The Meeting

34 2 0
                                    


Nakatingin ngayon si Yves sa folder na nasa mesa niya. Ika apat niyang project to at wala pang kalahating taon.

"Yves, pagkatapos mo niyan magpahinga ka na. Hindi ka na bibigyan ni Big Boss ng project." Boses yun ni Rei. Siya ang naglagay ng folder sa mesa ni Yves.

"Kaya ko pa kumuha ng project." Wala sa loob na sagot ni Yves.

"Magpapakamatay ka ba? Parang kulang pa sayo yung threat sa trabaho mo." Binuksan ni Yves ang folder.

"Hindi pa ako pwedeng mamatay Rei." Sinimulan niya basahin ang profile ng Project niya.

"Alis na muna ako Yves." Tumango si Yves ng hindi tumitingin kay Rei.

Russel Del Valle

23 years old

Med Student

Son of Congressman Romualdo Dell Valle

Enrolled to the Angel Project because his Father started receiving death threaths. Which is common to Politicians that's actually doing their job.

Important information about your project;

* Rebellious

* War freak

* Boss everyone around

* Listens to no one

* Always trying to run away

Kung may isang bagay na pinaka ayaw ni Yves yun ay ang mayayabang na tao.

Kinuha niya ang folder at nilagay yun sa backpack niya. Nilagay niya din ang baril niya sa likod ng pantalon na suot niya.

Kung panlabas na anyo ang titingnan ay hindi mahahalata na delikado si Yves dahil napaka amo ng mukha nito.

Sa organisasyon na kinalakihan ni Yves ay hinihiwalay sila sa dalwang grupo. Pinipili ang mga lalaking maamo ang mukha at hindi nakakatakot ang awra. Sila ang nilagay sa grupo ng Angels.

Dahil sa ganda nila kaya sila tinawag na Angels. Trabaho ng Angels na protektahan ang projects nila kahit maging buhay nila ang kapalit. Pero hindi sila pwedeng maliitin dahil lang sa hinhin ng kilos o ganda ng mukha nila. Bawat Angels ay sinanay sa pakikipaglaban mula ng mga bata pa lang sila. Bihasa sila sa paggamit ng lahat ng uri ng armas, pati lahat ng uri martial arts ay alam hasa sila.

Ang mga hindi napili sa Angels ay nilagay sa kabilang grupo na tinatawag na Hunters. Ang Hunters naman ang mag i imbestiga kung saan nangagaling ang banta sa buhay ng mga projects. Sila ang magpapakulong sa threat o kapag nanlaban ay pwede nila itong patayin.

Lumabas si Yves ng head quarters dahil kakausapin siya ng Congressman na humingi ng tulong sa organisasyon nila. Sumakay siya ng motorsiklo niya at umalis.

Nakarating siya sa bahay ng Congressman at pinapasok naman siya agad ng mg body guards.

Sinalubong siya ng katulong at inihatid sa isang kwarto, mukhang opisina ito.

"Ikaw ba si Yves." Tanong ng nakatatanda. Tumango naman si Yves at binigay sa matandang lalaki ang papel galing sa organisasyon.

"Salamat at pinagbigyan nyo ako." Tumango lang si Yves.

"Pwede po ba akong magtanong?" Tumango naman ang Congressman.

"Bakit hindi para sa inyo ang proteksyon na kinuha nyo?" Ngumiti ang matanda.

"Hindi ako natatakot na mamatay, kung oras ko na ay oras ko na. Pero ang anak ko, bata pa siya ay marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. Bukod doon, siya na lang ang pamilya ko. Mumultuhin ako ng asawa ko kapag may nangyari kay Russel." Tumango si Yves, tumingin siya sa tsaa na nasa tabi ng matanda kalalapag lang nito doon. May iba siyang naamoy sa tsaa sa harap niya.

"Sir, wag nyo po inumin ang tsaa. May lason yan" Nagulat naman siya dahil malapit na yun sa bibig niya. Kinuha ni Yves ang tasa ng tsaa at binuhos yun sa halaman na nasa loob ng opisina.

"May nainom po ba kayo?" Umiling naman ang matanda.

"Mabuti naman po kung ganun."

Ngumiti ang matanda. Nilabas niya ang pakete sa loob ng palad niya.

"Sinubok lang kita, tama nga sila magagaling kayo. Sigurado ako na magiging ligtas ang anak ko sayo."

Inabot niya ang kamay niya kaya nakipag kamay si Yves.

"Siya nga pala, dahil maypagka rebelde ang anak ko, kakailanganin mo na dito matulog para mas mabantayan mo siya." Tumango si Yves. Malaki ang tiwala niya sa mga Hunters nila, kailangan lang niya siguraduhin na mananatiling buhay ang lalaki hanggang sa malaman kung kanino nangagagling ang mga banta sa buhay ng Congressman.

"Makaka asa po kayong babantayan ko ng maigi ang anak ninyo. Aalis na po ako para kumuha ng gamit." Papa alis ba si Yves ng bumukas ang pinto ng malakas muntik na siya tamaan mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya naka atras siya.

"Dad bakit naka wheel clamp ang kotse ko?" Pagrereklamo ng bagong dating. Napatingin si Yves sa lalaki, mataas ito sa kanya at malaki ang katawan.

"Mula ngayon ay hindi ka na nagmamaneho mag isa. This is Yves he will be the one to drive you to and from the University." Sagot ng Congressman.

Dun tumingin sa kanya ang lalaki, tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"You're new secretary?" Sabay tawa.

"Hindi ko siya secretary, siya ang magbabantay sayo. Alam mo naman ang tungkol sa mga death threats anak." Umiling ang lalaki.

"Are you serious Dad. I mean look at him. Do you really think na kaya niya akong bantayan, baka nga siya pa bantayan ko." Nagsorry ang Congressman kay Yves at tumango ang binata.

"Sir babalik po ako mamaya. Nice meeting you Russel." Hindi na nag hintay si Yves sa sagot ng binata lumabas na siya sa opisina at umalis sa bahay ng Congressman.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Angel Project (Russel & Yves) Where stories live. Discover now