62

17 1 0
                                    


-

Itinali ko ang garbage bag at inilagay sa gilid, bumalik ako kung saan naglilinis sila Ate Fin.

Muka naman silang matino at hindi lasing. Ang kaninang halos nineteen na tao ay nauwi sa pitong tao nalang.

Brix want to help us earlier pero tipsy na siya kaya pinatulog ko na, si Ky at Pene naman ay gano'n din. Sila Tj, Thayler at Thym ay nakatungo na sa table kaya inakyat na rin namin. Si Ate Vhia ay nakipagpaligsahan kay Xander ng inuman kaya ang ending ay pareho silang bagsak.

Si Alias, Hunter at Faris naman ay nalasing din which is very odd, alam kong mataas ang alcohol tolerance nila kaya nagtataka ako. Napatingin ako sa mga bote ng alak na nakatabi. Napangiwi ako sa dami no'n.

Sabagay, maraming alak silang nilatag.

Saad ko sa isip ko.

Si Trev naman ay nalasing din, dinala ko siya sa kwarto namin at panandaliang nag stay lang roon bago muling bumaba.

"Hey! Move your ass," nagulat ako sa sigaw ni Pia.

"Natapon ko na yung basura, do you want to be next?" I smirked and she rolled her eyes.

"Ay gano'n? Sige, dalhin mo lahat 'to." Itinuro ni Ate Fin ang mga table kaya natawa ako.

Mabigat 'yon eh.

Biglang sumagi sa isip ko ang pakiramdam ko kanina kaya natahimik ako at nabura ang ngiti sa labi ko.

Kanina kasi ay parang hindi ako mapakali at parang may nakatingin ng masama saakin pero isinawalang bahala ko nalang iyon.

"Oh? Bakit natahimik ka?" Umakbay si Sy sa'kin, tumingin ako sakanya at umangat ang kilay niya.

Naalala ko bigla ang case na hawak nilang dalawa ni Klay. I crossed my arms above my chest and looked away.

Tangina, bakit parang iba ang pakiramdam ko?

"Naalala ko bigla yung case niyo," pag-amin ko kaya napatingin ang Ilan saakin.

"Nasa isip mo pa rin 'yan?" Saad ni Klay at inilagay ang walis sa gilid.

"Hindi naman, bigla lang pumasok sa isip ko." Saad ko.

"Ilang years niyo nang hawak 'to?" Tanong ko sakanila.

Humiwalay saakin si Sy at kumuha ng isang upuan bago ito iikot at ituon ang mga braso sa sandalan habang nakatingin sa'kin.

"Nahawakan namin ang kaso nine years ago, pero ang kasong 'to ay mag tatatlong dekada na." Natigilan ako.

"Tatlong dekada?" Gulat kong tanong.

Nanlaki rin ang mata nila Tasia at ni Ate Fin, pumunta sila sa pwesto ko.

"Oo, nabuhay lang ulit 'to nung hinawakan namin." Saad ni Klay.

"Dati ay child abuse lang ang nakasampang kaso dito, ngayon ay sobrang dami na. May murder, rape, and others." Dagdag ni Sy.

Binasa ko ang labi ko at tumitig sa lupa.

Bakit parang may something dito?

"Yung tatlong babae, tama?" Tanong ko na tinanguan nila.

"Sa tingin niyo ilang taon sila?" Inangat ko ang tingin ko at tumingin kay Klay.

"Late twenties to early thirties,"

Kumunot ang noo ko.

"Tatlong dekada tapos late twenties at early thirties?" Mukang natigilan silang dalawa dahil sa sinabi ko.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now