng kaniyang opisina.

"Maupo ka" napapitlag ako ng muli siyang magsalita at lalo akong kinabahan ng makita siyang tumayo at naglakad papunta sakin. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko lalo na ng iilang metro nalang ang layo niya sakin.

"Hinga Jacindrea, hindi ako nangangain ng tao" hindi ko namalayan na pinipigilan ko na pala ang aking paghinga. Inakay ako nito sa kaniyang sofa dito sa kaniyang opisina.

"Ano pala ang sasabihin mo?" sabay abot nito sakin ng tubig na agad ko namang tinggap at ininom.

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa, bakit ka nawala nb ilang araw? Nagparamdam ka tapos mawawala ka tapos ngayon heto ka na naman? Ano ba talaga ang gusto mo?" hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong sa kaniya ang bagay na yon, at mas lalo lamang nabuhay ang galit sa loob ko ng ngumiti ito ng nakakaloko sakin.
"Bakit hinanap mo ba ako?" sagot nito habang nasa mukha pa din ang nakakaloko niyang ngisi.

Love In The Wrong PathWhere stories live. Discover now