GENTLEMAN

239 5 0
                                    

Today Tito geo decided na gusto nya daw yung challenging na way papunta sa ilog.. yk mga putik putik na hirap daanan ng mga sasakyan.

And ngayon which is 11:36 pm na and nag-aayos na kami ng gamit...halos lahat na nandito except nalang si dongdong dahil tulog pa siya, wag muna daw gisingin baka raw umiyak pa.

Currently nasa kwarto kami ni jeo, nilalagay ko yung mga needs ko sa bag. Dalawang bag kasi ang dadalhin ko yung Isa is puno ng mga damit and yung pangalawa naman is mga needs ko, maliit na bag lang naman sya kaya keri lang.

Si jeo ay nasa baba tumutulong ilagay yung gamit sa kotse. Expected na yan.

After I'm done bumaba na ako na dala dala yung maliit na bag ko, yung malaki na bag ko is nasa kotse na at nakita sila na nag-aayos pa din pero konti nalang.

"Dun kana sa kotse mahal". Saad ni jeo nang makita nya ako tapos nako sa ginagawa ko sa taas. Binuhat nya yung folding camping table sabay lumabas para ilagay sa trunk iyon, sinundan ko sya.

"May gagawin ba ako? Pwede naman ako tumulong na". Sabi ko sakanya.

"Wag na, malapit na rin naman kami matapos hintay ka na dun sa kotse nandun naman na sila mhie". Saad nya sabay halik ako sa cheeks at pumasok na ulit para magbuhat ulit.

Tumungo ako sa kotse ni tita Janice na katabi lang ng kotse ni Tito geo at binuksan yung passenger seat door.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng door ay bumungad na saakin si dongdong na nasa back seat katabi nya naman si naynay.

"Ate!". Pasigaw na sabi ni dongdong, ngumiti ako sakanya.

Nagpu-putty hands pa sya means gusto nya ako yakapin or ikarga sya.

Sina naynay at Tita Janice ay nakatingin lang samin habang may ngiti.

Agad ko namang binuksan yung back seat door after ko isara yung sa passenger seat.

Si dongdong ay nakaopen na yung arms para ikarga ko na sya.

"Nay pwede po jan ko po muna ilagay yung bag ko". Saad ko.

"Oh sige". Sagot nya at kinuha yung bag ko na inoffer ko at itinabi nya sakanya bago ko buhatin si dongdong.

"Ugh bigat mo na dongdong". Saad ko.

"Hindi ah baby baby pako". Sabi nya sabay itago yung muka nya sa leeg ko.

Napatawa nalang kaming tatlo sa sabi ni dongdong.

Binuksan ko na yung passenger seat door after ko isara yung sa back seat habang buhat buhat ko si dongdong. Sumakay na ako at hinintay namin sina Tito geo na matapos.

Si dongdong ay hawak hawak yung cellphone ko habang sya ay naglalaro ng racing cars.

After ilang minuto ay nagclick-click yung radio ni tita janice sabay bumungad yung boses ni Tito geo.

"Ma, tapos na kami, larga na tayo, over". Saad ni tito geo.

Di namin na namalayan na tapos na pala sila at nasa kotse na kasi busy kami sa ginagawa namin. Lumingon ako sa kotse ni tito geo at nakabukas lang na window ay sa side ni jeo at nakatingin rin sya samin pero walang window na nakaopen.

"Sige po dy, over". Sagot ni tita Janice binuksan nya na yung makina.

Same rin kay tito geo, the gate is already open na. Si Tito geo ang nauna bago kami.
After namin makaalpas sa gate, si tita janice huminto muna para tignan kung sinara na ba yung gate, after nyang makita na isinara na yung gate bumusina na sya bago kami tuluyang umalis na. Sina Tito geo ay nakapreno sa tabi tabi, hinihintay kami.

At ayon tumungo na kami sa sinasabing challenging way para sa ilog, kakatapos lang kasi ng ulan kaya naisipan ni tito geo na magilog since ilang weeks na din kami hindi nakakapag gala.

Wait for part 2.

Jeremiah Ong Oneshots & SeriesWhere stories live. Discover now