TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXIV
Namamaga na ang mga mata ni Ligaya kaiiyak, pero hindi pa rin naiibsan ang sakit ng kaniyang puso. Para itong paulit-ulit na pinupunit sa kadahilanang pakiramdam niya ay pinamumukha sa kaniya ng tadhana na wala na siyang karapatang maging masaya.
Pakiramdam niya ay siya lang ang may pangalang Ligaya pero ang lungkot naman ng kaniyang buhay.
Namatayan na nga ng ina, may sakit pa ang kaniyang kawawang kapatid. Nahihirapan na ngang magtrabaho ang kaniyang ama, pulutan pa siya ng pambubuska sa paaralan.
Gustong-gusto na ni Ligaya ang magsumbong. Ayaw na niyang magtiis pa pero sa takot niya na baka kumalat ang video niya na hawak pa ni Chloe ay pinagdudusahan niya ang isang bagay na hindi naman niya kasalanan. Ang katotohanan nga ay siya naman ang biktima pero bakit parang siya pa ang nakagawa ng mali, ng masama?
Maingay ang loob ng bar ngayon, marami ang mga nagsasayawan, parang mga taong nakawala sa kahigpitan, mga estudyante kadalasan. Walang bawal, lahat ng gusto mong gawin sa loob, p'wede, basta walang masasaktan.
Nakaupo siya sa isang table at nandoon si Chloe at ang grupo nito. Umiinom si Chloe dahil sa sinapit ng Kuya niya habang si Ariana naman at Ria ay nagpapalit-palit sa iisang yosi.
Tulala lang si Ligaya. Tinitingnan niya ang ginagamit na drugs ngayon ng mga kaklase niya.
"Do it." Walang buhay na sabi ni Chloe. Muli niyang tinungga ang bote ng gin, para bang tubig na lang ito sa kaniya. "I wanna see you, do it."
"Hindi ako adik." Walang emosyong sagot ni Ligaya sa kaniya. Napasinghal naman ang tatlo. Akala niya ay pipilitin siya ng mga ito pero para naman na itong walang pakialam. Siguro dahil na rin sa hinithit ng mga ito.
Nagulat naman si Ligaya nang biglang maghalikan si Ariana at Ria sa harap nila, kaagad niya ring binawi ang ekspresyong iyon. Hindi na rin pala siya dapat magtaka, dahil sa tuwing inuutusan siya ng mga ito, ay laging malagkit ang tingin ng dalawa sa isa't-isa. Kung sana lang ay mabuti silang tao, hindi sila isusumpa ni Ligaya pero mas masahol pa sila sa hayop dahil sa mga maling gawain nila.
"You do know that Liam is out, right?" walang ganang kausap ni Chloe kay Ligaya. "Tss. You better get yourself ready, Ligaya. Gagawa ka na nga lang ng plano, ipapalpak mo pa." Tila umurong ang dila ni Ligaya nang marinig niya ang mga iyon mula kay Chloe. "Sana tinuluyan mo na lang. Kung hindi ka ba naman, tatanga-tanga." Huminga siya na parang bored na bored na sa buhay. "You were caught sa CCTV footage. Pasalamat ka, hindi na pina-submit ni Daddy sa pulisya," kuwento ni Chloe dahilan para manginig si Ligaya. "Matapang ka," komento pa ni Chloe, "pero mali ang mga taong binabangga mo." Tumayo siya para tabihan si Ligaya. "May sakit ang kapatid mo hindi ba? At ang Papa mo... wala siyang stable na trabaho. Kumpara sa'min, alikabok lang kayo." Inakbayan niya si Ligaya at hinalikan pa ang pisngi nito. "Kung sisingilin ni Daddy ang mga buhay ninyo, he can do that in just a snap—"
"Chloe parang awa mo na, huwag mong idadamay ang kapatid at tatay ko..." pagsusumamo ni Ligaya.
"Hah! Are you serious? Bakit naman hindi?" Tumawa ito ng mapang-asar at saka bigla na lamang siyang pumatong sa lap ni Ligaya. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha nito. "Scatterbrained." Inilayo ni Chloe ang kaniyang mukha rito. "Kung sana lang hindi identifiable 'yang sneakers mo, 'yang height mo, may lusot ka sana ngayon. Unfortunately, that place where you brought my brother have hidden cameras installed. Hindi talaga 'yon pumasok sa utak mo, dahil bobo ka naman."
![](https://img.wattpad.com/cover/373306639-288-k933476.jpg)
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...