May kumatok sa pintuan ko kaya tumayo agad ako para pagbuksan at umaasa na si Julie ang makikita ko para bawiin ang mga sinabi niya pero iba ang nakita ko sa likod ng mga pintuan.
Parehas kami nagulat pero siya ang unang nakabawi sa pagkagulat.
"Are you ready for your second task?" masigla niyang sambit.
"Dia please, not now" pakiusap ko sa kaniya. Hindi ko kayang gumawa ng kahit na anong bagay ngayon dahil sa biglaan na pakikipag hiwalay ni Juls sa akin.
"Are you okay? I saw Julie crying"
"She b-broke up with me" at naglandas ulit ang mga luha sa pisngi ko.
"Oh... sorry, but it's fine I'm here now" sabi niya at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng kwarto ko.
Kaya wala akong nagawa kung 'di isarado ang pinto. Naiinis din ako kasi parang ang insensitive niya sa nangyayari sa akin, wala ba siyang pakialam sa nararamdaman ko?
Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama ko habang naka crossed legs at mataman nakatingin sa akin.
"Cheer up, Vaughn" walang emosyon niyang sabi, parang wala lang talaga sa kaniya.
Sa bagay maayos at maganda kasi ang relationship niya ngayon kaya ganiyan siya, sana all.
Hindi ko pinansin at pumunta nalang sa banyo para magkulong at doon magmukmok.
Naghilamos ako at tumingin sa salamin.
Sabi niya mahal niya ako pero iniwan niya ako, bulong ko sa sarili.
Ano pagkakamali ko?
Kung ang iniisip niya ay may nangyari sa amin ni Dia, sinabi ko naman na sa kaniya na wala.
Lumipas lang ang buong gabi, ganito na agad ang nangyari.
Napatigil ako sa pagtatanong sa sarili ko ng may narinig akong katok mula sa labas ng pintuan ng banyo.
"Vaughn?" rinig kong tawag niya pero hindi ako umimik.
Kumatok muli siya at sinubukan buksan ang pintuan pero nakalock ito.
"Vaughn, open the door!" sigaw niya sa labas. Kinalabog niya muli yung pintuan.
Napabuntong hininga nalang ako at tinungo ang pintuan para buksan ito.
Nadatnan ko ang mukha niyang nakasalubong ang mga kilay at galit na nakatingin ito sa akin pero hindi ako nagpatinag dahil naiinis na ako sa kaniya.
"Ano ba?!" singhal ko sa kaniya.
"Are you shouting at me?" tinaas nito ang isang kilay at nakapamewang.
Ano ba kasi gusto niya? Yung second task ba tinutukoy niya? Pwes ayaw ko gawin yun... ngayon.
"H-hindi, ano ba kasi gusto mo?" malumanay na tanong ko at napakamot sa batok.
"I told you have a task that you need to do right?" mataray na sagot nito.
"Pwede wag muna ngayon?"
"No."
"Dia please not now, I'm broken hearted hindi mo ba nakikita?"
"I don't care, besides it's her lost" at tumalikod na ito sa akin pero nakita ko ang kakaibang ngiti sa mukha niya.
"Go take a shower, I'll be waiting at sala" sabi pa niya bago isarado ang pintuan.
Anong nakain ng babaeng 'yun at napakakulit ngayon. Hindi ko akalain na may kakulitan pala ang masungit, maldita, cold, mataray pero maganda at sexy... teka ba't ko ba siya kinompliment. Basta yun.
Kumilos nalang ako baka bumalik 'yun dito at kukulitin pa ko lalo pero teka naka oversized shirt lang siya, hindi ba siya maliligo o mag-aayos man lang? Bahala na nga siya diyan.
Pagkatapos ko ay bumaba na ko at nakita ko siya sa sala na nakaupo lang habang nagcecellphone.
"Hindi ka ba magpapalit ng damit?" pag-agaw ko ng atensyon niya.
Umiling lang siya at tumayo, "You done?" na ikinatango ko lang.
"Let's go" nakangiting sabi niya at kumapit sa braso ko.
"Teka yung damit mo"
"Naka-car naman tayo so don't worry" at ngumiti ulit sa akin.
Pagkapasok namin sa kotse niya, nasa driver seat ako at siya nasa passenger seat kasi sabi niya from now on, passenger princess na raw siya.
"I'm just gonna take a shower real quick so stay here and wait for me, okay?" malambing na tanong niya at pinisil pa ang pisngi ko.
Tumango nalang ako pagkatapos niya umakyat ay umupo nalang ako sa living room nila at iginila ulit ang mata, grabe laki talaga ng bahay nila.
Pagkalipas ng isang oras ay sa wakas tapos na rin siya.
"Let's go?"
"Saan naman tayo?" takang tanong ko.
"We'll having a date!" excited na saad niya na kinagulat ko naman.
"H-huh?"
"I said you will date me but it's my treat" sabi pa niya na may malaking ngiti sa labi.
"Teka wala naman tayo pinag-usapan na magdadate tayo at ang sabi mo may ipapagawa ka sa akin."
"Yeah, and the task you will need to do is to date me."
"Eh saan naman kita idadate?"
"Anywhere."
Napakamot naman ako sa ulo dahil bigla akong nastress sa biglaang date na yan.
"Oh, hi sweetie" napatingin naman kami sa di katandaang magandang babae na pababa ng hagdan.
"Hi mom!" at humalik ito sa pisnge.
"Good morning po, Mrs. Guevarra" bati ko sa ina niya.
"May pupuntahan kayo?" tanong ng mama niya.
"Yes mommy we will having a date!" masayang sagot niya.
"This early?" tanong pa ulit ng mama niya, oo nga naman mag-aalas diyes palang ng umaga at nag aya agad siya magdate kami.
"Yes mommy, and by the way mom, she's courting me" nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya at pinanlakihan ko siya ng mata pero ang siste ngumiti lang.
"Oh..." yun lang narinig namin na sagot sa nanay niya mukhang pati siya nagulat.
"We need to go, bye mom!" at humalik sa tulalang nanay niya.
Hinila naman niya ako palabas ng bahay niya at sumakay na kami sa koste niya.
"What was that?!" naguguluhang tanong ko.
"What?" inosenteng tanong niya habang inaayos ang seatbelt.
"Anong sinasabi mong nililigawan kita? Una date tapos ngayon courting?" gulong-gulo na ko at gulat na gulat pa sa nangyayari ngayong umaga. Nakakaloka ka beh!
"Yeah? You will date me because you courting me, isn't that what a suitor does?"
"Kailan pa ko naging manliligaw mo, aber?"
"Now, that's your Second Task... Court me."
"Let's go na."
Tangina hindi ako nainform na nililigawan ko na pala siya. Oo gusto ko siya pero bruh wala pa kong balak manligaw sa kaniya lalo na't may nobyo siya... teka oo nga may nobyo siya.
Tatanungin ko sana siya kaso nakapikit parehas ang mata niya at komportable na nakaupo sa passenger seat, mukha umidlip siya hays mamaya na ko na nga lang siya tanungin.
— souljajoy —
Short update lang muna, I'm so busy talaga sorry. Balak ko talaga tapusin siya ngayong July pero naging busy ako kaya new plan August sana matapos ko na siya because i'm cooking something. Hanggang Chapter 30 lang ito kaya unting kembot nalang. Yun lang thank you :>
YOU ARE READING
Risked it All
RomanceWhat are you willing to do for love? Are you ready to risk? [UNEDITED]