CHAPTER ONE

7 0 0
                                    


BET


***


August was fuming mad while walking on his way to the conference room. Napatayo naman lahat ng mga engineer nang makita itong nagsalubong ang kilay na pumasok.

"President," the architect bowed his head respectfully. Sinenyasan naman niya ito na itaas ang ulo na ginawa naman nito.

Umupo naman siya sa upuan niya sabay tingin sa lalaki na nasa harap kaya lumunok ito bago nagpatuloy.

"So this is the blueprints-" August cut him off.

"What? I thought we already finalized this?" August asked. Nagtiim naman ang bagang nito habang nakatingin sa mga blueprints na nasa harap niya.

The architect lowered his head. "The Villasero rejected it,"

Minasahe naman ni August ang ulo niya sabay tingin sa mga blueprint. Alam niya na gago si Eros pero di niya alam na ganito pala kagago ito. Sinenyasan naman niya ang architect na tumigil muna at tinawagan ang kaibigan.

Eros pick it up. "Hello?"

"Bastard. We'll conduct a meeting about this new hotel of yours, pano namin maguguhit ang gusto mong building kung ayaw mong makipagmeeting?" Bungad niya sa kaibigan.

Nakatingin lang ang mga engineer kay August na halos mamula na ang mukha sa irita. Kung makasabi na magpapatayo siya ng bagong hotel parang madali lang gawin ah? May magic ba siya para magawa ang gusto nito nang walang pag uusap?

"Kaya mo na yan, busy ako." Anito na ikinainit lalo ng ulo niya.

"Gago, gusto mo bang gawin kong bahay kubo yang hotel mo?" Di na napigilan pang magmura ni August.

"Hotel nga eh tapos gagawin mong bahay kubo? Bobo ka ba, Gus?" Eros argued so August took a deep breath to calm his nerves.

Kung di niya kaibigan to ipapatay niya talaga to.

"Ah, may nakalimutan ako. May architect ako na papadesign ng hotel kaya nireject ko lahat ng designs ninyo." Anito dahilan para matigil si August.

"Ha? Saang planeta mo napulot yan at ayaw mo ng mga designs namin?" Tanong niya.

"Freelance Architect at magaling yun." Anito kaya napaisip siya.

Freelance Architect? Of course he herd of those but they are rare due to it being a non-practical job for architects lalo na pag wala ka sa firm o kompanya kasi wala kang koneksyon sa industriya.

"Sino yan at ayaw mo sa mga architect ko?" Tanong niya, naiinis dahil sa pagka choosy ng kaibigan.

"She's famous for her outstanding designs," ani Eros kaya napaisip si August. Of course, Eros is choosy so he won't just take an amateur architect for his beloved hotel.

"Osige, papuntahin mo lang bukas para matapos na tong hotel mo." Pagsuko ni August sabay baba sa tawag.

"Don't waste your time, he had a freelance architect for the job. Let's have a meeting tomorrow, 9 am." Aniya sabay labas ng conference room.

Naglakad naman siya papunta sa opisina. He is the owner pero dahil sa kaibigan niya ang nagpagawa ay inatasan niya ang head engineer na ireport sakanya lahat. He knows Eros and he knows how choosy that bastard is. Kaya nag init talaga ang ulo niya nang tawagan siya ni Engr. Tuazon at sinabing nireject daw ni Eros lahat ng disenyo ng mga architect. Napatingin naman siya sa oras at agad na niluwagan ang neck tie niya nang makarating na siya sa opisina.

August Gazanto | BBS #1Where stories live. Discover now