TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXV
Madalas na naririnig natin ang katagang kailanman ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Na kahit ano ang mangyari, magwawagi pa rin ang katotohanan at kabaitan. Pero lagi nga bang ito ang nananalo, o isa lamang itong huwad na pag-asang kinakapitan nating lahat?
Life is short, make the best out of it. While we're alive, it's necessary that we don't only exist, but we're also living. But what does it mean to live, exactly?
Inalala ni Ligaya ang mga araw kung kailan siya unang pumasok sa Emington University. Masaya siya dati kahit walang lumalapit sa kaniya para makipagkaibigan, sa madaling salita, wala talagang may pakialam sa kaniya.
Hindi niya lubos maisip na pagdidiskitahan siya ng grupo ni Chloe at Liam gayong alam naman niya sa kaniyang sarili na wala siyang maling ginawa. Tila naging kasalanan pa niyang sinaway niya ang mga ito sa kanilang mga hindi magandang gawain.
Malalim na ang gabi, nasa kanlungan si Ligaya ng puno na tambayan ng kanilang pamilya. Nakikipagtuos siya sa kadiliman, mag-isa, napapanglaw, lumuluha. Kahit ang ilaw na binibigay ng buwan ay hindi na siya nakukumbinse pang may liwanag, maging ang mga tala na nagniningning sa kalangitan ay hindi na kumikislap sa kaniyang mga mata.
Siguro ganito na talaga ang buhay, hindi sa araw-araw ay masaya, hindi sa araw-araw ay wala kang problemang dinadala. Sa puso't isipan ni Ligaya ay kahit kailan, hindi siya pinaboran ng tadhana. Naging mabait man siya, ngunit kasamaan lang at pagdurusa ang naging balik sa kaniya. Hindi patas ang mundo, kung hindi ka marunong maglaro, hindi ka mananalo.
Dinadamdam ni Ligaya ang lamig ng ihip ng hangin na nanunuot sa kaniyang katawan, pinahiran niya ang luha sa kaniyang mga mata. Huminga siya ng malalim at buo na ang kaniyang desisyon, titigil na siya sa kaniyang pag-aaral, at aaminin na niya sa kaniyang ama na nawala na ang kaniyang scholarship.
Gagawa siya ng paraan para makabangon. Kung hindi man siya makapagtapos ng pag-aaral, ang importante ay hindi titigil ang kaniyang buhay.
Kinabukasan, habang naglilinis si Manuel ng kanilang bahay, at si Sinta naman ay nagsusulat sa kaniyang kuwaderno kasama ang kaniyang Ate na tinuturuan siya, ay hindi mapakali ang isip ni Ligaya. Lingon siya ng lingon sa kaniyang ama. Naghahanap ng tiyempo kung kailan niya sasabihin iyon.
"Ate, ayos ka lang ba?" Napansin ni Sinta ang kaniyang kapatid. Napatingin naman si Ligaya kay Sinta, inuusisa kung ano'ng gusto nitong iparating. "Kanina mo pa kasi pinagmamasdan si Papa. May sasabihin ka ba sa kaniya? Gusto mo tawagin ko na siya?"
Mabilis naman umiling si Ligaya, "Huwag na. N-na-mi-miss ko lang si Papa. Alam mo naman, hindi na kami madalas nagkikita dahil busy ako sa klase, at madalang na rin kaming nagpapang-abot tuwing umuuwi ako rito," tanggi niya.
"Hindi ka ba nahihirapan maglakad Ate? Lagi ka na lang kasing g-ginagabi eh."
Ngiti lamang ang itunugon ni Ligaya kay Sinta at sinenyasan niya ito na ipagpatuloy ang ginagawa na sinunod naman ng kaniyang kapatid. Muli niyang nilingon si Manuel na abala ngayon sa pagwawalis. Kumakabog man ang dibdib niya pero kailangan niyang lakasan ang kaniyang kalooban.
"Pa..." Lumapit si Ligaya kay Manuel. Nasa tambayan ang kaniyang ama, nakaupo ito at tahimik na pinagmamasdan ang kapayapaan ng paligid. "Ano po'ng iniisip niyo?" Umupo siya sa tabi ng ama, tinanong niya rin iyon dahil napansin niyang malalim ang iniisip nito.

BINABASA MO ANG
FRAGMENTS (COMPLETED)
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...