TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXVI
Naging masaya ang bonding ni Ligaya at Nathaniel at kung anu-anong aktibidades na lamang ang kanilang ginawa. Kahit paano ay pansamantalang nakakalimutan ni Ligaya ang kalupitan ng buhay.
Sa isang komportable at maaliwalas na silid ni Nathaniel ay may mga naka-decorate na posters ng mga paintings ng mga sikat na artists. Kasama nila roon ang isang anak ng katulong nila Nathaniel na batang babae. Busy ito sa paglalaro, kaedaran nito si Sinta.
Nagdala sila ng mga makakain doon sa k'warto, at in-unpack ni Ligaya ang box ng snacks habang ang isa naman niyang kamay ay busy na tinitingnan ang photo album nila Nathaniel. Sobrang dami nilang memories na pamilya, kung saan-saang lugar na rin sila nakapunta base sa mga larawan.
Masayang tingnan ang mga larawan nila. Meron doon ang kasal ng magulang ni Nathaniel hanggang sa nagka-baby sila. Nandoon pa nga ang pictures ni Nathaniel na umiiyak at ang pakikipagbardagulan nito sa kaniyang Kuya noong sila ay bata pa. Sa madaling sabi, isa itong photo journal ng kanilang buhay.
"Kamukha mo rito ang Daddy mo," sabi ni Ligaya nang ituro niya ang isang picture ng lalake na nakasuot ng coat. Pormal itong tingnan, chinitong moreno. "Guwapo ha, in fairness."
Natawa naman si Nathaniel. "Alam mo, hindi ako 'yan ano ka ba. 'Di hamak na sobrang guwapo niyan eh ang ganda ko 'no."
Hindi na kailangan pa ni Nathaniel mag-filter ng kaniyang sasabihin dahil alam naman ng bata ang totoo. Silang tatlo lang ang nakakaalam.
"Siya 'yong Kuya ko, si Engineer Eze."
"Oh..." Pinagmamasdan muli ni Ligaya ang larawan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay bigla siyang napangiti. "Nasa lahi niyo talaga ang pagiging chinito 'no?"
"Yes naman."
"Ang ikli naman ng pangalan niya."
"Tinamad na siguro parents ko mag-isip ng pangalan noon kaya in-Eze na lang nila si Kuya," tawa niya. "But you know, not to brag ha, pero sobrang bait niyan ni Kuya. Ewan ko nga paano niya natagalan ang mga expectations nila Mom and Dad eh."
"Nasakal din siguro siya noon. Probably he handled everything well at ngayon, nag-do-doktor siya 'di ba?"
Tumango si Nathaniel bilang sagot.
"Minsan, nakakainggit din ang buhay ng ibang tao..." biglang sabi ni Ligaya na hindi tinitingnan si Nathaniel. Nakatingin lang siya sa larawan. "Napapatanong ako sa langit kung ano kaya ang ginawa nila para paboran sila ng mundo? Mabait kaya sila? Bakit napaka-perpekto yata ng buhay na dinadanas nila...?"
Natigil si Nathaniel at nagkatinginan sila ng batang babae. Hindi niya alam kung bakit niya pa ito tiningnan pero binalik niya rin ang mga mata niya kay Ligaya.
Tumayo si Nathaniel mula sa kama niya at tinabihan si Ligaya na nakaupo sa floor. Kumuha siya ng pirasong pizza sa box na binuksan kanina ni Ligaya. Siya naman ang nag-flip sa page at tumigil ito sa mga larawang kuha niya kay Ligaya at sa pamilya nito.
Nabigla si Ligaya kung bakit nalagay iyon doon, hindi naman sila pamilya nila.
Huminga ng malalim si Nathaniel. "Alam mo ba na dahil sa babaeng 'to," sabay turo niya sa larawan ni Ligaya. Mayroon kasing picture si Ligaya sa album na siya lang mag-isa at napakalawak at napakapuro ng ngiti nito. "At dahil sa pamilyang 'to," tinuro naman ni Nathaniel ang picture kung saan kumpleto ang picture ng pamilya ni Ligaya na nandoon din si Nathaniel. Iyon ang unang araw na bumisita siya sa bahay ng kaibigan. "Nalaman ni Tani kung gaano siya ka-suwerte. Kung gaano kabuti ang langit dahil binigyan siya nito ng Ligaya, Sinta, at Tito slash Tatay Manuel..." Tiningnan ni Nathaniel si Ligaya, nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata. Pinatong ni Nathaniel ang kaniyang mga kamay sa balikat ng kaibigan at hinarap ito. Diretso ang kaniyang tingin sa mga mata ni Ligaya. "Walang kainggit-inggit sa ibang pamilya, Ligs. Dahil lahat tayo, nagniningning sa sarili nating paraan. Higit sa lahat, hindi mo kailangang mainggit sa kanila o sa kahit sino pa man, dahil walang kaparis ang kagandahan ng pamilyang mayroon kayo nila Sinta at Tatay Manuel..."
Tumango si Ligaya at pinunasan ang luha niya. She sniffled and laughed slightly. "Tama ka..."
Gustong-gusto na ni Ligaya na mag-breakdown sa harap ni Nathaniel pero pinigilan niya ang kaniyang sarili.
Madaling makakita ng kaibigan, pero mahirap makahanap ng isang tao na hindi ka huhusgahan, na mananatili sa'yo kahit gaano man kahirap ang sitwasyon mo, higit sa lahat, kakaunti na lamang ang totoo ngayon at masaya siya na gano'n si Nathaniel.
Hinagod ni Nathaniel ang likod ni Ligaya at isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat nito.
"Aww..."
Parehong natawa ang dalawa nang magsalita ang batang babae na napahawak pa sa kaniyang puso.
"Ma-mi-miss kita, Tani..."
"Magkaibigan pa rin tayo kahit saan man tayo magpunta, malayo man tayo sa isa't-isa. Tatawagan kita, through video call, tapos i-te-text din kita... saka, bibisita ako rito 'no. Hindi naman ako sa abroad pupunta, kaya magkikita pa rin tayo 'no..."
"Alam ko naman 'yon..."
"Teka..." Tumayo si Nathan at pumunta sa wooden drawer niya na napakakintab. Mayroon siyang box na kinuha mula roon. Bumalik siya sa tabi ni Ligaya. "I got you something..."
Nabigla si Ligaya nang iabot ni Nathaniel ang box. "Teka Nathan... H-hindi mo naman na 'to kailanhang gawin..."
"Gusto ko siyang ibigay na regalo sa'yo. Buksan mo..." nakangiti niyang sabi kay Ligaya.
Nang buksan ni Ligaya ang box ay inihayag nito ang pares ng friendship bracelet. "Pina-customize ko. Para p'wede natin 'to suotin, saan man tayo magpunta... at para rin, hindi mo maramdaman na malayo ako kahit malayo naman talaga tayo sa isa't-isa."
Halos maiyak si Ligaya. Naghahalo ang kaniyang emosyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, nagugulumihanan din siya. Alam niya kasing hindi na niya matatagalan ang mundo...
Napansin naman ni Nathaniel na umiiyak si Ligaya. "Sus, ang oa ha! Akala ko pa naman ako na ang best in oa, ikaw pala," biro niya rito dahilan para mapatawa na lamang sila.
"Wala akong regalo para sa'yo... Wala kang maaalala sa'kin..."
"Sus ito naman. Ang gagawin nating kabaliwan ngayon ang maaalala mo sa'kin 'noe, 'nukaba."
Ligaya and Nathaniel put on their bracelets. Nakisuyo na rin sila sa bata na magpa-picture. They spend the hours singing along their favorite songs, sharing their hopes and dreams for the future, and talking about their favorite movies.
They also played fashion where they modeled like they're in the runway. The kid keeps on clapping by how stylish Nathaniel is. The three of them shared a laugh and their badass resourceful looks. They painted, created scrapbooks, gluing photos, writing captions, and decorating the pages with colorful stickers and glitter.
They even cooked with Nathaniel's parents. Ligaya volunteered in preparing a delicious lunch of pancakes and fruit. They chat and laugh, Nathaniel's parents reminiscing about the memories of Nathaniel's childhood.
Ligaya sips on a glass of juice. "Excited ako para sa'yo Tani."
"Tani?" tanong ng Dad ni Nathaniel.
"Ah, 'yan po 'yong tawag ko sa kaniya. Short ng Nathaniel."
"Actually, Dad... Iyan ang tawag ng family niya sa'kin. Ang sweet nga."
"Alam mo, you should invite your family here, Ligaya. Soon. 'Di ba Tani anak?"
May panunukso ang titig at pagkakasabi niyon ng Mommy ni Nathaniel. Tumango lang naman ang binata habang si Ligaya naman ay nag-nervous laugh.
Ligaya and Nathaniel together with the young man's parents snuggle up on the king-sized couch, sharing a bowl of popcorn and laughing at the funny parts of the movie they're watching.
As the sun begun to set, the two best friends gather on the porch, sipping hot chocolate and enjoying the view.
"Punta ka ro'n!" utos ni Nathaniel sa kaibigan. Pinapa-pwesto ito kung saan kita ang kagandahan ng dapit-hapon.
"Smile naman diyan, soon to be Atty. Ligaya Villareal, the best cheerleader in the universe."
Nathaniel takes a final picture of Ligaya, her best friend, against the backdrop of the golden sunset. One click, and then it was a capture of Ligaya's wink and last smiles.
![](https://img.wattpad.com/cover/373306639-288-k933476.jpg)
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...