Slap
“This is your last meeting for today, miss Arri. Remind ko lang din po kayo for your family dinner at 8 o'clock.”
My secretary said. Kalalabas lang namin galing conference room. We had meetings that last for almost 3 hours, at ngayon lang natapos.
“Thank you, Almira. You can have your early clock out then.”
I said and walked inside my office to get my things. I don't want to go to that dinner but, it would be disrespectful.
It's been 2 and half years since I became the new president of the company. And it's back to normal, striving, and successful. It wasn't an easy journey, it had ups and downs. But I overcame it all.
Like I said to them. I'll do it my way. And look at the company now, beautiful and successful.
New branch after new branch from different cities and also different countries. More branches outside the country I am aiming for in the next few years. I have been manifesting it.
Pagka tapos kong maayos ang mga gamit at sarili ay lumabas na ako ng opisina.
I bid a goodbye to my secretary, na nand’yan pa pala. May mga nadaanan akong office at cubicle na may mga empleyado pa, mukhang mag o-overtime.
Binati ako at ganoon din ang ginawa ko.
“Nakakatakot talaga aura ni miss Arri!”
“Oo nga, her beauty is very intimidating. Mukhang masungit pero mabait!”
“Shhh! Itikom nga ninyo ang mga bibig n’yo! Baka marinig kayo ng kung sino at akalain sinisiraan n’yo ang CEO!”
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang usapang iyon bago ako tuluyan nakalayo sa kanila. Naiiling at bahagyang napangisi na lamang ako.
Nasa harap na ako ng elevator at habang nag aantay ay nilabas ko ang aking cellphone.
May ilang mga empleyado na dumating at nag aantay na rin sa elevator, bahagya ko lang silang tinanguan ng batiin nila ako. Binalik na rin agad ang atensyon sa cellphone na hawak.
Busy ako sa pagkalikot ng telepono ko ng dumating ang inaantay na elevator. Dalawang tao lang ang sakay kaya maluwag.
Bahagyang nag bow ang dalawang nasa loob ng makita ako, tipid lang akong ngumiti at tinanguan sila bago tuluyang pumasok sa loob.
Sa may dulo ako pumuwesto at inabala ulit ang sarili sa cellphone. Nang mapagod ang mata ay itinigil din. Sumandal ako ng bahagya at ipinikit ang mga mata, resting a bit.
Tahimik sa loob, which is normal naman pero iba ata ang katahimikan nila. Siguro ay nandito ako kaya nahihiyang magkwentuhan. Wala naman kaso sa’kin kung mag usap sila ng kung ano ano. But then, maybe it's awkward for them.
Bumukas ang pinto ng elevator at may mga grupong nagtatawanan na pumasok. Nawala na ang katahimikan at naging maingay tuloy dahil sa mga bagong nagsi sakayan.
Suddenly their topic changed, they were now talking about something related to clothes. At bahagyang may tinitigan sa iPad ng isa nilang kasama.
Hindi nila ako napansin siguro dahil nandito ako sa pinaka dulo kaya wala silang pakialam kung medyo may kaingayan sila. Like I said wala naman ngang problema roon.
Bahagya lang ako sumandal ulit at pumikit ng marinig ang sariling pangalan.
“Have you seen Miss Arii's dress? Grabe gustong gusto ko ang fashion n’ya!”
“Hala oo! Me too, lahat ng isuot ni ma'am Arri bagay sa kan’ya. Nakakainggit. Samantalang hirap na hirap akong mag isip ng babagay na suot everyday!”