CHAPTER 2.2: Phone Number

56 2 0
                                    

Jane's POV

Ayun nga, si Rein ang kasama kong naglakad papunta sa sakayan. Malapit lang ang bahay niya sa school, kung tutuusin pwede na siyang sumabay sa tricycle na sinakyan nung dalawa kanina eh. Pero ewan ko ba sa loka lokang to. Hahaha. Siya ang pinakaBESTFRIEND ko sa lahat. Kaming dalawa ang nagkakaintindihan sa isang tingin lang.

"HOY! Bakit di ka pa sumabay dun sa dalawa?" - me

"Engot ka talaga! Eh gusto kasi kita kasama kaya sumabay ako sayo. Alone time of the two of us? Ayaw mo ba?" - Rein

"Gusto syempre! Baliw!" - me

"Ay, nga pala! Tinext mo na ba si Franz?" - Rein

"Not yet. Mamayang gabi ko na lang ite-----", naputol yung sasabihin ko nang biglang....

"Hi mga ate! Pasabay ah!" - Mark, isang third year sa school. Schoolmate namin siya (natural). Grrr! Pero nakakailang kapag sumasabay sa amin tong ugok na to. Ewan ko ba. Basta! Nakakabwiset!

"Napapadalas pagsabay mo Mark a!" - Rein

"Ah ehh... Hehe!"- Mark, habang kinakamot ang ulo na parang di alam ang idadahilan.

"So, Jane mabalik tayo. Basta itext mo ah!" -Rein

"Ah oo! Uhmm. Sige dito na ako. Ingat ka!" - me. Tapos humiwalay na ako sa kanila at sakto namang may bus na agad kaya nakasakay agad ako. Haaaaaaaaaaaayyyy.

Rein's POV

Naihatid ko na si Jane. Namin pala. Kasi kasama ko tong Mark na to. If I know may hidden agenda to kay Jane eh. Palagi na lang sumasabay sa amin to kapag kaming dalawa lang ang magkasama ni Jane na naglalakad pauwi sa hapon. Pero di naman siya namamansin kapag nasa school kami. Haaay ewan!

"Ate Rein, pwede po humingi ng favor?" - Mark. Naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ko ng tricycle tsaka malapit na yata dun ang bahay nila Mark eh.

"Ano yun?" - ako.

"Ate pwede ko po bang mahingi number ni Ate Jane?" - Mark.

"Ha? Ah-ehh... Bakit di mo na lang sa kanya kunin? Ah, sa kanya na lang." - me. (Ayoko kasing namimigay ng number ng friends ko lalo na walang permission na galing sa kanila.)

"Eh ate nahihiya po ako sa kanya eh. Ewan. Basta ate, di ako makapagsalita kapag nakaharap siya." - Mark.

"Hoy ikaw Mark! Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba kay Jane?" - me.

"A-aahh.. E-eehh.. Ate.. Hmm. O-opo eh." - Mark. Ayuuuun. Sabi ko na eh! Pero okay lang din naman si Mark para kay Jane. Hmmm. Wala namang bad vibes na bumabalot sa pagkato netong si Mark. Tsaka para na din magka-love life na yung bespren kong yun. Madami ang nanliligaw dun since first year high school kami pero hindi niya pinapansin kasi nga sa isang lalaki lang nakafocus lahat ng atensyon niya noon. Ang bespren niyang lalaki---si Franz. Si Franz ang nagsilbing bestfriend, tagapagtanggol, kasama sa lahat, lahat-lahat na. All around si Franz noon kay Jane kaya di na nagbother pa ang aking bestfriend na ientertain ang mga may gusto sa kanya noon. Bantay sarado din kasi siya ni Franz.

"Hayyyss.. Sige, pero wag masyado mabilis ha." - ako. Inabot ko sa kanya yung cellphone ko para makuha na niya number ni Jane. (Shocks ano ba tong pinagsasabi ko!)

"Mabilis ang alin ate?" - Mark.

"Ang panliligaw. Unti untiin mo lang!"- me. Tsaka ko na kinuha yung phone ko at sumakay na ng trike.  (Grabe Rein! Ligaw agad?! para hiningi lang yung number eh!)

"Salamat ate!" - Mark.

"Sige! Pero wag mong sasabihin na sa akin mo nakuha ah!"- sigaw ko sakanya kasi umandar na yung trike. Nakita ko namang ngumiti at kumaway na lang ang mokong.

Haaaayyy.. Jane. Ikaw na ang bahala sa bago mong suitor. At sana wag kang magagalit sa akin pleaseeee. Waaaaah! Lagot ako nito!

BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon