CHAPTER 3: Unknown Texter

15 1 0
                                    

Jane's POV

At ito ako ngayon, nasa harap ng aking cabinet at naghahanap ng magandang isusuot para bukas. (Duuuh!!! Kelangan MAGANDA talaga?! Eh magfafile lang naman ng application form! baka may pinagpapagandahan?!)

Hanap....

Buklat....

Hanap...

Hawi dito...

Hawi doon...

Then, TADAAAAAAA!!!! I already found what I want to wear for tomorrow!

Blue black Checkered button down polo and white sando na pangloob at Black fitted Lee pants with matching black Converse shoes. Feeling ko talaga nakakaganda tong mga ganitong damit e. Mehehe. I love black. Halata naman di ba?!

Syempre hindi naman pwedeng ito na lang damit ko buong maghapon, hinanap ko din yung Jacket ko (Varsity Jacket ng class namin) at spare na tshirt (which is BLACK Lee T-shirt) din para ready kapag nabasa ng ulan or whatever na mangyari sa damit.

After ko maipon lahat ng gamit at damit na kekelanganin ko para bukas, kinuha ko ang backpack ko at inilagay ng maayos ang lahat ng gamit ko para bukas. And then tadaaaa!!! Im done!

Humiga muna ako sandali sa bed at tinignan ang cellphone ko, may dalawang message.

First Message

From: Rein
Text Franz na para all set na tayo.

To: Rein
Okay.

Second Message

From: 0906541**** (Unknown)
Hi

To: 0906541**** (Unknown)
Sino ka?

Yeah right! Ganyan ako magreply sa mga unknown na nagtetext sa akin, medyo masungit. Mehehehe. Uso naman kasi magpakilala after saying HI di ba? Duuuuh! Masyadong pa-mysterious yung mga nagtetext na hindi nagpapakilala.

TOK TOK TOK!!!

"Anak, baba na. Kakain na tayo." - mommy.

"Okay ma." - me

Bumangon na ako ng kama at iniwan ko na lang yung phone ko doon sa ibabaw ng bed ko tsaka ako lumabas ng kwarto at bumaba sa dining area para maghapunan.

BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon