WAKE UP
BUSY SCHEDULE AHEAD
4:30 AM.Damn it.
My alarm woke me up at 4:30 am, well, I guess you could say that I'm used to it na.
Chineck ko ang schedule ko ngayong araw para malaman kung anong gagawin ko ngayon.
SCHEDULE
-Thesis Defence for Science
-Treston Study Program hosted by school organisationShit, dami ko pala gagawin ngayon, oh well. Naligo na ako at kumain na muna bago ako gumawa ng ibang kailangan pang gawin.
After I took a shower, I memorised my lines for my thesis defence later for at least 30 minutes. I worked hard for this thesis because it is half of my grade. Eh, I think I could pull this one off, after all, I am the consistent valedictorian, right?
5:30 am na at kailangan ko na umalis sa bahay dahil baka maabutan pa ako ng traffic, when all of the sudden,
“Kuya!! Ihahatid mo daw kami sa school!” Sigaw ng kambal.
Ugh, hihintayin ko pa tong dalawang ‘to na matapos kumain. Buti na lang malapit yung school nila sa university ko, grade school pa lang sila Jacob at si Jason kaya hindi ko pa sila kasama sa university.
Finally, after almost 10 minutes of eating they are finally done. Pumasok na kami sa kotse ko and umalis na sa bahay, I started to get worried about the time and of course, the traffic.
“Shit ang traffic!” Sabi ko, nakalimutan ko nga pala may mga bata, gago mo talaga Kierre.
“Luhhh, you said the S word kuya, I will sumbong you to mom later hehehe.” Sabi ni Jacob, hays, sanay kasi ako na ako lang nakasakay sa kotse ko at sanay rin ako magsalita sa sarili ko, hindi ko namalayan na may mga bata pala nakikisakay ngayong araw.
“Shut up conyo boy, besides, if sinabi mo yun kay mom, I will tell her din that you have a girlfriend sa video games mo, hahaha!” Bawi ko sa kanya. Alam niyo, super fucked up na talaga ‘tong generation na ‘to. Don't get me wrong, matured thinking na sila ngayon, but having a girlfriend in your games? That is so weird! Malapit na lang sisirain ko na mga iPads nila sa kaka-girlfriend nila online, they don't even know the person.
“Pero kuya Kei, its love po.” Pag-singit sa conversation si Jason.
“Do you even know what love feels like? Ang bata bata niyo pa tapos ang focus niyo ay makipag-usap sa girlfriends ninyo online, you don't even know the person!” I said.
“Ikaw kuya, na-inlove ka na ba po?” Tanong sa akin ni Jason.
Ugh kahapon pa nasa isip ko itong “love”, kailan nga ba ako magmamahal ng isang tao? Well, I focus on my studies more of course para matulungan ko ang family ko, i've never put any kind of relationships first before my family and my studies, pero ‘bat napapaisip ako what and how does it feel like?
“Alam niyo, mamaya na natin pag-usapan ‘tong “love”, tanong niyo na lang mamaya sa kuya Kairo niyo, daming jowa noon eh. Oh, we are here na, study well ha.” I said while they were about to leave the car.
“Opo kuya Kei, bye po!” Sabi nilang dalawa at tumakbo na sa kanilang mga kaibigan doon na naghihintay.
Hays, finally, no one is bothering me in the car. Silence talaga ang gusto ‘kong marinig most of the time kapag marami akong gagawin sa isang araw, it makes me feel calm and relaxed.
Nakapag-park na ako ng sasakyan ko, and while I was walking papuntang entrance sa school ay nag-soscroll lang ako sa socials ko to see what I am missing out on, until sa may nabangga akong tao!
YOU ARE READING
My MVP
RomanceKierre Mogan Lopez, a simple boy who focuses more on his goals. When all of the sudden, Yves Saviel Montero approaches I'm his life, changing it all of the sudden. DISCLAIMER: The story includes inappropriate words. The story is FICTIONAL.