COLD CRUSH

223 6 0
                                    

"nak, gising na may pasok ka pa". Kinakalabit - kalabit ako ni mama.

"Ayoko pa po". Bulong ko in a sleep voice.

"Aba, anong oras na oh alas-siyete na". Saad ni mama. Eto ako busy paniginipan si jeo.

"Aba hindi pa talaga kaw babangon, gusto pa talaga kaladkarin ka pa e". Saad ni mama na para bang gagawin nya talaga.

"Eto na po, eto na po babangon na". Frantic kong sabi matapos ko iyong narinig mula sa bibig ni mama.

"Mabuti lang... Si jeo nanaman ba yan?". Saad ni mama ng nanunukso.

Bilis ng mood nito ah.

"Mama naman". Nahihiya kong sabi.

Yes, alam ni mama about kay jeo... Jeo is my childhood crush.. we've been classmates since grade 4. He's mom and my mom is also friends kaya napapadalas ang pagkikita namin ni jeo. His mom also knows about my crush on her son. Ang problema is yung personality talaga ni jeo ay nonchalant talaga, kahit anong gawin mo na nakakapagpatawa sa ibang tao pwes si jeo hindi.

"Oh sige na sige, hindi ka pala mahahatid ng papa mo, sabay nalang kayo ni jeo". Sabi ni mama before closing the door.

Hayzt eto nanaman po tayo.

Dali-dali na akong tumungo sa banyo para maligo. After 10 - 15 minutes ay tapos na akong maligo kaya nagbihis na ako ng school uniform namin.

By the way we're 11th grade na and magkaklase kami ni jeo kaya mahirap talaga.

Nagtouch up- touch up para you know, after non bumaba na ako dala dala ang bag ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si jeo nasa sofa, kinakausap si papa.

"Oh anak, kain kana almusal, bilisan mo baka malate pa kayo". Sabi ni mama dahilan para mapatingin si jeo sakin. Nginitian ko lang sya ng para bang bata na nahuli kang nagnakaw ng candy sa cabinet.

Dali-dali naman ako umupo at kinain na yung pancake na inihanda para sakin ni mama.

Rinig ko padin na naguusap sina papa at jeo. Hindi ko na lang iyon pinansin kasi medjo close naman sila ni papa kaya normal na iyon.

After ko kumain, pinainom ako ni mama ng vitamins ko.

Tumungo na ako kala jeo, tapos na silang magusap at iba na yung ginagawa nila.

"Tara na". Sabi ko kay jeo. Tumayo naman sya at inoffer yung hand niya saakin para ibigay ko sakanya yung bag ko. Everytime na ginagawa nya iyon syempre hindi ko pinapahalata na kinikilig ako.

Kahit cold at nonchalant pa yan syempre gentleman pa din...

"Tita, Tito alis na po kami". Sabi ni jeo habang kaming dalawa ay nasa door na.

"Oh sige na, ingat kayo ah". Narinig namin na sabi ni mama mula sa kusina.

"Ingat kayo". Saad ni papa habang yung attention nya ay nasa tv.

"Sige po". Sabi ko sabay bukas ng door.



Habang naglalakad kami papunta sa school, may mga girls na galing sa school namin na lagi ay kasabay namin papunta sa school para lang makita si jeo, patingin tingin pa silang nalalaman. You see, jeo is a vlogger I mean yung yung dad and mom nya is vlogger and they like to travel, kaya super famous nya talaga sa school namin at pinagkakaguluhan pa sya ng girls and boys para lang magpapic. Minsan lang din ako sumasali sa vlog nila.

Minsan rin pinagbibintangan kaming mag- jowa dahil daw lagi nilang nakikita si jeo na buhat-buhat yung bag ko and lagi raw kaming magkasama. Di nalang namin iyon pinansin ni jeo pero deep inside kinikilig na ako.

Buti nalang walang nagpapicture sakanya dahil kung oo edi male-late na kami nyan.

"Sabay rin ba tayo mamaya pag-uwi?". Tanong ko sakanya. Kasi minsan lang din kami sabay umuwi dahil lagi syang sinusundo ng papa or mama nya. Hindi ako sumasabay dahil nahihiya ako.

"Hindi na muna dahil may lakad kami mamaya, deretsyo na kami dun". Sagot nya in a straight tone you what I mean?.

"Ah okay sige, ingat kayo ah". Saad ko habang pangiti-ngiti sakanya.

And after ilang minutes ay nakarating na kami sa school.

Tapos na ang first period namin at hinihintay nalang namin yung second period teacher bago magrecess.

Syempre as usual, pagkalabas ng 1st period teacher ay nagingay na kagad yung mga kaklase namin.

Yung president ay pinipigil sila pero di nila pinapansin yung president mas lalo pa silang nag-ingay kamo.

Nagbuntong hininga nalang ako at nagselpon nalang not until...

May tumabi sakin since absent yung katabi ko. Nilingon ko iyon kung sino at nakita yung pang 2nd na pogi samin, 1st kasi jeo sabi ni ako. Eme.

Si Joshua Lancel C. Santiago.

Tamo pati pangalan pa lang pogi na.

Pero mas pogi ay Jeremiah Emmanuel Ong.

"Hi, mag partner tayo sa science diba?". Tanong nya in gentle tone.

"Mag partner tayo? Haluh sorry nakalimutan ko, when kaba free pala magawa na natin yung project?". Tanong ko sakanya.

"Pwede mamaya paguwian na?". Tanong nya.

"Yes, sure pwede naman, kaninong place ba?". Saad ko sakanya. While talking to him, I feel like there's someone staring at us. Tiningnan ko iyon at nakita si jeo. Hindi ko nalang sya pinansin.

"Pwede sa house mo nalang, medjo magulo kasi yung bahay namin eh, kakalipat lang kasi". Nagkamot sya ng ulo.

"Yes, yes sige". Sagot ko sakanya while smiling.

"Sabay ba tayo pumunta sa house or..?". Saad ko.

"Sabay nalang para mas better, that way we can know eachother since minsan lang din tayo naguusap". Saad nya with a charming smile.

"Sige ba". Sagot ko.

"Okay class, get back to your seat!". Narinig namin ang boses ni Mrs. Gonzales. Agad-agad namang lumipat ng upuan yung iba, same rin kay Joshua pero bago sya lumipat ay nginitian nya muna ako.

Jeo tulong hinahatak nako ni Joshua.

Mabilis lang naman ang oras same rin kay Mrs. Gonzales kaya nagrecess na kami, and same as always kasabay ko nanaman si jeo.
And as usual nagsasalita lang sya pagkailangan pero this time...

"Partner mo yun sa science?". Bigla syang nagsalita habang patungo kami sa canteen.

"Ay oo, sya na mismo nagpaalala sakin na partner pala kami sa science". Sagot ko sakanya.

"Sabihin mo sakanya palit kami. Partner nya nalang si Angela tas ako sayo". Saad nya.

"Ha? Bakit?". Tanong ko sakanya.

"Basta..mas better naman ako dun". Binulong nya yung last kaya hindi ko marinig.

"Ha? Ano sabi mo?". Tanong ko ulit.

"Wala, basta lang". Sagot nya in a cold tone again.

"Tsk". Takla ko.

Chinat ko na kagad si Joshua para ipaalam sakanya, pati narin yung science teacher namin at umagreed naman silang dalawa.

"Kailan naman natin gagawin yung project eh due date na nun sa Wednesday". Sabi ko sakanya.

"Mayang gabi nalang". Sagot nya.

"Ha? Kala koba may lakad kayo?". Nagtatakang tanong ko.

"Change of mind". Sagot nya naman.

Di nalang ako sumagot at tumango tango nalang.

After namin kumain mula sa canteen ay bumalik na kami sa room namin at hinihintay yung pang 3rd naming teacher and after that 4th na and 5th and 6th and that's all uwian na namin.

Tbc.

Jeremiah Ong Oneshots & SeriesWhere stories live. Discover now