CHAPTER XXII

0 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XXII


Nakatutok si Ligaya ngayon sa cellphone niya. Putok na putok na ang issue tungkol sa drug use ni Liam. Kumalat kaagad ang balita ng pagkahuli nito at umugong sa kahit saang lugar ang kadumihan ng pamilya nila dahil sa paggamit nito.

"My brother would never do that! In the first place, it was clear that it's an ambush, a setup for him! F-in-rame up lang ang Kuya ko!"

Mapait ang ngiti ni Ligaya nang marinig niya ang boses ni Chloe.

Tama 'yan, magdusa kayo.

"Anak, halika na, lumalamig na ang pagkain..." tawag sa kaniya ng ama. Tumayo naman si Ligaya at lumapit sa dalawa niyang pamilya. Nginitian niya ang mga ito, ngunit ang mga ngiti ni Ligaya ay hindi na gano'n ka-puro tulad ng dati. "Ano ba'ng ginagawa mo roon at ang tagal mong pumarito? Halika na't kumain na..."

Umupo si Ligaya sa tabi ni Sinta, kumain siya kasabay nila.

"Masaya ho ba kayo rito?" Binasag ni Ligaya ang katahimikan. Tinanong niya ang kaniyang ama. "Hindi po ba kayo nahihirapan na, o ayaw niyo ho bang umuwi muna tayo sa probinsya?"

"Ikaw naman 'nak oh. Alam mo naman na sa probinsya natin ay mahihirapan tayong makaahon doon. Mabuti na rito at may trabaho ako, may makikita ako, at nakakapag-aral ka... Saka, nandito ang alaala ng Mama mo, 'nak."

Tumango si Ligaya. Tama nga naman ang kaniyang ama. Nandito ang alaala ng kaniyang ina at dito na rin sila nasanay sa pamumuhay.

"Ba't mo nga pala natanong anak?"

"Oo nga ate... Ayaw mo na ba rito?"

Nginitian ni Ligaya si Sinta, "Hindi naman sa gano'n, Sinta... Sumagi lang sa isip ko... pero tama ang Papa, nandito ang alaala ng Mama at dito na rin tayo nasanay..."

"Huwag mo na ulit isiping tumigil ng pag-aaral ha?" Bahagya niyang nginitian ang ama. "Malaki na ang kinikita ko sa pagkakarga, at nakakabenta na rin ako sa mga gulay natin dito. Sa susunod, kapag sapat na ang ipon ko, ay damit naman ang mga ititinda natin... Dahan-dahan lang anak, hanggang sa maitaguyod natin 'to..."

Tumango si Ligaya. Sinasang-ayunan niya ang kaniyang ama.

"Pa, pupunta nga po pala ako sa kanila Nathaniel..." pagpapaalam niya sa ama. "Aalis na po kasi siya, ililipat na siya ng mga magulang niya ng school at gusto niya po akong imbitahan sa kanila. Last bonding ho."

"Sino ba'ng mga kasama niyo?"

"Kami lang ho..."

Seryoso namang nag-angat si Manuel ng tingin kay Ligaya. Nilunok niya muna ang nginunguya niyang kanin. "Anak, alam kong kaibigan mo si Tani... pero, hindi naman siguro tama na kayong dalawa lang ang nandoon. Sabihin na nating beki siya, pero lalake pa rin 'yon... Gusto ko lang na, nag-iingat ka anak ha... Wala akong masamang intensyon sa pagsasabi nito sa'yo... May tiwala ako sa'yo pero, wala akong tiwala sa tukso na maaaring sakyan ng isa sa inyo..." dineretso na kaagad ni Manuel ang punto niya.

"Naiintindihan ko po, Pa..."

Napansin naman ni Manuel ang pagbaba ng mukha ni Ligaya. Humugot siya ng malalim na hinga. "Kailan ba 'yan?"

"Sa susunod na linggo ho..." Maayos niyang sagot sa ama at muling nagsandok sa kaniyang plato ng ulam nilang sinabawang malunggayvat alugbati.

Pinag-isipan ni Manuel kung papayagan ba niya ang anak. "Ligaya, may tiwala ako sa'yo ha... at huwag mong sisirain 'yon..."

Lumiwanag ang mukha ni Ligaya dahil alam niyang iyon ang hudyat ng pagpayag ng kaniyang ama. "Salamat po, Pa!"

"Oh siya, kumain ka na ng maayos diyan..."

"Opo..."

"Siya nga pala anak, saan ka galing kagabi?" baling ng kaniyang ama. Umayos naman ng upo si Ligaya dahil sa tanong nito. "Ang tagal mong nauwi ha. Saka sabi ni Ate Claude mo, nanghiram ka raw ng jacket at cap sa kaniya at binigyan ka naman niya, hindi ka naka-cap kagabi no'ng umuwi ka."

Napalunok si Ligaya. Ayaw niyang magsinungaling sa ama, pero hindi niya na gustong madamay pa ito kung malaman niya ang katotohanan. Nakatitiyak si Ligaya na higit pa sa ginawa niya ang magagawa ng kaniyang ama at hindi niya hahayaang mangyari 'yon. Buhay niya lang ang nasira at hindi ang buhay ng kaniyang ama.

"Ah, kasi po nilagay ko sa bag. Hindi pa naman po ako nakakapaglaba kaya hindi niyo po nakita sa mga sinampay." Rason niya na siya namang pinaniwalaan ng ama.

"Sa susunod, huwag ka ng magpapagabi ng gano'n ha... Delikado... Alam mo naman na ang panahon ngayon. Mahirap ng magtiwala sa kahit na sino. Kahit nga siguro sobrang ka-close mo, pagtataksilan ka..."

Napalunok si Ligaya, ang mga salitang iyon ng kaniyang ama ay nagbibigay sa kaniya ng pangamba. Sobrang laki ng tiwala ni Manuel sa kaniya, pero paano na lang kung malaman nito ang nangyari sa kaniya?

Para namang may bumara sa lalamunan ni Ligaya nang banggitin ni Manuel ang balita tungkol sa kaklase niya. "May binatilyo pang binalita na hinuli dahil user pala ng druga, sobrang delikado na talaga ng panahon ngayon."

Tiningnan na lamang ni Ligaya ang kaniyang inosenteng kapatid na si Sinta na nakatuon lamang sa pagkain.

Nasa cafeteria sila Nathaniel at Ligaya ngayon. Nag-aya si Nathaniel na kumain sila dahil nagugutom ito at siya na rin ang nag-alok ng libre kay Ligaya.

"Alam mo," lumapit si Nathaniel kay Ligaya para hindi marinig ng mga tao ang usapan nila, halos pabulong din ang kaniyang tono, "I'm never shocked na user 'tong si Liam. Tingnan mo pa lang siya sa mata niya, halata ng sabog lagi. Iba na talaga mga adik ngayon, kung wala sa kanto, nasa paaralan naman."

Hindi na lamang umimik pa si Ligaya. Ayaw na niyang gatungan pa ito at baka magamit pa iyon bilang bala ng paghihinala. Kaibigan niya si Nathaniel, pero natuto na rin siya kung sino ba dapat ang pagkatiwalaan, at kung ano ba ang dapat at 'di dapat sabihin.

"Sino kayang nakaisip na banggain siya? The man must've a lot of guts. I just hope they never find him. Kasi kapag nagkataon, baka maging impyerno pa ang buhay niya."

Napainom na lang si Ligaya ng tubig na binili ni Nathaniel para sa kaniya. Kasabay nito ay ang kaniyang paglunok. Hindi siya dapat kabahan, ngayon pa ba?

"Teka nga, kanina pa 'ko salita ng salita rito ah. Ang tahimik mo..." pansin ni Nathaniel. "Ayos ka lang ba?"

"Oo naman. Okay lang ako... M-may iniisip lang..."

Hindi na lamang iyon in-usisa pa ni Nathaniel. "Saan ka nga pala nagpunta no'ng nakaraang araw? Hinanap ka pa naman ni Prof Aruella. Hindi ka kasi pumasok no'n..." kuwento nito.

Iyon ang araw kung kailan siya pinagtulungan ng grupo ni Chloe at Liam. Mabuti na lang at ang mga gasgas niya ay natatakpan ng mga jacket na suot niya. Natuto rin niyang makeup-an ang natamo niyang pasa sa gilid ng kaniyang labi kaya hindi ito gano'n kahalata.

"May emergency lang..."

"Sa bahay? Okay lang ba si Sinta?"

"Okay naman siya. Wala namang nangyaring problema sa kaniya awa ng Diyos..."

"Mabuti naman." Napahawak pa si Nathaniel sa kaniyang dibdib nang sabihin niya iyon. Hindi mabuti ang pakiramdam ni Ligaya, bigla siyang nakakaramdam ng pagkahilo, hanggang sa bigla siyang naduduwal.

"Hoy okay ka lang?" Concerned na tanong ni Nathan.

"H-ha...? O-oo, s-sumakit lang 'yong ulo ko s-saka... S-saka ano..."

Hindi mahagilap ni Ligaya ang tamang sasabihin pero bigla siyang nahilo, para ring minamartilyo ang ulo niya.

"Ligaya... Ligaya hoy... Ligs ano ba... Ligaya!"

Alam niya ay nagsasalita si Nathan pero ugong lamang ang naririnig niya hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paningin niya at bumagsak siya.

FRAGMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon