Dise Siyete: The Story of Lia
by Rynchfimia----
ANG MAPUSOK NA PAGTATAPOS
"Dise Siyete. Labimpito. Seventeen. One, Seven." Humugot ako ng napakalalim na paghinga.
Ngumiti ako sa harap ng mga graduates.
"'Yan yung taon ko nang unang subukin ang tatag ko sa buhay."
Parang naging sariwang muli ang lahat ng alaala ng nakaraan.
"I was seventeen when I became the dirtiest woman and child of my late mother." Napangiti akong muli pero pumatak ang luha ko. Dagli ko itong pinahid upang magpatuloy sa pagsasalita.
"Sa murang edad, pakiramdam ko ay pinagkaitan ako ng lahat ng mayroon sa mundong ito. Trese ako nang bawiin ng Diyos ang buhay ng aking pinakamamahal na Tatay." Muling pumatak ang luha ko na muli kong pinunasan.
Itawid mo ang speech, Lia!
"At a young age, pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng buong mundo. I was longing for love, for acceptance, and for validation. Akala ko ay wala akong puwang sa mundong ito. Sa hirap ng buhay, I had to work for my family and for myself. Lahat ng pagsasakripisyo ay ginawa ko hanggang sa dumating ako sa puntong pumasok ako sa mundo ng kahalayan."
Ang ibang estudyante ay nanlaki ang mga mata habang ang iba ay nasulyapan kong nagpupunas ng luha.
"Tama po, I became a poor woman. Kinapitan ko ang kaisa-isang bagay na iyon para makapag-aral kaming magkakapatid at matustusan ang gamot ng aking ina."
"Once you've lost someone important to you, you never want to lose another. At ayaw kong mawala muli ang aking ina." Bumuhos ang mabigat na emosyon ko kaya sandali akong napatigil. Tumingala ko para mapigilan ang ilan pang nagbabadyang luha.
Bumaling ako muli ng tingin sa mga graduates na ito.
"She never cared for me. She didn't love me. She didn't show me the slightest concern. I grew up feeling like I didn't have a mother. Naiinggit ako sa mga batang may nag-aalaga sa kanilang ina. Hatid-sundo sa eskwela. Masayang nagtatawanan. Kasi hindi ko naman yun naranasan."
Napangiti ako kahit may umagos na mainit na likido sa pisngi ko. "But I was wrong. My mom is the most precious person I have in this lifetime. She's my hero - my Darna."
Nanginginig na ang mga kamay ko. Hindi ko mapigilan ang umiyak. Tahimik pa rin ang gymnasium at tutok na tutok sila sa akin.
"Huli na nang malaman kong mahal niya ako. She really loves me. I thought I was the one who gave her misery but I was the one who gave her new hope. She chose to continue and live because of me. Ako ang bumuo ng pira-piraso niyang pagkatao."
"Sana ay nagkaroon pa ako ng mas mahabang panahon para makasama siya. Subalit, sadyang mailap ang panahon. Kinuha siya ng Diyos sa mga panahon na gustong-gusto ko pang tuparin ang pangarap ko kasama siya."
"Sa edad na labimpitong taong gulang, bagama't maaga para sa isang batang katulad ko, ay naging mas malakas ako. Naging matatag ang dati ay mahinang si Lia. Tama talaga ang sabi ng iba, your experience is the best teacher. Minsan ay hindi natin nakikita ang halaga ng pagkalugmok at pagkabigo sa mga panahong yaon hanggang sa maging bahagi na lang ito ng nakaraan at maging alaala. Kung magbabalik tanaw lang tayong lahat, malalaman natin na lahat ng masasamang bagay na nangyari sa atin ay nagdulot ng hindi maikakatwang tatag at lakas sa ating pagkatao."

BINABASA MO ANG
Dise Siyete: The Story Of Lia (R18+)
Historia Corta[NOT A ROMANTIC LOVE STORY] Sa mundong puno ng kalupitan ng tadhana, kakayanin mo bang sumabay sa agos nito? Si Lia ay matagal nang ulila sa ama. Bata pa lamang ito nang mamulat siya sa tunay na kalakaran ng mundo. Sa hirap ng buhay ay kailangan niy...