Prologue

15 0 0
                                    


One year in kindergarten
Six years in elementary
Four years in junior high school-another two years in senior high school

Tapos pag dating sa kolehiyo depende na ang tagal sa kurso na gustong kunin ng estudyante.

Noong bata ako ang dami kong gustong maging paglaki ko. Nand'yan yung gusto kong maging doctor para makatulong sa may mga sakit. Gusto ko ring maging pulis para mahuli ko yung mga gumagawa ng masama. Gusto ko ring maging attorney para maipagtanggol ang mga taong naaapi at walang labang ipaglaban ang kanilang hinaing dahil sa justice system na mayroon tayo na kadalasang pabor sa mga mapepera lamang.

At gusto ko ring maging Chef dahil hobby ko ang mag luto. Kapag nagluluto ako kahit malungkot ako gumagaan ang pakiramdam ko. Kapag nagluluto ako ang sarap sa feeling na malamang nagugustohan nila yung niluluto ko.

Pero ang mahal, hindi kaya ng mga magulang ko ang culinary course. Kaya sabi ko sa sarili ko kahit na hindi ito ang kinuha kong kurso, ipinapangako ko sa sarili ko na araw-araw ko pa ring ipagluluto ang mga taong mahal ko.

I'm in my first year in education course, a fresh student taking the path she doesn't want.

Ang hirap talaga kapag hindi kayo financially stable. Kailangan mong maging practical palagi. Gustohin mo mang sundin ang path na gusto ng puso mo, e hindi mo magawa dahil sa kakapusan at kakulangan.

Sa ngayon, paalam muna sa mga pangarap nating hindi natupad. Balang araw makababawi rin tayo at hindi na kailangang isantabi ang gusto ng puso natin dahil may sapat ng pagkukunan ng pangangailangan.

"Kali, tulala ka na naman," hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala at wala sa wisyo dahil sa pag-iisip ng mga bagay na isinantabi ko muna. "Apat na taon lang naman ito, te. Kere natin 'yan." hindi pa rin ako lumilingon kay Letitia na panay ang pag-aalo sa akin.

Letitia Daphne Marquez was my bestfriend since junior high school. Noong senior high school naman nag GAS s'ya dahil hindi raw talaga s'ya sigurado sa kung ano ang kukunin niya sa college. Hindi kami parehas ng strand na kinuha dahil hindi naman daw s'ya mahilig mag luto. Sabi n'ya pa hindi rin daw n'ya gustong mag HUMSS kasi ayaw n'ya ng debates at takot sa public speaking. Well, parehas kami roon. Kaya nga nag TVL ako no'n dahil bukod sa ayaw ko sa public speaking e hobby ko rin talaga ang pagluluto.

Ang gastos kaya maging TVL student. Pero dahil nga gusto kong mas maraming malaman about sa pagluluto pinagbigyan ako ng magulang kong pasukin ang strand na iyon.

Naalala ko pang ginagawa kong part time ang paglalaba ng damit ng iba para lang makaipon at makabili ng mga ingredients na kakailanganin namin.

"Naisip ko lang na sana hindi na lang kami hirap sa pera, na sana kahit hindi man kami mayaman e may sapat pa rin kaming pagkukunan." nakatulala pa ring sabi ko, hindi pa rin nililingon ang kausap.

Narinig ko s'yang bumuntong hiningi at maya maya lang ay naramdaman ko na lang na hinahaplos na n'ya ang kamay ko.

"Akala ko sa cringe relationship lang dapat mag move on, sa mga pangarap na hindi natupad din pala," tuluyan na akong napalingon sa kan'ya na ngayon ay nakangiwi na. "I know it's hard for you na mag take ng path na hindi mo naman gusto. Pero kung iisipin natin nang iisipin hindi tayo makakausad, kali. Lalo ka na." nakatingin lang ako sa kan'ya. Hindi ako sanay ng ganito ang lumalabas sa bibig n'ya. "Kaya let's enjoy this course, okay? Mamamalayan na lang natin tapos na tayo, may degree na tayo. Kaya 'wag ka ng sad d'yan, walang ibang susuyo sa'yo kun'di ako lang. Depende pa kapag wala akong topak."

Sa ganitong pag-uusap namin kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko.

Siguro nga kailangan ko nang umusad at simulan ang pag buo sa panibagong pangarap.

Change of SparkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon