[Dei Pov]
Kasalukuyan nga palang kasama ko ang boyfriend kong pumunta sa isang mamahaling bar dito sa lugar namin. Birthday kasi ng bestfriend kong si Lhea ngayon kaya invited kami este ako lang pala kasi ayaw niya kay Lervin para saken ang sabi niya di daw kami bagay at di siya sigurado kung totoo ba siya saken
Alam ko naman sa sarili ko na ako lang ang mahal ni Lervin hindi sana kami tatagal ng 3 years kung may iba siya diba
“Wow ang dami namang handa may pa alak pa siya” saad ko habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa harapan ko ang “grande talaga pag anak mayaman ka kaylan ko kaya to mararanasan,” tanong ko sa sarili ko
Hindi ko namalayan na biglang lumapit si Lhea saken at niyakap ako ng mahigpit
“Girl akala ko di kana dadalo” saad ni Lhea saken habang yakap yakap niya ako. Agad naman itong bumitaw sa yakap niya ng nararamdaman niyang inaalis ko ang kamay niya dahil hindi na ako halos makahinga sa pagyakap niya saken.
*/panting for air
“Ano kaba sis may isa akong salita at isa pa gusto ko bang maging sadgirl ang bff ko ngayong birthday niya,” pinisil ko naman ang magkabilang pisngi ni Lhea.
“Salamat nga pala sa pag invite makakatipid na ako ng pang dinner ko ngayon”
“Kain lang girl pero wag ka munang magpapabusog masiyado kasi may pa cake pako mamaya” saad nito saken, Nginitian ko naman ito dahil sa sinabi niya
“Sis may mga.....”naputol yung sinasabi ko ng biglang nagsalita si Lhea parang alam niya yung itatanong ko
“Hay nako Girl walang hipon sa handa ko kaya pwedeng pwede yan sa prinsepe Lervin mo ohh heto paper plate kain ka ng marami ha magpakabusog ka” nagmamataray na sagot ni Lhea at agad ini abot yung paper plate sa saken Nginitian ko nalang ito.
“Sis penge nga ng isa pang paper plate” Saad ko dito agad naman akong binigyan ni Lhea
“Pinagsisilbihan mo nanaman yang prinsepe mo”
“Hay nako sis girlfriend niya ko kaya natural na gawin ko to sa kanya” saad ko dito
“Hayss bahala ka, maiiwan na nga kita diyan punta lang ako dun sa mga classmates kung mga pabida actually hindi naman talaga sila invited dito pero nagtataka ako kung bakit nandito sila ” saad ni Lhea saken napatawa nalang ako dahil sa itsura ni Lhea kasi bakit nga ba nandito sila eii lagi nila kaming pinagchichissmisan .
Ng umalis si Lhea ay kumuha narin ako ng pagkain at dumeretso na sa kinaroroonan ni Lervin habang naglalakad na ako palapit sa kanya ay, napansin kong lumabas ito ng VIP Room kung saan kami naroroon
Agad kong ibinaba sa table yung mga pagkaing hawak ko para sundan si Lervin
Pagkalabas ko ng VIP Room ay nahagip ng mga mata ko ang papalabas kong boyfriend kaya di ako nagdalawang isip na sundan ulit siya
Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ay may humigit sakeng matandang lalaki, obvious sa mata niya na naka inom ito
“Hey miss tara tabihan mo ko dun sa upuan ko ” saad ng matandang lalaki sa akin agad naman akong lumingon at sinungitan lang ito
“Pasensiya na ho pero hindi po ako umiinom ng alak” pagpapaliwanag ko dito
“Tuturuan kita miss basta paligayahin mo lang ako magkakasundo tayo” ngumisi naman ito na parang gusto akong manyakin
“Pasensiya na talaga kuya pero hindi na pwede magagalit yung boyfriend” ani ko dito
“Iiwan karin niyan miss kaya saken ka nalang sumama papaligayahin kita sa kama araw araw” nakangisi nitong saad saken
BINABASA MO ANG
Whispers of the Night Stand
RomanceDi na namalayan ni Dei na marami na pala siyang nainom na alak, dahil narin sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sa panahon na yun dahil nahuli niyang nambababae ang kanyang boyfriend na si Kidd. Sobrang sakit sa part ni Dei ang nangyari lalo na't...