Chapter 37

12 0 0
                                    

[ CHAPTER 37 ]

Nakarating na sila sa syudad at ipinarada ni Pharou ang sasakyan sa isang mall parking lot. Bago bumaba agad na nagpasalamat sa kanya si Juventas.

"Maraming salamat ho, Sir Pharou" aniya.

"Welcome" nakangiting sagot nito.

Bumaba na si Juventas at napalingon sa kanyang likuran nang sumarado ang pintuan. Bumaba pala si Pharou at naglakad ito patungo sa kanya.

"Let's go?"

"Huh? Sandali, sa'n ho kayo pupunta?"

"Sasama sayo, mukhang madami kang bibilhin ngayon kaya tamang-tama lang na samahan kita"

Mabilis na umiling si Juventas.

"'Wag na ho Sir Pharou, kaya ko na"

Pharou pouted. "It's making me upset Miss Juventas that you are rejecting my offer"

"Kaya ko na ho kasi"

Bumuntong-hininga ang binata.

"Fine, I'll leave nalang basta 'wag mong kalimutan ang sinabi ko"

Tumango ang dalaga at bumalik na si Pharou sa loob ng kanyang sasakyan at nilisan ang lugar. Hindi na nagdalawang-isip na pumasok si Juventas sa loob ng mall.

Nakakahiya namang humingi ng tulong sa binata at alam niyang pagod din naman ito dahil kagagaling lamang niya ng byahe at hindi din siya komportable kaya mabuti na pauwiin nalang ang binata.

HINDI na nag-aksaya ng panahon si Pharou. Pagkaalis ng mall, tinahak niya na agad ang daan pabalik sa kung nasaan ang opisina ng kanyang kaibigan.

"Hey, buddy!" Bati niya nang makapasok.

"What do you want? Kagagaling lang nila ni Samael at Valen dito, ikaw—ano ang kailangan mo kaya ka nandito?" Diretsahang tanong sa kanya ng binata.

Umupo si Pharou sa kaharap na upuan.

"Galing ako ng probinsya"

"So?" Walang kagana-ganang tanong ni Reav'n sapagkat nakapokus lamang ang kanyang mga mata sa screen ng kanyang laptop.

"I recommended Juventas to Lola Marieta as your assistant"

Tumigil sa kakatipa si Reav'n at napatingin sa kaibigan. Nakangisi ito ng malapad na animo'y nag-aantay na batiin sa kanyang magandang ginawa.

Reav'n took a deep breath and replied. "Ba't mo ginawa yun?" It's obvious na malapit na itong mainis.

"Ano kasi—ahm! Bagay siya sa trabaho at very competent siya kaya naman ng nagkwentuhan kami ni lola Marieta si Miss Juventas agad ang aking naisip" mabilis na paliwanag ni Pharou na akala mo naman ay parang nagra-rap.

"Hardly pass"

"Why?"

"Office romance is not my thing" nakabusangot na sabi ni Reav'n at bumalik sa pagkakatipa.

Pharou chuckled. "Ba't ayaw mo nun? Ang sikat nga ng mga ganung romance"

"Rule number five, Pharaoh—office romance is strictly prohibited" aniya.

Lumapit si Pharou sa kanyang desk at umupo sa dulo nito.

"Think about it, Pispis. Palagi mo na siyang makikita, palagi pa kayong magkakasama it's either sa loob ng kompanya o 'di naman kaya sa mga business trip parang nag-honeymoon na din kayo kapa—"

"Stop! I don't wanna hear it anymore. Alam mo kung ano ang sasabihin niya? I didn't fulfill my promise to her that I'd pursue her; instead, I offered her as my assistant and not as my lover. I don't want that Pharou"

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon