Episode 3

29 1 1
                                    

Author's Note:

Hello, mga taga-Barangay GG!

Bago tayo dumako sa Episode 3, gusto naming i-announce na mula ngayon Red Pol na ang pangalan ng channel na dating Pedro Pekyan.

Gusto rin naming ipaalam sa inyo na maliban sa pagbabasa sa Wattpad at panunuod sa YouTube, pwede n'yo na rin kaming suportahan sa Ko-fi: www.ko-fi.com/redpol

Minimum donation is $1. Anumang donation n'yo ay makakatulong sa'min sa patuloy na paggawa at pag-improve ng content. Maraming maraming salamat po!

Kung may mga katanungan kayo tungkol sa Ko-fi, pwede kayong magpunta sa Author's Note sa baba ng istorya.

Maraming maraming salamat po!

***

"Ano, parang... professional 'to," nagkamot ng ulo si Mang Upo, habang nakatitig sa mukhang propesyunal na 6-wheeler truck na may nakalagay na "B.S. Moving Co."

"Mang Upo, syempre mukhang professional. Modus nga, e."

"Pero, baka mamaya hindi ito 'yung modus. Sigurado ka ba?"

Pumalatak si Ano. "Oo nga! 'Yan 'yung logo ng truck na pinanghakot ng gamit n'yo kanina."

Hindi pa rin kumportable si Mang Upo. "Ano, tingnan mo 'tong plate number. 'Yan ba 'yung kanina?"

"Oo nga! Paulit-ulit tayo! 'Yan nga 'yun!" bwisit na nagkamot ng ulo si Ano.

"Gusto ko lang kasing makasiguro na ito nga 'yung truck."

"Mang Upo, 'yan talaga 'yun! Ayun 'yung mga kumag, o!" inginuso ni Ano ang karinderya na puno ng tao sa tapat.

"'Yung mga magnanakaw?"

"Oo."

Inilagay ni Mang Upo ang kamay sa baba at tumingin kay Ano. "Ano na gagawin natin?"

"Edi kukunin 'yung truck na 'to." Bahagyang itinulak ni Ano sa harap ng pinto ng driver's seat si Mang Upo.

"O, sige," sinubukang buksan ni Mang Upo ang pinto ng driver. Hindi ito bumukas. "Ay, naka-lock!"

Pumalatak si Ano; kumuha ng bato; at, binasag ang salamin sabay bukas ng pinto. Sumampa ito sa manibela; may mga kinalkal; at, walang isang minuto umandar na ang makina. Napanganga na lang si Mang Upo sa bilis ng kilos nito.

Tumalon si Ano pababa mula sa driver's seat. "Kunin ko lang 'yung isang daan ko. Sumakay na kayo."

Sumakay sa truck si Mang Upo. Nangalumbaba siya sa bintana at pinanuod kung paanong tinadyakan ni Ano ang upuan ng isa sa mga kumakain. Kitang-kita ni Mang Upo kung paanong nalaglag ang mama sa silya at kung paanong kinuha ni Ano ang wallet nito sa bulsa bago kumaripas ng takbo pabalik sa truck.

Hinabol si Ano ng mama at halos mahablot na ito nang makasakay sa passenger seat. Pagkasara ni Ano ng pinto, kinabog-kabog ng mama ito.

"Mang Upo! Bilis!"

Pinagpawisan bigla si Mang Upo. "Hindi ako marunong mag-drive!"

Pumalatak si Ano at inayos ang kambyo. "Apakan n'yo 'yung gas."

"Alin dito 'yung gas?" hindi na makapag-isip nang diretso si Mang Upo dahil sa kakakabog at makukulay na salita ng 'kumag' sa labas.

"Dalawa lang naman 'yung pedal. Testingin n'yo na lang kung ano aandar!"

Isa lang sa pedal ang tinesting ni Mang Upo, lumipad na ang truck. Natawa nang parang tanga si Mang Upo. For the first time, nakaramdam siya ng freedom.

Hindi pa sila nakakalayo, ibinalibag na ni Ano ang wallet ng 'kumag' palabas ng bintana. Tapos, inilabas nito ang ulo at sumigaw. "Kinuha ko lang 'yung isang daan ko. Sa susunod, tumupad ka sa usapan!"

Mang Upo: Tay, Parang Empty (w/ YT Podcast!)Where stories live. Discover now