Nagising ako nang maramdaman ang init na tumatama sa aking balat. Hinila ko ang aking kumot papunta sa aking mukha at tumalikod sa siwang ng dingding kung saan pumapasok ang init na nanggagaling sa araw.
"Kuya..." napabalikwas ako nang marinig ang maliit na boses ng aking kapatid. "Gising na raw po sabi ni nanay." bumangon ako dahil sa narinig. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng kama upang tignan ang oras.
Alas-sais na ng umaga. Mamayang alas-nuebe pa ang pasok ko ngunit kailangan ko pa ring gumising nang mas maaga.
"Gising na." saad ko at tumayo na upang lumabas ng kwarto. Nakita ko ang nakababatang kapatid na nakatayo sa harapan ng kwarto. "Good morning, Kuya!" ngumiti ako sa kanya, lumapit na rin at ginulo ang kanyang buhok.
"Ang ganda ng gising ah." napahagikhik siya nang yumuko ako at patakan siya ng halik sa ulo.
"Nagluto si nanay po ng singangag." natawa ako dahil sa pagkakasabi niya ng salita. "Sinangag 'yun, Cade."
"Singangag." ulit niya. Nakatingala siya sa akin. Ang bilogang mga mata ay nangungusap. "Okay na 'yan. Halika na." hinawakan ko ang kamay niya upang hilahin papuntang kusina.
"Nay?" sinalubong kami ng kanyang ubo noong pumasok kami sa kusina. Humarap siya sa amin sandali at ngumiti. "Magandang umaga, anak. Nagluto ako ng sinangag at hotdog." pinaupo ko muna si Cade bago lumapit sa ina. Hinalikan ko ang kanyang ulo nang makalapit.
"Inuubo na naman po kayo?" nag-aalalang tanong ko. Mabilis siyang umiling. "Hindi anak. Nasamid lang ako." bumuntong-hininga ako. Ganito palagi ang sinasabi niya.
"Bibilhan ko po kayo ng gamot kapag dumating ang sweldo ko." kumuha ako ng mga pinggan at kutsara at nilagay sa lamesa. "Huwag na anak! Maayos naman ang pakiramdam ko." saad niya, pero hindi na ako nagsalita pa.
Hindi ko mapigilang mag-isip nang malalim. Palaging masama ang pakiramdam niya ngunit ayaw namang magpacheck-up kapag pinagsasabihan ko. Sayang daw ang pera. Nagtatrabaho naman ako. Although, my salary is not enough, but I'm always willing to work hard to provide for our needs. Kahit minsan ang hirap na. Kahit minsan pasuko na. I cry whenever I think that life will never stop for me. It will never wait for me, so I need to keep going. No matter how much I want to stop to at least rest for awhile, I can't.
Ang hirap dahil pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kinakaya ko dahil kailangan kong kayanin. I don't have the privilege and right to feel exhausted. Hindi ako pwedeng tumigil.
"Mag-iigib sana ako ng tubig kanina pero hindi ko kayang buhatin 'yung isang timba mula kina Lolet hanggang dito. Pwedeng ikaw na ang mag-igib, anak? Nasabi ko naman na na bibili tayo ng tubig."
Nagising ako sa pagkakatulala dahil sa narinig sa ina. Ngumiti ako at tumango.
"Sige po, nay. Mamaya pagkatapos kumain." kinuha ko sa kanya ang malaking bowl na may lamang sinangag. Paborito ni Cade.
Nilagyan ko ang pinggan nilang dalawa bago ang akin. Nagsimula na kaming kumain pagkatapos, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-isip nang malalim.
I took a deep breath. Naputulan kami ng tubig kahapon. Hindi ko nabayaran dahil hindi pa dumadating ang sweldo sa pinagtatrabahuan ko.
"Pasensya ka na, anak. Susubukan kong maghanap ng mahihiraman at babayaran ko ang tubig. Para hindi mo na kailangang mag-ibig pa." ang titig kong nasa pagkain ay napunta kay nanay. Umiling ako.
"Hindi naman kailangan, nay. Hindi naman mahirap mag-igib. Tyaka na natin babayaran ang tubig kapag nakasweldo na ako. Sa biyernes na po iyon."
Ayokong nakikitang pumupunta siya kung kani-kanino para lamang makahiram ng pera. Masakit isipin na kailangan niyang gawin iyon.